Muse No. 1

419 11 1
                                    

Chapter 1

Minulat ko ng marahas ang aking mga mata, tumayo na ako para ligpitin ang tinulogan ko. Mag-iisang linggo na din naman akong naninirahan sa isang gusali na kung saan medyo abandunado na, nasa rooftop ang kwarto ko at may katabi itong condominium. Dito na ako magpapatuloy ng buhay ko. Wala akong magagawa maganda ako eh, ha? Anong konek?! Joke lang, ulila na kasi ako at sa ampunan ako lumaki. 13 years old ako ng mamatay ang kinikilala kong Nanay, kaya napadpad ako sa ampunan. Ngayong 18 years old na ko, makakapagsarili na ako. At ang swerte ko pa dahil nakapasa ako bilang isang scholar sa isang prestilyosong paaralan, sa Silver High Academy.

Naligo na ako at nagsuot ng uniform, at dahil unang araw ko ngayon walang almusal kaya kinuha ko ang tubig na medyo mainit para inumin magkalaman lang ang tiyan, wala akong magagawa. Maganda ako eh. Sinuot ko na ang lumang uniform sa dating paaralan ko, wala pa kasi akong pera pambili nun eh tsaka hindi pa ako nakakapunta dun. Nang makatapos na ay bumaba na ako para umalis.

Tinapatan ko ang lumang gulong ng bisikleta ko para buksan ang pagkakandado nito. Luma na siya, oo. Pero malaking tulong nito sakin at tsaka ito ang unang bagay na pinag-ipunan ko bago makuha at nung Sabado lang, nakakuha ako ng part-time job tuwing umaga bilang isang taga-bigay dyaryo at hatid ng gatas. Sabihin nating medyo malamig ang klima dito kaya yung iba mahilig sa medyong mainit na gatas sa umaga. Napahimas ako sa tiyan ko, wala akong perang pambili ng agahan. Tsk, umangkas na lang ako sa bisikleta ko at tumungo sa Shop kung saan ako kukuha ng mga dyaryo at basket ng gatas na ihahatid ko.

"Magandang umaga po" nakangiti kong bati sa babaeng medyo may edad na pagpasok ko palang sa medyong maliit na Shop, siya siguro an may-ari ng Shop, gumanti din siya ng ngiti "Ako po pala si Crystal yung bagong taga-hatid ng mga dyaryo at gatas ngayong araw na 'to" tumango naman siya bilang tugon

"Ikaw pala yung sinasabi ng anak ko, ako nga pala si Melinda. Aling Melinda nalang ha?" tumango ako "Halika dito" sumunod naman ako sakanya, papasok ng isang tambakan ng dyaryo. Inabot ko ang dalawang bugkos ng dyaryo "Ang aga mo naman hija" napatingin siya sa relo niya "Mag-aalas kwatro palamang, siguradong magkakasundo tayo dahil mukhang mabait at maagap ka naman" ngumiti ako bilang sagot, oo nga. Ang aga pa pala, wala kasi akong relo sa bahay. Ganun din ng cellphone. Dala dala ko ang dyaryo, pumasok naman siya sa isa pang kwarto at may inilabas na isang basket ng maliliit na kulay pink na karton ng gatas. Masasabi kong medyo mainit pa ito dahil kakalabas lang nun sa isang kakaibang puting pridyeder.

"Kaya mo na ba yan hija?" nakangiting tanong niya sakin

"Opo naman, pwede po bang dagdagan ang dyaryo? Maaga pa naman po eh"

"Aba'y oo naman" inabot niya sakin ang dalawa pang bugkos ng dyaryo "Ang sipag mo naman hija, tsaka nga pala tatlong daan ang bayad ko sayo tuwing magtatrabaho ka dito ha? Oh siya, sige na. Nang makarami ka, heto ang listahan ng mga bahay" tumango na ako at nagpaalam sakanya

*

"Sumakay ako sa jeepney.. Ikaw ang nakatabi, di makapaniwala" kanta ko dahil malapit nang magka araw at malapit ng maubos ang dyaryo at apat na gatas na lang ang natitira "Parang mahiwagang nadama, nung tumama sayo ang aking mga mataaa.. hmmmm" wala na akong maidugtong, balik sa una!

"Sumakay ako sa jeepney--" lumiko ako sa kanto at di ko inaasahang may kung anong paparating "--Ay nabunggo sa tabi!" sigaw ko sabay iwas sa humaharorot na motorsiklo, napatigil ito habang ako natumba sa bisikleta "A-aww" ungol ko sa sakit, holy molly! Sa harap pa niya ako natumba, syempre titigil siya.

Napatingala ako sa pagkakayako at nagulat dahil nasira at natapon ang paninda kong mga gatas.

"Hala Kuya, bayaran niyo 'to" napatayo ako sa pagkakaupo "Mapapagalitan ako nito" sabi ko pero binuksan niya ng bahagya ang kanyang nakasarang helmet at nagsalita

"What the heck!? I'm not gonna pay for that crap! You've wasted 2 minutes of my life! Fck!" nagulat ako sa sinigaw niya, wow! Kaedad ko pala itong mokong na'to, at syempre. Dahil nanggaling ako sa isang nirerespetong ampunan may GMRC naman ako, Good Manners and Right Conduct! Pero kung ganito kaharap ko, uso din sakin yung suntok muna bago galang! Oh ano suntukan nalang!?

"Wag kang ganyan! Kay AGA-AGA ang init ng ulo mo, di mo ba alam masamang galitin ang taong walang laman ang tiyan!?" sigaw ko, napakunot naman ang noo niya ng biglang tumunog ang nagwawala kong tiyan.

GRRRUUUUU~

"PFT!" pigil niya ng tawa "Ang panget mo na nga ang ingay mo pa!" napasimangot naman ako dun, alam kong panget ako. Pero maingay!? Sipain ko kaya pagmumukha nito!? Gwapo pa naman sana, halatang may itsura eh. Alangan naman wala? Di joke lang, nakikita ko kasi ang mala-tsokolate nitong mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Yayks! Ano ba yan! Natauhan naman ako sa pagsabi niya ng 'Hoy'

"A-ALAM KONG PANGET AKO! PERO LANGYA! BAYARAN MO ANG APAT NA GATAS NA YAN! KUNDI MAWAWALA--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magbago ang itsura niya at marahas niyang isinara ang bahagyang nakabukas niyang helmet at pinaandar ang kanyang motor

"Aba't! Bayaran mo 'to!-- Hoy! Bumalik ka dito!" sigaw ko dahil pinaharorot niya na ang motorsiklo niya, anak ng baklang dinosaur! Ang usok!

Badtrip! Nako, badtrip talaga! Ansarap pumatay, ang aga-aga! Speaking of aga. Homaygad! Unang araw ko sa school pero baka malate ako! Nako! Nasa shop panaman ang bag ko, at mukhang ako ang magbabayad ng nasira at natapon na gatas. Dali-dali kong itinayo ang bisikleta ko at umangkas, pinadyak ko na ito ng isang beses ng sumagi ang palda ko sa kanto. Napapikit naman ako sa katangahan ko, napayuko ako at hinawakan ang napunit kong palda ng may makita akong I.D Huh? Pinulot ko ito at pinaharap. Kaboom!

"Collin Mayer Young.." bigkas ko sa pangalan, ka gwapong bata. Suplado ngalang, mukhang hindi ito ang huling pagkikita natin Mr. Young. Tatanda ka talaga sakin, saang school? Hmm "..Silver High Academy" Papatayin talaga kitang peste ka.

**

Okay po ba? Comments naman diyan. hoho! Crystal po sa side -->

Boy Bands MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon