CHAPTER TWENTY
MAHIGPIT na hinawakan ni Amber ang kamay ni Clarkson habang butil-butil ang pawis sa kanyang noo.
"You can do this, babe," pagpapalakas-loob nito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin dahil kanina pa siya nakikipagbuno para mailabas niya na ang baby boy nila. Yes, lalaki nga ang anak nila at 'yong mga pumusta sa baby girl ay mga talunan.
Ilang sigaw pa at nakarinig na siya ng mumunting iyak ng sanggol dahilan para mapaluha siya sa saya. Kahit nanghihina pa ay pilit niyang pinalakas ang katawan para makita lang ang anak nila.
Baby Cassidy Forbes.
Silang dalawa ni Clarkson ang nakaisip ng pangalan na iyon. One word lang daw dapat para hindi mahirapan magsulat ang anak nila kapag nag-aral na.
Dinala muna siya sa isang private room at inihiga sa tabi niya ang cute na cute nilang anak.
"He looks like me," proud na sabi ni Clarkson.
She smiled. "Yes, parang wala nga siyang nakuha sa akin."
Hinaplos ni Clarkson ang mukha niya at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. "Gagawa tayo ng baby girl na kamukha mo, babe."
Ayaw pa muna niya. Hindi biro ang manganak. Mahirap at nakakawala ng lakas. Pero napawi naman ang lahat ng pinaghirapan niya noong nakita na ang baby niya.
"Matagal pa ang kasunod at hindi mo pa nga ako pinapakasalan!"
"Ilan beses na kitang inayang magpakasal pero ayaw mo." Ito naman ang sumimangot.
Yes, ilang beses nang nag-propose sa kanya ang lalaki pero lagi niya itong tinatanggihan. Pero ngayon, feeling niya, dapat ay magpakasal na sila dahil may anak na sila.
Ready na kaya siyang maging asawa ni Clarkson?
Umupo ito sa tabi niya at sa kabila naman ay nakahiga ang baby nila. May kinuha ito sa bulsa at parang alam niya na kung ano ang bagay na 'yon.
Singsing.
"Please, Amber Collins, marry me."
Gusto niyang matawa sa frustration as mukha at boses nito. She bit her lower lip and nodded.
Maybe this was the right time to say yes to him. Alam niyang pinagsisihan na nito kung ano man ang nagawa nito sa kanya noon at isa pa, napatawad niya na ito. Hindi niya lang sinasabi kay Clarkson kasi natutuwa siya kapag pinapahirapan niya ito.
"You mean, pumapayag ka na?" hindi makapaniwala nitong tanong na halos tumalon pa sa tuwa.
"Yes, babe, I will marry you," nakangiti niyang turan at hinalikan ito sa mga labi.
"Thank you." Yumakap ito sa kanya. "Babe, baka mabangga mo si baby," usal niya.
Tumingin muna si Clarkson sa puwesto nilang tatlo at isiniksik uli ang mukha sa kanyang leeg. "Hindi naman. Look, ang sarap-sarap ng tulog ng anak natin."
Tinapik niya ito sa balikat kasi pinagpapawisan na 'yong leeg niya. "Hey," untag niya rito. Napapikit siya nang malaman na hindi pawis ang nasa leeg niya kundi luha.
Umiiyak ito?
"Babe, why are you crying? Hindi ka ba masaya?" tanong niya at pilit itong pinapalayo sa kanya para maka-face to face ngunit masyado itong malakas.
"I'm happy kasi mabubuo na 'yong pamilya natin, Amber. My dream is to be with the woman whom I really love and that's you. Ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay at wala nang iba. Ikaw at ang anak natin ang nagpapasaya sa akin. Thank you for the happiness."
BINABASA MO ANG
EHS 2: His Part-Time Girlfriend
General FictionAmber's life was close to perfection that everybody was dreaming of. When she met the young businessman Clarkson and fell in love with him, she felt like he was really the one meant for her. Everything was too good to be true between them. But whe...