maid of honor

493 15 3
                                    

ANDRIE’S POV

Nakaupo ako ngayon sa table sa kitchen namin, I’m going to have my breakfast in 10 in the morning , yeah ngayon lang ako nagising, Saturday naman ngayon tsaka matagal akong natulog kagabi dahil tinapos ko muna ang mga assignments ko para naman wala na akong poproblemahin sa weekends.

Si mommy ang nag aasikaso sa akin ngayon.

“Andrie , maysasabihin sana ako sayo” nakakabigla naman to si mommy bigla bigla nalang nagsasalita.

“ano yun mom?”

“diba sinabi ko na naman sayo ang tungkol sa arrange marriage mo”

“yes mom, matagal mo nang sinabi sa akin yun”

“diba nung sinabi ko sayo yun youre ok with it”

“yeah “

As far as I can remember mga 1 month ago nung ikinasal ang pinsan ko ng sabihin nya sa akin ang idea ng arrange marriage. Ok lang naman sa akin yun eh. Hindi naman sa desperado akong makapag asawa, sa akin lang kasi yung parents mo naman ang pumili ng mapapangasawa mo so ok lang naman siguro tsaka may benefit din na makukuha yung mga nag aarange marriage.

Iniisip ko lang din naman kasi na ganun talaga ang kapalaran ng mga “anak mayaman”. Yeah sad to say but I’m an “anak mayaman “. Halos lahat ng mga pinsan o mga kamag anak namin eh arrange marriage lang pero ok lang naman ang kinalabasan.

Oy baka sabihin nyo pangit ako kaya ganito nalang ako umasta , na walang magpapakasal sa akin kaya pumapayag ako sa arrange marriage, hell no. hindi naman sa pagmamayabang ha pero gwapo talaga ako. Marami ngang mga babaeng nagkakandarapa sa akin sa school pero hindi ko sila pinapansin, kung iniisip nyo naman na bakla ako pwes mas HELL NO with capslock pa yan hindi ko lang talaga type ang mga yun.

May nagging mga girlfriends din naman ako at lahat yun seneryoso ko. I’m a one woman man pero talagang destined ako para sa arrange marriage kasi hindi nag work out ang mga past relationships ko.

Wala naman akong girlfriend ngayon kaya nga malakas ang loob ni mommy para I bring up ang topic about arrange marriage. Ewan ko ba kung bakit nung tumunung ako ng college eh hindi na ako naatract sa mga girls na noon naman mga type ko not  that sa guys na ako na aatract but parang lahat ng babae sa paningin ko hindi attractive. And im 3rd year college now so almost 3 years na akong walang girlfriend.

“Andrie are listening to me?” nabalik lang ako ng marinig ko si mommy na nagsalita.

“ah …yes mom”

“as I was saying may ipapakilala kami ng daddy mo , she a wonderful girl and you will marry her”

 “wow , ikakasal ka na pala panget,  congrats” bigla namang dumating ang bestfriend ko, mukang may kailangan to ah an aga pumunta.

“hi tita” bati nya sa mommy ko. Kilala na nya si Chris.

“hi hija, ang tagal mo nang hindi nakadalaw ah” yeah “hija” babae si Chris at sya ang bestfriend ko. Kaya nga lang mukang lalake.  Matagal ko na yang bestfriend mga almost 3 years na rin. Pareho kasi kami ng course at marami pa kaming classmate sa mga subject na kinukuha ko.

Ewan ko nga kung bakit nagging bestfriend ko yang unang una babae sya at ang gulo pa parang hindi babae kung gumalaw. Sabagay hindi naman talaga sya babae manumit. Pareho pala kaming architecture ang course. Ah kung nagtataka  kayo kung bakit Chris yung pangalan nya eh ang true name kasi nya eh Christina Salvador. Diba ang ganda ng pangalan pang babae talaga. Hindi bagay sa isang babaeng naka cargo shorts, loose t-shirt at naka cap pa.

“O taba aga natin ah” batik o sa kanya. Cool kung bumati no. taba kasi ang tawag ko sa kanya at panget naman tawag nun sa akin.

“magpapasama sana ako sa mall para bumili ng materials para sa project ko”

SHE'S OUR MAID OF HONOR [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon