Sa lahat naman talaga ng katangahang pwede kong gawin, iyon pa! Hindi ko man lang naisip na gamit ko ang cellphone ni Austin! Nagpadalos-dalos ako! Pano na'to? Ganito na ba ako ka-desperadong malaman niyang gusto ko na siya?
TooT. TooT. (Message Tone)
1 Message Received
From: Barbie Doll =)
huh? like-like ka jan! ano ako, post sa facebook? tss.
Ayos talaga sa reaksyon tong babaeng to! Paano kung sineryoso niya yun at dinaan niya lang sa pang-aasar ang sinabi niya?
Speaking of facebook. Hindi ko pa nga pala siya inaadd dun. Add ko na kaya siya?
To: Barbie Doll =)
Parang ganun na nga. Hehe.. Speaking of fb, ano nga account mo? Add kita!
From: Barbie Doll =)
Duh! Na-add mo na kaya ako! Ganyan ba madaming friends sa fb, makakalimutin na?
Whatda! Mali nanaman ako. Bakit ba kasi ako nag-didisguise na ako si Austin? Paano pag nalaman ni Ayah na ako ang katext niya at hindi si Austin?
To: Barbie Doll =)
Oo nga pala. Haha! Pasensya naman! Mag-online ka.. inadd ka na yata ni Ryan!
Oo, inadd ko na siya sa fb. Ngayon lang. Nag-open kasi ako ng fb ngayon at nakita kong naka-follow lang sakin si Ayah. Masyado na kasing masikip ang friend requests ko. Conceited na ba ako?
From: Barbie Doll =)
Ganun? Sige =)
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng sunod-sunod na facebook notifications. Aish, kaya ayokong nagbubukas ng fb e! baka madami nanamang naglalike ng pictures ko! Ni-off ko na nga ang facebook chat kasi naman ang daming nagpa-pop up sa window para makipag-chat sakin. Actually, nagbura na nga ako ng mga friends ko eh.
Isa sa mga notifications ang nakita kong napaka-espesyal sa lahat. Hindi dahil may nag-invite sa akin para makipag-beat sa Candy Crush Saga, kundi isang tao ang...
Ayannah De Guzman accepted your friend request. 1 minute ago.
Dahil dyan, magpapakatotoo na ako. Hindi na ako si Austin. Magpopost ako sa wall niya. Tama!
Hi. TFTA =)
Short and simple. Pero sana maappreciate niya yung post ko sakanya. Ayoko pa kasing magpakita ng motibo sakanyang gusto ko siya. Hindi naman ako torpe, pero gusto ko siya bigyan ng pagkakataong baguhin ang tingin niya sa akin. Kikilos ako sa lalong madaling panahon para tulungan siyang mabago iyon.
TooT. TooT. (Message Tone)
1 Message Received
From: Barbie Doll =)
Bidjieeeeeeee!!! Whaaaaaaaahh!!!
Inadd nako ni Ryan sa fb!!!!
Mukang ako yata ang kinikilig sa text niya. Wrong send siya. Ganun ba sya ka-excited sabihin kay Bridgette na inadd ko na siya? Tss. Napailing-iling nalang ako habang may pumipintang matamis na ngiti sa labi ko.
To: Barbie Doll =)
Wrong send ka!
From: Barbie Doll =)
Hala! Uy, that's not.. big deal naman diba? Magiging quiet kalang naman diba?
This is it! Iba-black mail ko na siya para malaman ko na kung ano talaga ang nararamdaman niya para sakin. Gagamitin ko ang cellphone ni Austin para mapaamin ko siya tungkol sa totoong nararamdaman niya. Pero sabi niya hindi daw big deal yun? Then why she has to be discrete & keep a secret.. and let others do so?
BINABASA MO ANG
Chasing Chats (Short Story - Complete)
Teen FictionThis is the short story of Ayah & Ryan of "His Bridgette"