At dahil hindi pa ko nadadala ni Capt. Yoo kay Dr. Kang, may DOTS Syndrome pa rin ako. Ayan #GoowonCouple 'to. Baka Topbom or Song Song Couple ang isunod ko.
Casts:
Kim Ji Won
Jin GooOthers:
Krystal Jung of f(x)
Jang Na Ra
Tablo of Epik High
Gummy
Hong Soohyun
Lee Dongwook
Jang Hyuk
Parm Min Young***
"Psst! Okay ka lang girl?" Si Krystal. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Siya ang bestfriend ko since nagmigrate kami nina lolo sa Seoul.
"Ha? Oo ayos lang ako." Di ko kasi maiwasang tumitig don sa lalaki sa cashier. May naaalala ko sa kanya. Bigla siyang lumingon sakin kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Sino yang tinititigan mo Kim Ji Won?" Tanong niya sabay tingin dun sa tinititigan ko kanina. "Putahamnida! Ang gwapo! Kita mo, pagbalik pala natin dito sa Pinas eh napakagwapong nilalang ang bubungad satin."
Isang linggo na rin since nagpunta kami ni Krystal dito sa Pinas. Kakaalis ko lang don sa pinagtatrabahuhan ko sa Korea. 3 years na din akong nagtatrabaho don kaya nagsawa na ko. Natanggap naman ako sa isang model agency dito sa Manila na puro mga koreans ang tinatanggap. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako dito. Basta ang alam ko lang nagpunta ko dito para hanapin si Hero Wolf. Kung nagtataka kayo kung sino siya, siya lang naman ang savior, first crush, first love, first hug at first kiss ko. I'm not even sure if he's married na. Gusto ko lang naman siyang makita at masabi sa kanya lahat ng dapat kong sabihin. Gusto kong makita niya kung sino na ko ngayon. Na hindi na ko yung 4 years old na lampa. 12 years ang tanda sa akin ni Hero Wolf. Ni hindi ko alam ang pangalan niya.
"Hoy Ji Won malelate na tayo sa photoshoot!" Sigaw ni Krystal. Nurse naman siya sa Korea. Pero dahil gusto niya kong tulungan mahanap si Hero Wolf at ayaw niyang magkahiwalay kami ay sumama siya pabalik dito sa Pinas.
Pagdating namin don, isang malaking building ang bumungad samin. Pumasok agad kami. Nakita ko nanaman yung poging lalaki. Model din kaya siya? Napatingin siya sakin kaya nag-iwas ulit ako nang tingin. Bakit ang cold niya tumingin? Bakit parang mas gumagwapo siya kapag ganyan siya makatingin? Aish.
"Baka malusaw si Mr. Pogi." Bulong ni Krystal.
TF? Nakatitig pa rin pala ko sa kanya.
"Girl lumalapit siya." Halos mangisay sa kilig si Krystal.
"Baka malusaw ako miss. By the way I'm Jin Goo. And you are?" Pakilala niya sabay abot ng kamay.
"Krystal. Hihi. Krystal Jung." Tinggap ni Krystal yung kamay niya para sa kin kaya pinandilatan ko. Nagpeace sign siya at umalis.
"Kim Jin Won imnida." Sabi ko then smile. "So model ka dito?" Tumango lang siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako noh? Kasi nakakatakot siya tumingin.
"Hoy Jin Goo!" Tawag nung babaeng kulot kulot ang buhok. May kasunod siyang 6 na mukhang mga models din.
"Hi. I'm Kim Jin Won. Bagong model."
"Ay ikaw yung sinasabi ni Apple! Pero sabi niya dalawa daw ang bagong model. By the way I'm Soohyun." Pakilala nung babaeng maliit ang boses at bagsak ang dark brown hair.
"Dalawa nga kami ni Krystal. Bestfriend ko. Pero mukhang nagstart na yung photoshoot niya.""Ang ganda! Baka mapatalsik ako nito sa agency at humanap nang ganyang mukhang anghel ang mukha tulad mo, Ji Won. I'm Gummy." Sabi nung girl na malalim ang boses at umaalon ang dulo nang buhok.
BINABASA MO ANG
Chances (One-Shot Stories)
De TodoEvery chapter, new stories. Iba iba ang casts every stories. Sometimes it can be a happy ending, sometimes sad and sometimes there's a maybe.