Bago lumabas ng ospital si Johann, may ibinigay na sulat sa amin ang doctor niya.
Basahin daw namin yun pagkauwi namin.
Hindi ko pa nasasabi kay Johann ang nangyari. Hindi ko kasi alam kung paano.
Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Pagdating namin ng bahay, wala doon si Johannah. May note na nakalagay sa may sala galing sa yaya ni Johannah. Pumunta daw sila sa lolo't lola ng bata.
Naupo kami sa sofa at sabay naming binuksan ang sulat at binasa.
Johann and Lindsay,
Kung binabasa nyo ang sulat na ito ngayon ng sabay, ibig sabihin successful ang naging operasyon kay Johann at worth it ang ginawa ko.
Biglang nanigas si Johann sa kinauupuan niya. Nakaramdam agad ako ng tensyon.
Sorry kung iniwan nalang kita bigla, Johann. Hindi ko kasi kayang maghirap ka pa. Alam kong hindi ka rin magiging masaya kahit mabuhay ka pa ng matagal kung si Lindsay naman ang nawala. Kaya ko ginawa ang bagay na to ay para sa inyo.
Tumingin bigla sakin si Johann na nagtatanong ang mga mata. Sinenyasan ko lang siya na ipagpatuloy nalang namin ang pagbabasa.
Lindsay, hanga ako sa pagmamahal na kaya mong ibigay kay Johann. Nagtataka ka siguro no? Narinig ko kasi lahat ng sinabi mo sa doctor ni Johann. Hindi mo alam pero sinundan kita nung tumakbo ka nalang bigla papunta sa opisina ng doctor. Nagtaka lang kasi ako dahil hindi ka kaagad dumiretso sa kwarto ni Johann. At ayun nga, narinig ko ang usapan nyo.
Shock was an understatement dahil higit pa doon ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Hindi ako makapaniwalang makakaya mong gawin ang ganung klaseng sakripisyo para lang mabuhay si Johann.
Iniisip ko nun na nababaliw ka na. Dahil sino nga naman kasing healthy na tao ang mag-o-offer na maging heart donor, diba? Ikaw lang yata eh.
Biglang namilog ang mga mata ni Johann at nagtatagis ang bagang na tumingin sa akin.
"Ginawa mo yun?" siya.
"Mamaya ko na ipapaliwanag ha? Just keep on reading."
Ibinalik namin ang atensyon sa pagbabasa. Namimigat na yung dibdib ko.
Pero alam mo? Doon ko napatunayan kung gaano mo kamahal si Johann. Dahil kaya mong isakripisyo ang buhay mo para sa kanya. Handa kang mamatay para mabuhay lang siya.
Naiinggit ako sayo sa bagay na yun. Dahil kahit na naging hadlang ang kasal namin para maging masaya kayo ni Johann ng tuluyan, naging selfless ka pa rin para hindi niya kami maiwan ng anak ko. You'll make a good wife and a mother, Lindsay.
Thank you dahil ginawa mo ang pakiusap ko na layuan si Johann kahit alam kong nasasaktan ka rin. Thank you dahil kaya mong magsakripisyo para sa aming mag-ina niya. Thank you dahil tinulungan mo akong marealize kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Alam mo bang pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi mo sa doctor, para akong natauhan bigla? Naisip ko na kaya ko bang mahirapan habang buhay ang taong mahal ko? Alam ko kasing sayo lang siya magiging masaya.
Antagal ka niyang hinintay. Saksi ako doon. At ayokong habang buhay siyang magdusa pag nawala ka.
Mahal ko din si Johann, Lindsay. Kaya ko sinalo ang dapat sana'y ikaw ang gagawa. Kaya kong magparaya para maging masaya na siya sayo. Hindi madali para sakin ang naging desisyon ko dahil may anak akong maiiwan. Pero nandyan ka naman, diba? Pwede mo naman siyang alagaan para sakin. Please? Sayo ko ipapaubaya ang baby ko ha, Lindsay?
BINABASA MO ANG
Being His Mistress
Short StoryThis story is about a girl who is hopelessly in love with her childhood sweetheart. And when they meet again, she became . . . . HIS MISTRESS.