Chapter 1: Village Attack

9 0 0
                                    

"Mamatay ka! Mamatay ka! Syet, bakit ang dami pala niyang bantay? Goodness, ang healer ko!"

Halos magpang-abot na ang kanyang kilay sa kakatingin sa kanyang smartphone. Ilang araw rin siyang nawala sa kabihasnan kaya't ngayong nakabalik na siya sa apartment na inuupahan ay kontodo ang pang-aatake niya sa mga sumalakay sa kanyang village. Oo, naglalaro siya ng COC o Clash of Clans. Nakakawala iyon ng pagod at frustrations niya sa trabaho. Subalit, minsan, kagaya ng araw na iyon, may mga village talaga na sobrang hirap gibain ng depensa. Ang mas nagpapahirap pa sa kanya ay hindi pa masyadong malakas ang iilan sa kanyang mga kawal dahil hindi pa tapos mag-upgrade.

"Syet! Syet! Ba't di ko napansin ang air defense? Leche. Hindi pa ako nakaka-fifty percent!" Mabilis na sinuri niya ang paligid ng teritoryo ng kalaban upang makahanap ng perpektong paglalagyan ng kanyang Barbarian King nang biglang lumabas ang dragon mula sa Clan Castle ng defender.

"Lecheng buhay naman 'to o!" Parang mawawalan na siya ng pag-asa pero survivor siya. Isa siya sa iilang milyon na matagal sumuko at madalas na hindi nawawalan ng pag-asa. "Kaya natin 'to. Kaya natin 'to!"

Bigla siyang narinig na may tumikhim pero hindi niya pinansin 'yon. Napapraning lang siguro siya sa kakatingin sa dragon na nagbabantay sa teritoryo ng kalaban. Siguro nga ay mag-isa siyang nakatira sa apartment na iyon sa pinakadulong bahagi ng kanilang subdivision at napapaligiran ito ng manggahan subalit kahit kailanma'y hindi siya naniniwala sa mga elementong hindi nakikita ng tao. Masyado na siyang matanda para maniwala doon. Para sa kanya, bahagi lamang iyon ng kulturang Pilipino.

"Huwag ka munang mamatay! Syet!" Napapikit siya sa galit nang mamatay ang healer niya. Iyon nalang kasi ang natitira niyang pag-asa. Nakarinig ulit siya ng pagtikhim. Nagtaka na siya sa pagkakataong iyon. Mula sa kanyang pagkakayuko ay napatingin siya sa kabilang terrace ng apartment. Actually, isang bahay iyon na hinati sa tatlong bahagi. Dahil medyo may kamahalan ang upa at medyo malayo sa gate ng subdivision, wala masyadong umuupa rito.

"Ang aga-aga, nambubulahaw ka ng tulog. Sino bang kaaway mo?"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking galit na nakatingin sa kanya. From the looks of it, parang kagigising lang nito. Pero mas nanlaki ang mga mata niya nang mapansing wala itong ibang suot kung hindi boxer shorts. Napatili siya nang pagkalakas-lakas.

"Bastos!" Walang sabi-sabing itinapon niya ang kung anumang hawak niya sa pagkakataong iyon at agad na tumakbo papasok sa loob ng kwarto niya. Mabilis siyang nagpunta sa maliit niyang kusina upang kumuha ng tubig. Hindi niya maintindihan kung bakit pinagpapawisan siya nang sobra.

"May bago na palang umuupa sa katabing apartment. Hindi man lang ako naabisuhan ni Aling Wilma," wika niya sa sarili. Mag-aapat na taon na rin siyang nakatira sa apartment na iyon at sa mga taong iyon ay hindi na mabilang ang naging kapitbahay niya. Subalit hindi kagaya niya ay nagsilayasan rin ang mga ito. Wala siyang masyadong nagiging kaibigan sa apartment dahil hindi naman umaabot ng iilang buwan ang paninirahan ng mga ito doon. Madalas rin siyang namumundok o di naman kaya'y gumagala kaya't hindi talaga niya nagiging malapit ang kung sinumang nangungupahan doon. Nasa ganoon siyang estado nang maalala niya ang gingawang pangraransak ng village kanina.

"Shit. Nasaan ang smartphone ko?" Naalala niyang hawak-hawak pa niya ito kanina. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang lalaking naka-boxers kanina. "Ang Clash of Clans ko!"


Clash of Clans Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon