The Reaper's Girl 2

10 0 0
                                    


PSYCHE

       Unti-unting tumatama ang sinag ng araw sa balat ko. Nakaharap ako sa harap ng malaking glass wall sa loob ng kwarto ko at pinagmamasdan ang paligid.


     Maya-maya ay sumakay na ko sa kotse at nag-drive papunta sa school. Pagka-park ko dumiretcho na agad ako sa room. Umupo ako sa upuan ko at nag-observe. May mga nagtatawan, kinikilig, umi-iyak, naglalaro, natutulog at marami pang iba. Normal na senaryong ginagawa ng mga kasing-edad ko. Pero iba ako. Hindi ako katulad nila na ine-enjoy ang buhay.


Dahil ako, nabubuhay para gumanti.


Sa edad kong ito? Sinong makapag-sasabi na marami na pala akong napatay? I'm a killer.


  Dahil kung sila ay pinu-problema ang mga lovelife nila, pinu-problema ko naman kung paano makaganti.


Kung nagda-day dream sila sa mga crush nila, ini-isip ko naman kung paano sila pahirapan.


Kung gumagawa sila ng plano para magpapansin, gumagawa naman ako ng plano kung paano papatay.


Kung hawak nila ang mga libro nila, hawak ko naman ang buhay ng iba.


At kung dala nila ang mga gadgets nila, dala ko naman ang baril ko.


Ganyan ang buhay ko. Ganyan ang takbo ng buhay ng isang Psyche Lavinthal.

      


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reaper's Girl...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon