Chapter 5

277 9 0
                                    


"Ate! Ate!" Nagising ako sa tawag ng kapatid ko. Tumatalon talon pa ito sa kama ko.

"Av.. mamaya na please" Antok na antok pa ang boses kong sabi sa kanya. 3am na kami natapos ni Cove kagabi mag-usap. Kapag naalala ko yun napapangiti talaga ako.

"Kuya Glenn is outside Ate! Merong dalang flowers!" I sighed and composed myself.

"Sige, lalabas na ako"

"Okay! Sagutin mo siya Ate ah!?" Masayang sabi ni Avery. Napairap naman ako.

Inayos ko yung sarili ko, naligo na lang muna ako bago bumaba. Tamad na nakaupo si Glenn sa salas namin. Ng nakita niya akong bumaba, tumayo ito at ngumiti. Pilit din akong ngumiti sa kanya.

"Dix.. I'm sorry.. Mali yung nakita mo" Sabi nito. Umupo ako sa single couch, nilahad niya ang bulaklak sa akin. Nagaalangan pa akong kunin iyon pero ng malaman niyang hindi ko kukunin, nilapag niya ito sa kandungan ko.

"Glenn.. Paano ba.. Uhmm" Nakakamot ako sa batok ko habang iniisip ang bagay na mga salita na sabihin sa kanya.

"Dixie I want to get that chance" Sabi nito

Nilapag ko naman ang bulaklak sa mesa at tumayo. Lumayo naman ako ng bahagya sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin.

"Look Glenn. I wanna try but.. mali talaga eh.. hindi ko kaya talagang pilitin ang puso ko, I can't open my heart to the person who lied to me kahit simula pa lang" I explained. Napahilamos naman siya sa mukha niya at tumayo din. Tumango ito at lumakad. Nilagpasan niya naman ako.

"Glenn wait!" Habol ko sa kanya.

Naawa ako sa mukha niya. Glenn is like my brother. I don't want to see him mess. I felt guilty, bakit mo ba kasi naisipan bigyan siya ng pagkakataon Dix!? See!? Pinaasa mo siya.

"Don't worry Dix. I'll prove it to you, bubuksan at bubuksan ko yan" Sabay pilit niya na ngiti. Lumabas naman siya ng bahay.

Napailing na lang ako at lumakad papasok ng bahay. Napatigil ako ng nag vibrate ang cellphone ko. Cove's name flashed at my phone.

"Good morning" Mukhang bagong gising pa lang ito. Napangiti naman ako.

"Good morning" I greeted back

"Tomorrow I'll fetch you, 5pm maybe. Dadaanan kita diyan?"

"Hindi ba hassle?"

"Nah. It's okay... ---Cove! Let's go! Madaming chix sa baba!.... wait Dix" Paalam nito. Boses ni Krish yung sumingit. I pressed my both lips.

Siguro mahirap. Mahirap na umasa na ang isang Cove Farrell magbabago dahil sa akin.

"Hey"

"Baka may pupuntahan pa kayo" Palusot ko.

"They can go without me"

"You can't last a day without a girl Cove" Natatawang sabi ko. Hindi naman siya sumagot sa kabilang linya, napakagat naman ako sa labi ko.

"Yeah, I can't last a day without my girl. Without you Dixie" May kung anong bomba naman ang sumabog sa puso ko. Para akong tanga na ngumi-ngiti dito na mag-isa. Hinihintay ang idu-dugtong niya. Umaasa ako na merong joke pero wala. What the hell talaga! God!

"Cove! Kanina ka pa tinatawag, hinihintay ka na ng babae mo sa labas" Rinig ko naman ulit na sabi ni Krish sa kabilang linya. Nawala naman ang ngiti sa labi ko. "Coming Krish!" Sagot nito sa pinsan niya. Hindi ko na siya hinintay pang magsabi at pinatay ko na yung tawag. It's push and pull eh?

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon