All stories here are all one-shot stories. Meaning iba't-ibang story at casts every update. Punta kayo sa 'List of Stories' na ginawa ko. After yon ng Story 3-Starstruck. Doon kayo pumili kung anong story gusto niyong basahin.
***
Main Casts:
Kwon Jiyong/G-Dragon of BigBang
Sandara Park/Dara of 2ne1Others:
Lee Donghae of Super Junior
Choi Seungyoon/TOP of BigBang
Park Bom of 2ne1
Lee Chaerin/CL of 2ne1
Gong Minji of 2ne1***
Ang tawag sakin ng karamihan ay playboy, cassanova, womanizer or for short ang HEARTBREAKER ng school na 'to pero hinahabol pa rin ng mga stupid na babae. Ganon ba ko kagwapo?
Wala kong barkada! Forever Alone lang naman ako na gwapo. Aanuhin ko bang mga kaibigan? Pano ko makakapagseryoso sa isang relasyon kung si Dara lang naman ang gusto ko?
Si Sandara Park o mas kilala bilang Dara ang pinakamaganda sa apat na bad girls dito sa school. Ang amo amo ng mukha. Yung leader naman nilang si Chaerin o CL kung tawagin ay sobrang fierce at ayoko sa ganun. Si Bom naman girly at alien daw ang ugali kaya di kami bagay. Si Minji naman talented pero di ko type. Kung akong pinakagwapo at pinag-aagawan ng mga babae, sila naman ang reyna ng eskwelahang ito at pinag-aagawan ng mga lalaki.
"Hoy Jiyong!" Tawag sakin ni Top. Kaklase ko. "Tulungan mo nga ko!"
"Saan?" Tamad kong sagot.
"Liligawan ko sana si Bom." Halos mabilaukan ako, kumakain pa naman ako ng Giant Hamburger. "Okay kalang?"
"Ba't si Bom?" Tinawanan ba naman ako ng loko!
"Eh kasi pinatitibok niyang puso ko." Yuck! "Tsaka stop na ko sa pagiging playboy. Magseseryoso muna ko. Ikaw ba? Wala ka pang minamahal na babae or crush? Yung seseryosohin ha?" Meron. Si Dara kaya lang bad girl nga yun di ba? Edi basted agad ako! Pero bakit ko naman sasabihin sakanya yun? Eh kaklase lang naman siya.
"Wala." Yun nalang ang sinabi ko.
"Edi tulungan mo nalang ako. Haharanahin ko si Bom. Samahan mo ko kumakanta ka naman. Kinakabahan din ako eh."
"Edi kabahan ka jan! Tsaka makaluma na yan harana! Bigyan mo nalang ng mais. Adik sa mais yun di ba?"
"Loko! Seryoso ko sakanya noh? Di porket playboy, di na marunong magmahal ng totoo."
"Cheezy mo bro! Oo na oo na. Basta wag lang harana. Samahan nalang kita dun." Kagago ni Top. Yakapin daw ba ko sa classroom. Feeling close lang? Napa-oo niya lang ako dahil ayokong may nangungulit sakin.
***
Naglalakad ako ngayon sa corridor nang tawagin ako ni Top.
"Hoy! Tara sa classroom ni Bom. Eto o may bouquet na kong dala tsaka chocolates. Tapos eto teddy bear."
"Tss. Tara na nga"
Habang naglalakad kami ang daming nagbubulungan yung iba naman halatang kinikilig.
"Uy si Top may liligawan ata. At mukhang seryoso siya." Oo. Hirap atang lokohin ng isang Park Bom
"Si Jiyong Oppa ang gwapo!" Matagal na!
"Handsome Top. Who's the lucky girl kaya?" Di niyo maaaway ang liligawan neto. Warfreak si Bom at friends eh.
"Sana ako!" Asa!
BINABASA MO ANG
Chances (One-Shot Stories)
RandomEvery chapter, new stories. Iba iba ang casts every stories. Sometimes it can be a happy ending, sometimes sad and sometimes there's a maybe.