Chapter 2

10 0 0
                                    

                Hindi malaman ni Caleen kung kakatok ba siya o raransakin niya ang pinto ng katabing kapitbahay. Magkakalahating oras narin siyang nandoon sa harapan ng katabing apartment ngunit hindi pa rin kaya ng kanyang pride ang kumatok at hingin ang smartphone mula rito. Matapos niyang mapagtantong naitapon niya rito ang gadget ay agad siyang tumakbo papunta sa terrace ng bahay subalit walang smartphone na makikita roon at isa lang ang kanyang hinala – na kinuha ng lalaking nakaboxers ang smartphone niya.

Huminga siya nang malalim saka akmang kakatok nang biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"O, Caleen! Nakabalik ka na pala? Saan ka na naman namundok na bata ka, ha?" anang pamilyar na tinig.

Agad na nginitian niya ang matandang may-ari ng apartment. "Aling Wilma, kayo po pala. Kahapon ng gabi lang po ako dumating."

"Naku, kung saan-saan ka na naman nagsuot ano? Ikaw talagang bata ka. Siya nga pala, ba't nandito ka sa harapan ng bahay ni Neel? Alam mo na palang may nakatira dito?"

Sasagutin n asana niya ang katanungan ng matanda nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking kahit na naka-Tshirt at basketball shorts na'y iba pa rin ang nakikita niya.

"Neel!" magiliw na bati ng matanda.

"Auntie!" agad-agad na ngumiti ito. Noon lang niya napansin na may dimple ito sa kaliwang pisngi. "Mabuti naman at lumabas ka. Tatawagin n asana kita dahil aanyayahan ka naming maghapunan sa bahay. Gusto kang makita ni Ueh. Alam mo naman ang batang iyon, sobrang iniidolo ka."

"Sige po, walang problema."

"Oo nga pala, ito nga pala ang sinasabi kong magiging kapitbahay mo, si Caleen," pakilala ng matanda sa kanya. "Parang kanina ka pa gustong makilala nitong dalaga namin at kanina pa ito dito sa labas ng apartment mo."

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. "No, hindi 'yan totoo. I'm not interested in you!" biglang wika niya.

"So do I," matipid na tugon nito. Naglabanan sila ng titig ng binata at noon lang niya napansin ang munting pamumula sa may noo nito. Parang may bukol ito. Bigla niyang naalala ang ginawang pambabato rito.

"Huwag niyong sabihin magkakilala na kayo?" nagtatakang tanong ng matanda.

"Hindi," magkapanabayang sagot nilang dalawa. Ngumiti nang makahulugan ang ginang. "Parang may naaamoy ako sa inyong dalawa. Pero kung anuman 'yon, mamaya na 'yon. Magpunta muna kayo sa bahay. Birthday ni Ueh kaya't may munti kaming handa. Halina kayo."

"Pero may – "

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinila na siya ni Aling Wilma sa kanang kamay habang hinila naman nito si Neel sa kabila.

T4YwjQr���a���


Clash of Clans Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon