Chapter one

79 3 1
                                    

Gail's POV

"Gail Ano ba?!.. TAMA NA SABI!" Sabi nya, Pagkatapos ay marahas nya akong itinulak sa sahig.

Halos masubsob na ang mukha ko sa lakas nang pagkakatulak nya pero hindi ko ininda iyon. Sangayon kasi mas nagingibabaw ang panginginig ng buong katawan ko sa galit, takot at kalungkutan

Ni hindi ko na magawang tumayo dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Animoy para akong hayop na minamaltrato sa sobrang bigat nang damdamin ko. Kulang nalang ay maglupasay ako sa sahig at magsisigaw na parang baliw dahil sa tindi nang sakit.

Humahangos na gumapang ako papalapit sa binti nya at pinagdikit ang mga palad ko.

"P-please Claudine..pakiusap..utang na loob.." hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot nang salita, hinang hina na ako at pagod na pagod na ang puso ko."K-Kahit sandali lang...K-ahit isang minuto l-lang...Claud please im begging you..let me see him again.." nakikiusap na sabi ko na halos halikan ko na ang paa nya pagbigyan nya lang ako.

Hinintay kong magsalita sya pero mariin nya lang akong tinitigan at dere-deretsyong pumasok sa loob ng bahay. Sunod ko namang nilingon si Tito Densel nagmamadali ko syang nilapitan at hinawakan ang kamay nya.

"Tito please..let me ..I-I miss him."

Tinigan lang rin ako ni tito Densel pero hindi tulad ni Claudin may kaonting awa ang pagtitig nito sa akin.

Hindi ko alam kung gawa ba sa bato ang mga tao dito. Dahil kahit anong gawin kong pagmamakaawa ay hindi nila ako mapagbigyan. Simple lang naman ang hiling ko. Yun ay ang makita sya, mayakap, at makasama muli. "Please tito.." hinang hina na talaga ako at hindi ko narin alam kung ilang beses ko nang nasabi ang please ngayong araw na to.

"..Utak lang nya ang nakalimot. Pero ang puso nya, alam ko ako parin ang kinikilalang mahal non." I know kahit ilang beses pa syang makalimot, Alam ko ako parin ang mamahalin nya.

"I'm..I'm sorry Gail..You don't understand. Cedric don't want to see you anymore..." halos madurog ang puso ko sa sinabi nya. Lumong lumo na ako dahilan para muling sumalampak sa malamig na semento ang mga binti ko. Itinakip ko sa mukha ko ang mga palad ko at walang sawang humagulgol sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Ang sakit Cedric. Ang sakit-sakit lang!

"Gail.."

Agad na napatigil ako sa pagiyak nang marinig ang boses na yon, Animoy parang tumigil ang oras nang tawagin nya ang pangangaan ko. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tingalain sya.

Sa unang pagkakataon. Sa loob nang tatlong buwan..finally I can see him again. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang gwapo nyang mukha, ang matipuno nyang katawan. Alam ko, kahit nakapikit pa ang mga mata ko, alam kong sya ngayon ang nasa harap ko.

Mabilis pa sa kidlat na tumayo ako at nagkukumahog na yumakap sa kanya. 

Para na akong linta sa higpit nang pagkakapit sa kanya. Kung pwede lang. Kung pwede lang ayoko na syang bitawan. Kung pwede lang..dito nalang sya uli sa tabi ko.

I was so happy I can die that moment.

Pero mukhang mamatay nga ata ako sa sobrang sakit nang hagipin nya ang braso ko at marahas na itinulak palayo sa kanya.

I was dumbfounded for a moment. I met with his gaze at kitang kita ko kung paano nya ako titigan nang nakakasulasok. Na parang nakakasakal ang presensya ko sa kanya. At animoy para akong peste na gumugolo sa buhay nya.

"Look..I don't know kung may sira ka sa ulo! but please can you just stay away from me and Claudine!" galit na sabi nya sa akin. Hinigit nya ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit dahil sa higpit nang pagkakahawak nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't You Dare Get Back On Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon