PSYCHE
Pinunasan ko ang dugo sa labi ko. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa malamig na semento. At pinilit na maglakad palabas ng eskinita.
Ganto na lang ba lagi? Kailangan ko pa bang masaktan at pumatay para lang mabuhay? I've witness how they brutally killed my parents. 31 stabs and 14 gunshots. They killed them in front of me. I just cry that time doing nothing. They are heartless and ruthless hum---no! I'm not considered them as a human. They are DEVILS !!! Wala akong ibang nagawa maliban nalang sa pag-iyak at nagmamaka-awa na palayain na lang kami. But what did they do? Binaril nila at hindi pa nakuntento at pinagsasaksak pa nila habang mala-demonyong tumatawa. Nagka-mali sila na binuhay pa nila ako. Buhay ang kinuha nila? Pwes, buhay din nila ang kapalit.
Tatlong demonyo na ang napatay ko. Dalawa pa ang natitira. Tama, pinatay ko sila. At ang nangyari kanina sa eskinita? Nagligpit lang ako ng kalat. May tatlong lalaki kasi na nagmamasid sa akin at balak akong patayin. Kaya inunahan ko na sila. Napuruhan pa ako ng isa sa labi kaya siya ang inuna ko.
Dumeritcho ako sa kwarto at nilinis ang sugat ko. Pumunta ako sa tapat ng salamin at tiningnan ang sarili kong repleksyon. May mga galos at band-aid sa muka. Ewan ko ba pero wala na akong mabasa na emosyon. Mag-isa na lang ako. Ibang kamag-anak ko? Wala silang paki-alam sa akin. Lahat ng perang meron ako? Galing 'yun sa mga pinatay ko. Hindi lang dapat emosyon ang pinapa-iral dapat ang utak. Syempre bago ko wakasan ang buhay nila eh pinapa-pirma ko muna sila para ma-ilipat ang lahat ng ari-arian nila sa akin.
Tumitibok ang puso ko at humihinga pa 'rin sapat na sabihin na buhay pa ko pero tinuturing ko na ang sarili kong patay. Patay na ang buo kong pakiramdam. Hindi ko makuhang tumawa maski ang ngumiti pati ang pag-iyak nakalimutan ko na ata. Madalas akong tulala at hinahabol nang nakaraan.
Simple lang naman ang hiling ko eh. Ang maibalik ang pamilyang mayroon ako noon. Pamilyang masaya at buo. Pamilyang sinira nila. At kahit anong gawin ko? Wala na.
Ngayon? Kung ako ang tatanungin, ang tingin ko sa mundo ay isang labanan. Nasa loob tayo ng isang gyera at walang lugar ang mga taong duwag at mahina ang loob. Kailangan lumaban para mabuhay dahil kung hindi? Ikaw ang papatayin nila. Marunong ka dapat ipagtanggol ang sarili mo.
Dahil sa mundong ito. Nilikha ang tao para lumaban.
Dahil wala tayo sa isang fairy tale na kung saan may dadating na knight in shining armor para i-ligtas ka. Mag-ingat ka dahil baka sila pa ang dahilan ng pagkamatay mo.
Wala lugar ang happy endings sa totoong mundo.
Lahat may limitasyon.
Lahat may katapusan.
Lahat may hangganan.
Dahil ang lahat ay nagtatapos sa
Kamatayan....

BINABASA MO ANG
The Reaper's Girl...
FantasyA story that makes you think, realize and reflect the difference between life and death.