Chapter 1

51 3 1
  • Dedicated kay FaTtieyma Grace Aguila
                                    

Chapter 1:

Helga's POV

"HELGA, tara na!"

"Anu ba-"

"Tara na nga kasi!... lunch time na kaya!"

"ssshhh... baka mapaglitan tayo!"

"Dina-digest na ng tiyan ko ang sarili niya... ka-shunga naman nire. Eh!"

Umalis na ako sa pagkakasilip ko sa space ng mga books dun sa bookshelf at hinarap ko tong si Andrea dahil kanina pang nangungulet!

"Andrea---" simula ko

"Gutom na talaga ako, Helga!" angal na naman niya akap-akap ang tiyan niya.

"saglit lang... at wag ka nang maingay! Last na titig ko to kay Jared-may-labs!... saglit lang... pramis" lumingon muli ako dun sa butas " AAAAAAHHHHHH!!!!!"

"Aray!!!"

Napasigaw ako bigla dahil si.. si...Jared ... si Jared nga!

Shet nananginp ba ako? Nakasilip din siya sa butas!

Nahagip ko tuloy buhok ni Andrea (kaya umaray siya)... napanggigilan ko...

Well, ang hirap kayang pigilin pag kaharapan mo ang crush mo in between ng mga libro sa shelf... yung bang parang mga nasa movies! Grabe, kilig much talaga! cliché pero I'm telling you nakakakilig! Graabeee!!!

"Bakit?!" gulat na tanong ni Jared. Nagulat ata sa pagkakasigaw ko. ^_^

"Ahmmm... ahmmm..."

anu bang sasabihin ko?

"...may ga...gagamba! Oo! Tama! May gagamba! Nakaalis na..." -_-" gagamba? Nice. psh

"ganun ba ? dapat sinabi mo agad para naprotektahan agad kita... hehe... "

Sabi niya na may kindat pa.

"aaahhh... " plain lang pagkakasabi ko na parang ah, ok... pero deep inside ganito -> {*O*} nakakautal to grabe! Ang pugeee!!!!! May smile at kindat pa siyang nalalaman!!!

"Sige... bye! [^_^]" ibinalik niya agad yung libro niya at umalis. Ako, obvious bang nganga nag peg ko?! Haha...

Niyapos ko ang libro ko at magaang humarap patabi para um-exit.

"ehem..." hinarangan ako ni Andrea na nakakrus ang kamay... nako,

"Andrea, kain na tayo..." pagyakag ko

"Hindi Helga... nandito kasi crush ko..." seryoso niyang sabi.

"Gutom na ko! Tara na kasi" pag-angal ko dahil kumakalam na ang sikmura ko.

"Ganiyanan? Ha? Ngayon alam mo na ang feeling nang gutom ka na talaga pero pinigilan ka ng kasama ko kasi nakatitig pa sa crush nya?" nanenermon na naman.

"Okay, sorry na! pero narinig mo ba ang convo namin?!" excited na tanong ko

"Ay friend, maliwanag pa sa sikat ng umagang mapaminsala!" nakangiti niyang sabi... good vibes na to... halatang kinikilig din.. haha, lakas ko talaga kay bff! "tara na nga kumain"

"Tara na..." sabay kaming kinilig palabas

"Ms. Corpuz---" naptigil ako at nilingon kung ako nga yung tinawag. Shet!

Ansama ng tingin sa akin ni....

Ms. Librarian! Lagot, napahiyaw nga pala ako kanina, at paniguradong dinig niya iyon!!! Patay...

Lumapit siya sa amin. Mataray nag hitsura niya. "...Sa susunod, kung iirit ka, wag library ang pupuntahan ha. Pumunta ka sa music ministry baka matanggap ka sa choir>" mataray pa din at di man lang gumagaan ang mukha niya. Para bang lahat ng mali sa mundo ay nagawa para matingnan niya ako ng ganito.

"Di na po mauulit Ma'am Chona" nakayuko kong sabi

"dapat lang! this is a warning, huh! Or else, I'll pluck that vocal chords out of your larynx forcefully!" 0_0 grabee! Ang brutal naman! Napahawak tuloy ako sa leeg ko. Kahit maka-nosebleed yung sinabi ni ma'am, naintindihan ko pa din naman yun!

O eh di yun nga, umalis na kami ng library.

* * *

By the way, ako nga pala si Helga Corpuz. Mag-kaklase kami ni Andrea Francisco, best friend ko, sa Golden Pinnacle Universty. Tinetake namin ang Computer Engineering.

Si Jared Santos ay isang Mechanical Engineering student. Specs niya?...

Hmmm...

Ultimate DREAAAAMBOOOY!!!!

Whoo! Kailangan lang talagang mailabas yun...

Kasi naman no! mabait, gwapo at matalino! Grabe, complete package!

Kung sa gamot, Centrum na siya! ... complete from HEAD to FOOT!!! <3

"nakakakilig talaga!" nakain na kami't lahat di ko pa din lubusang malimot ang moment nayun!

"Si... Jared na naman?" tanong ni Jayjay. By the way, si Jayjay ang aking best boy friend este best Friend BOY...you know, childhood FRIEND... sobrang sweet at thoughtful niyan!. Nagging crush ko yan dati... haha... puppy love lang naman yun.

Bakit? Kasi sobrang sweet niyan kaya sobrang pa-fall... promise... pero nagfade din yun kasi dulot na din ng mga panahong tigang at nganga lang ako sa paghihintay ng first move niya. Alangan namang ako ang magfirst move...

pero, maybe pagbigyan ko pa just one mo... nope! Jared Santos pa din, no matter what!

"Siyempre! Sino pa ba?!" sagot ko...

"??????????" bulong niya. Wala akong na-gets kahit isa...

"Ano yun?" tanong ko

"Wala..." nakasimangot na naman tong mokong na 'to!.

"ah... ang gusto niya sabihin, sana daw--- *&^%$#@!" hala... anu daw??? To naming si Jayjay, may sasabihin pa si Andrea tinakpan naman ang bibig. Brutality na to! (O.O)

"ano daw?" tanong ko

"wala di ba?" pinanlisikan naman nitong si Jayjay itong si Andrea tapos binitawan ang pagkakapigil sa bibig.

"never mind..." pinanlisikan niya din ng mata si Jayjay "... chika ko na lang sa'yo mamaya! Hahahaha.... BLLEEEHHH! :-P " pang-aasar ni Andrea " Sorry ka, nag-education ka eh!"

"Oo nga Jay, ba't ka nag-educ eh ikaw ang may highest points dati sa math challenge..." tanong kasi henyo tong si Jayjay sa math eh... chicken lang ditto ang Math!

"Gusto ko lang magturo... that's all" ang weird niya talaga... -_-#

Ayun kumain lang kami.

"Uhm, miss excuse me?..." biglang may kumulbit sa akin.

Pagtingin ko kay Andrea, mulagang-mulaga tapos gulat na gulat , si Jayjay naman parang naasar na something... sino ba to?!

Paglingon ko, {O_O} ... {^O^} ...

"Jared?" shet... totoo ba to... ? ! !

Tugudug-tugudud-tugtugtugdugdudg-tugdugtugdug---> heart beat ko...

"uhm,miss, pwede bang..." ibinuka niya ang palad na parang yayayain ako na sumayaw... yes! Yes! Yes! Ahahaha ^_^V

" pwede bang..." kakamot kamot ito sa batok at halatang nahihiya at kinakabahan... anu ba kasing meron... andaming pang 'pwede bang'...

pwede bang ano??? "pwede bang...kasi... ahmmm...pwede bang---"

O.O major mulaga...

========================================================

A/N: there you go guys ! ang first Chappy ng YPiMW sa watty...please support my story, since ito po yung first novel ko dito. And salamat po kay Ate Fatima para sa idea... thanks BFF... sorry po sa mga typos, edit ko din po xa. Si Demi po si Helga, dahil major lovatic ako. hehe. . ayon, maikli lang po itong author's note ko... vote vote din, fan fan din, comment comment din, PAG MAY TIME haha... sana laging may time... thank you!

+_jHimStiKz_+

&quot;Your Picture in My Wallet&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon