1 ♡ Friendly Advice

249 9 5
                                    

  "We are most alive when we're in love."  — John Updike  

CHAPTER 1: Friendly Advice

----  ----

Unang araw ng pasok sa linggo---araw ng Lunes. Ito ang araw na hindi nanaising dumating agad ng mga estudyante. Can you blame us if some still wants a day off from school? College is tough anyway at bawat araw na pahinga ay mahalaga para saamin.

Lalo na sa isang working student na tulad ko.

Umalingawngaw na ang tunog ng bell sa buong unibersidad na hudyat ng normal na pagtatapos ng mga klase sa umaga. Twelve noon ang oras ng tanghalian ng ilan habang simula naman ng klase sa iba. But here I am, still stuck on my seat, staring at the small folded paper I'm holding.

Nagbunutan kasi kami kanina to know kung ano ba ang kanya-kanyang topic sa paper na gagawin namin na ipapasa at the end of sem which will serve as our final exam. At eto at ako nalang ang hindi pa nakakaalam ng akin. Ewan ko ba kasi pero parang may kakaiba akong nararamdaman. Premonition? Hay ewan.

Ano pa bang hinihintay ko? Bagong Taon? Pumuti ang uwak? Kaya naman napagpasyahan kong buksan ko na.

With hesitations, I finally opened the folded paper. 

Blank.

Iyan ang nangyari sa utak ko ng makita ko ang tatlong salitang nakasulat sa papel. I knew it. For the first time ever, nothing came to my mind.

Dαmmit. Is this a joke? Binasa ko nga ulit dahil baka nagkakamali lang ako pero hindi nagbago ang tatlong salitang iyon. Malinaw pa sa HD camera ang nakasulat. Pero hindi pa rin maproseso ng utak ko.

I already answered so many questions incorporated with that last word. But this? Nothing. Nadah. Waley. Parang nag-hang ang utak ko.

"What is love? Ocean deep!" Sabi ng biglang sulpot kong kaklase ng binasa niya ang nakasulat sa hawak kong papel. Si Carlo slash Carly dahil babae raw siya.

"Oh I know! Love is like a rosary, that's full of mystery!" Sabi naman ng best friend niyang si Jemica na tumabi sa kanya.

"May alam din ako baks. All we need is love!"

"Love can move mountains!"

"Love moves in mysterious ways!" Kanta ni Carly na ikinatawa ni Jem.

Yes.. Typical definitions of love. Plain. Generic. Superficial.

But what does love really means?

Napabuntong-hininga ako and crumpled the paper. Isinantabi ko na muna iyon sa isip ko. I wore my backpack and got my book na hiniram ko sa library.

"Baks, wait for us!" Rinig kong sigaw ni Carly pero nagpatuloy lang ako sa paglabas ng classroom namin. Maya-maya, nasa magkabilang gilid ko na silang dalawa.

"Emeged Lysa, ang cute ng topic mo. Love love love!" Umarte siyang kinikilig. Halos umirap ako. Anong cute doon? Mukha ba 'yung tuta?

"Oo nga, baks. Ako nga 'Ways to be Happy'! Ang boring nga. Napakabroad pa naman ng sagot 'dun." Sabi ni Jem habang inaayos ang salamin niya.

"Buti ka pa nga! Atashi nga 'How to Handle Peer Pressure'. Gulay! Akembang nga ang nangprepressure cooker sa friends ko eh! Kumusta naman 'yun?"

"Gusto niyo palit nalang tayo?" Alok ko. They both looked at me at agad umiling.

"Wit ako dyan! Sa trulilty baks, happylaloo na pala akesh sa topic ko. Friendly kasi akembang." Tanggi ni Carly while batting his eyelashes. Tss. Kanina lang panay reklamo siya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whispered Heartbeats [Pending]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon