Part 1

7 1 0
                                    


*click*

*click*

*type*

*send*

Heto na naman tayo. Araw araw nalang. Pakatanga. Lokohan. Aasa na naman.

Kausap na naman kita. Ipinagsisiksikan ko na naman sarili ko. Di naman ako pinaglihi sa sardinas pero pilit kong pinagsisiksikan sarili ko sayo.

*buking*

Him: HAHAHAHA. Nga pala Sempai, pwede patingin nung mga bagong release ng anime ngayon.
Me: Sige. Wait lang.

Ganito naman lagi e. Alam kong wala siyang pake pero eto ako. The same repeated pattern that happens over and over. Naging hobby ko na ata maging tanga.

*copy*

*paste*

*send*

Di mo 'ko kilala sa tunay na buhay and vice versa. Noon, 'di ako naniniwala sa mga taong na'f-fall sa text lang. I laugh at them. It seemed so stupid, irrational and impossible. At ngayon, mukhang pinakain na sakin lahat yun. Atleast yung mga nabibiktima e yung lalaki nagbibigay ng motibo. E sakin ZERO. Halata namang wala yung pake sakin, pero nasabi niya noon;

"Wala akong pake sa mga 3D gurls. (pwera sayo)"

By that time, wala naman akong pake rin nun. It was the first week of our chatting, at di naman ako ganun kabilis ma'fall. Pero sa isang week na yun, pati rin naman ata siya makakapag-sabi na iba. Parang buwan, taon. Parang matagal na kami magkakilala o sadyang boredom lang humatak saming dalawa.

Akala ko noon, hanggang kaibigan lang. At tama nga hinula ko, akala ko lang. Iba kase siya ngayon, Noon;

*Flashbacks~*

Pumunta ako nun sa bahay nila Ate. Buklod na kasi sila. Ibang city, magbabarko pa papunta run. At 2 weeks 'yun bago magpasukan. Total boring din naman sa bahay, I didn't hesitate na pumunta. Babantayan ko kasi yung pamangkin kong sobrang cute. At dahil pasukan narin, nilubos ko na rin. Akala ko masaya, at tama na naman hinula ko. Akala lang. So there. The first week I could just die. Literally from boredom. Mabilis naman net dun kaya nood lang ako anime, basa ng manga, laruin pamangkin ko, fb. Chat si bespren.

Then one day, nag-status siya.

"Pasukan na naman. Puno na naman notifications ko. HAHAHAHHA"

At total bored naman ako. Nagcomment ako.

"Off notifications mo. Sa pc, yung "X" sa notif, mute notif mo."

Then after a few minutes. Nagreply din naman siya (Di yan papeymus.xD)

"Yeah. I know. Hehe"

Or something like that. Mga May 29 nun, then exactly after 2 days. May dinownload akong anime. Nisekoi S2, ep 8. AT WALANG SUBTITLE. OO. WALANG SUBTITLE. YUNG TANGING INAASAHAN KONG WEBSITE BINIGO AKO. ITAKDA. JUNE 1 PO. BDAY RIN NI PAPA.

EDI NAGSTATUS AKO. JONGINA. BISMUD AKO NUN.

"ALAM MO YUNG FEELING NA NAG-DL(DOWNLOAD) KA NG NISEKOI EP8 TAPOS WALANG SUBTITLE AT PANG TEAMONODERA PA YUNG EP =_="

So yun, after ilang minutes nag-comment siya. Pero bago pa man ako mag-status nanood nalang akong streaming.

Him: Hehe. Oo Nga ee. Gusto mo Turuan kita ng pagdl? Ano ba gamit mo? Pc or Cp? :3
Me: Both po. :3
Him: Ah sige. Chat ko nalang step by step natin aa.
Me: Sige po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How I met my senpaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon