Prologue

1K 16 0
                                    


"Dix! Sa apartment na lang tayo magkita okay?" Paalam ni Leslie sa akin habang nagmamadaling lumakad.

"Okay! Mag-ingat ka" Kumaway naman ako sa kanya, at ganun din siya.

We're fourth year college already. Iisang apartment lang kaming dalawa, since high school magkaibigan na kami. Na sa kabilang City kami nakatira, isang oras ang biyahe papunta sa City na to, sa University na to kaya nag renta na lang kami ng apartment naming dalawa malapit dito sa University. Minsan lang kaming umuwi sa City dahil sa loaded activities and college student problems.

"Dixie" Napahinto naman ako sa pag-apak sa hagdan ng tawagin ako ni Giselle. Mapupula ang mga labi nito, mataas ang ponytail nito, bagay na bagay ang kulay ng buhok niya sa kanya.

"Can I have your time for awhile?" Tanong niya. Tumingin naman ako sa relo ko at tumango sa kanya.

Bumalik naman ako palapit sa kanya. Ngumingiti naman siya sa mga taong bumabati sa kanya na naglalakad sa hallway. Siya na sikat. Ikaw ba naman maging miyembro ng Farrells and friends. Well, ganyan lang tawag ko sa kanila kasi ang dami nila at halos magpipinsan naman ang mga lalaking yun.

"Prangkang usapan, gusto mo ba si Cove?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Napalunok naman ako at umiling sa kanya.

Cove Farrell? Gusto ko? Damn! Hindi lang gusto! Gustong-gusto ko yung lalaking yun! Yung lalaking palaging naka jogger pants, airmax at t-shirt lang? Yung lalaking kumikinang ang cross na hikaw? Yung lalaking nakatayo ang buhok? Yung lalaking palangisi? Yung lalaking napakakulit? Yung lalaking maingay? Yung lalaking chixboy? God!

"Good. So since you don't like him.. well" Umirap naman ito at humalukipkip. "Layuan mo siya" Sabay talikod niya.

I am loving his company so much. Kaya siguro gustong-gusto ko din siya dahil sa masiyahin siya, pinapangiti niya ako, pinapalaglag niya yung puso ko.

Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Giselle. Cove and I are friends being his friend is a privilege! Mabait na kaibigan si Cove, and I can't lose good and real friend.

"Bakit niya naman ka didiktahan? Yang babae na yan ah! Nakakairita" Gigil na sabi ni Leslie. Kwinento ko sa kanya ang sinabi ni Giselle sa akin.

"Not because she is Giselle Espana, she can command to you Dixie. She likes Cove, Cove doesn't like her. That's why ginagawa niya yan"

"Hayaan mo na nga siya Les. Hindi ko naman susundin yung sinabi niya eh"

At kung ano pang talak at payo ang sinabi ni Leslie sa akin. Kesa daw bitch lang si Giselle, hindi daw ako magpauto, at kung ano ano pa.

"Hey Dix!" Tawag ni Cove sa akin ng dumaan ako ng hallway papasok sana sa classroom namin. Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. Nag fist bump naman siya sa mga pinsan at kaibigan niya at lumakad palapit sa akin.

"You free later?" Tanong nito

"Always free" I chuckled. Ganun din siya. Kinuha niya naman ang dala-dala kong libro at dinala iyon. Hinayaan ko na siya, ganyan naman kasi siya palagi. I told you, he's a good friend.

"Good! So lunch later?"

"Kasama mga friends mo? Wag na, ma O-OP ako" Tumawa naman ako. Pagpasok namin ng classroom, nakita ko kaagad ang matalim na titig ni Giselle sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at hinayaan lang.

"Sino nagsabi na kasama sila? Tayong dalawa. You.. me.. just us" Sabay kindat nito. Kinurot ko naman ang tenga niya, hinawakan niya naman iyon at inaalis ang kamay ko.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon