ISA

1 0 0
                                    



(Ang Pagpapakilala at Umpisa)

"Kaya mo bang baguhin ang pananaw mo sa buhay? Kung ang kapalit naman nito ang ang pagibig na tunay? Pero pano kung gagamitin ka lang na susi ng mahal mo para lang makuha niya ang gusto niya?" Masasabi mo pa ba itong tunay pag nalaman mo na ginamit ka lang?
Mamahalin mo pa ba sya kung malaman mo ang katotohanan, na lokohan lang lahat ng inyong pinagsamahan?

Yan po ang mga tanong na iikot sa storya natin. Naway tuloy tuloy ang pagbabasa para masagot lahat ng katanungan na iyan.

Story:

"Paki abot nga yung isang bulaklak na yan."-Pia

"eto na po mam pia" -kuya moi (gardener)

"Ang ganda naman nito, sana maging kasing pula ng bulaklak na ito ang labi ng anak ko." Ang sinabi ng naglilihi na si Pia sa kanyang sarili.

"Sana nga rin po mam Pia eh"-Manang Cheng ang mayordoma sa mansyon at isa sa 10 na katulong nila Pia
---------------

Lumipas ang ilang buwan ay manganganak na si Pia.
Walang ama ang bata dahil si Pia ay nalapastangan lamang. Dahil sa pinapatay ang lahat ng mga lalaki na nangrerape nuon. Ay napatay ang ama ng bata. Mayaman ang pamilya nila Pia may negosyo, mansyon at malaking lupain. Ito ay ang mga kayamanan na naiwan kay Pia ng kanyang Mama at Papa na kanyang pinagpapatuloy na lamang. Kaya kinaiinggitan ang pamilya nila sa kanilang bayan. Dahil sa yamang taglay ng mga ito.

Ng nagising si Pia inabot na sa kanya ang kanyang anak. Ito ay isang malusog na lalaki. Tulad ng kanyang tinuran ng siyay naglilihi pa lamang kasing pula ng labi ng kanyang anak ang bulaklak ng rosas.

"Miles Vien, napakagandang pangalan para sa isang napakagandang biyaya mula sa may kapal" yan lamang ang kanyang nasabi ang pangalan na "miles" ay galing sa pangalan ng kanyang ama na si Don Millesandro Monteverde at ang "vein" naman ay galing sa kanyang ina na si Doña Vienita Reyes Monteverde.

Dumaan ang mga taon at napalaki ng mabuti,magalang at may takot sa diyos ang batang si Miles ng kanyang mommy.

Sila lamang dalawa ang nakatira sa mansyon kasama ang isnag hardinero,driver at ang 10 katulong. Dahil wala ng kakayanan na panghawakan ang kanilang mga lupain ni Pia ay isa isa niya itong pinagbili kaya siya nakaipon ng malaking pera sa bangko. Ang mansyon at ang negosyo nilang Farming ng mga hayop ang natira sa kanila.

Ngunit hinde alintana ni Pia na ang kanyang anak ay lumalaki ng hinde tugma ang kanyang mga kinikilos at sa kanyang kasarian.

Nahahalata na ito ni Pia ngunit hinde niya ito pinapansin sa pagkat bata pa daw ang kanyang anak at maitutuwid pa naman daw ito pag dating ng kanyang kabinataan.

Araw ng Graduation ni Miles sa Elementarya.......

"Please let us give him a round of applause, The valedictorian in this batch, Miles Vien R. Monteverde."
Yan ang tumapos sa marcha ng mga bata na masisipagtapos ng taon na iyon anduon si Pia ng mismong araw.

Napapansin niya na inaasar si Miles ng mga kibigan niya na bakla raw ito.

Nang lumapit si Miles sa kanyang mommy tinanong niya ito"May problema ba anak?"

"Wala po mommy, masaya lang po ako dahil andito kayo at ako ang pinaka matalino sa batch namin" at humalik at niyakap ang kanyang ina.

Ng pagkauwi nila sa bahay sa kanilang garahe ay may mga lamesa at may isang mahabang lamesa naman na punong puno ng pagkain.
Pinaghanda ng kanyang mommy si miles at inimbita ang buong baryo sa kanilang bahay. Napaka raming tao nuon at napakasaya dahil anduon din ang barkada ng kanyang Mommy Pia at siya ay pinagmamalaki!

At dahil gusto ni Pia na mas mahasa pa ang talino ng kanyang anak ay napagpasyahan niyang sa Maynila ito papasukin ng higschool. Sumangayon naman dito si Miles.
Sila ay byumahe naman agad patungong maynila at dahil may nabili na ang kanyang mommy na bahay ruon at napaghandaan na lahat ito ni Pia ay duon na sila tumongo pag katapos ng kanilang byahe.

Napakaganda ng bahay malaki rin ito pero mas malaki ang mansyon nila sa kanilang probinsya. Maganda ang tema ng bahay talagang pang mayaman.

Mayaman nga sila Pia at Miles ngunit sila naman ay may bukal na puso. Yan ang laging dahilan kung bakit sila natatanggap kaagad ng kanilang mga kabaryo sam man sila tumira.
---------------------------------

Abangan ang unang araw ni Miles sa kanyang bagong school sa maynila.

Votes And Comments PLEASE! 🙏🏻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

⭕️ONE FLOWER⭕️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon