*Jhane's POV*
"Aish, nakakapagud." Sabi ko sabay tapon ng bag ko sa itaas ng kama ko, hinubad ko muna yung sandals ko at minamasahe yung dalawang paa ko. Nasa condo ako ngayon hindi na kasi ako nakatira sa puder ng mga magulang ko dahil gusto ko maging independent in my own ways at gusto kong kumita ng pera ng walang tulong na galing sa kanila.
I came from a wealthy family, na kung anong gusto mo maibibigay nila agad. Hindi ako pinalaki nila Mom and Dad na nakukuha kung anong gusto ko kahit na mayaman kami. Dahil sabi ni Mom, pag hindi na kami mayaman sa pagdating ng panahon eh marunong kaming dumeskarte at humanap ng paraan. Kaya siguro pagka graduate ko ng college eh diretso na agad ako sa pagbi-business.
Huminga ako ng malalim bago ibinagsak ang sarili sa kama. Damang dama ko talaga ang pagod sa buo kong katawan. Naramdaman kong bumibigat na yung talukap ko ng biglang may nag doorbell. Bumangon nalang ako at isinuot yung bunny slippers ko at pumunta sa pinto.
"Ms. Yap? Yung order niyo po."
"Ay oo nga pala, muntik ko pang makalimutan. Thank you." Sabi ko sabay abot sa kanya ng bayad.
Pumunta ako sa may sala at doon ko napagpasyahang kumain habang manunuod ng t.v. Inilapag ko nalang yung pagkain sa may mesa sabay nag indian seat. Pagkatapos kong kumain, pinatay ko na yung t.v at dumiretso sa loob ng banyo at nagpakalunod sa loob ng bath tub.
--
Nang matapos na kong maghalf bath dumiretso na agad ako sa kwarto ko with my night gown. Hindi naman ako natatakot na baka may makakita dahil exclusive yung condong to. Kinuha ko nalang yung magazine na new issue at ang front page? Si Michael Tan lang naman.
He is one of the youngest successful business men in this city. He's handsome, yes I admit it. Siya na yata ang perfect boyfriend material na hinihiling ng lahat ng kababaihan—no let me paraphrase that one, hindi pala LAHAT dahil hindi ako belong sa kanila. Kung gustong gusto nila si Michael Tan na yan, well not me dahil hate na hate ko siya simula pa nung highschool kami.
He's my greatest competitor since then, sa scores, quizzes, exams even in the rankings. Nag graduate ako ng high school bilang isang salutatorian while him, valedictorian. Inis na inis ako sa kanya noon, isang point lang yung lamang niya sakin. Psh, let's not bring that one again, mas lalo akong naiinis sa kanya. Itinago ko nalang yung magazine at nahiga na sa kama, hanggang sa naramdaman kong nakatulog na pala ako.
--
Morning comes at maaga akong nagising kaya maaga din akong nakapunta sa café. This is another busy day dahil ng Monday ngayon, at kapag Monday more costumers will come, kaya maaga akong pumunta para naman makatulong ako sa kanila.
"Good Morning Miss." Bati sakin ng mga waiters dito sa café na pinagtatrabaho-an ko. Actually this is my business at kahit na maliit lang siya, marami pa ring pumupunta. Binati ko rin yung mga waiters at dumeretso na ko sa loob ng aking opisina.
"Another busy day." Sabi ko saking sarili at napaupo sa swivel chair. Matagal pa akong naka tunganga at nag-iisip kong anong pwedeng gawin. Kukunin ko na sana yung netbook ko ng biglang may kumatok ng pinto sa opisina ko. Umupo muna ako ng maayos at inayos ng konti ang aking sarili bago ko pinapasok ang isa sa mga trabahante ng café.
"Come in."
"Sorry to disturb you Miss pero kasi bigla po kasing nawalan ng malay si Claire." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko yung sinabi niya. Bumuntong hininga nalang ako at tumayo.
"Is she okay now?"
"Yes Miss, dinala na po namin siya sa ospital." Sabi niya sakin habang nakayuko.
"Good. Tara na sa baba. Marami pa naman tayong costumer ngayong araw." Sabi ko sa kanya. Nag bow naman siya at umalis na.
--
Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis. Dagsa lahat ng mga costumer ngayong Lunes kaya kailangan ng mabilisang galaw para hindi sila mainip, tho okay naman yung services namin dito and so far wala pang isang costumer ang nagreklamo. Pumunta na ko sa may cashier para tulungan si Jean. Kapag wala yung isang trabahante eh ako ang pumapalit. Sa sobrang daming costumer hindi na ko tumitingin sa kung sino man ang bumubili, I just greet them and take their orders para mas madali.
"One Jhane's Correletto y Latte."
Nabigla ako sa sinabi ng costumer kaya napatingin ako sa kanya. Uggh bakit siya pa? He just give me a bitter-sweet smile while me? Eto imbyerna na naman ng dahil sa kanya.
"Michael Tan."
"Jhane Yap, nice to meet you again." Tsk, I really hate him, his handsome face, his manly acts, everything about him.
"So what brought you here Mr. Tan?" tanong ko sa kanya na may pagka halong pagkairita. He just smile and he looked directly to my eyes.
"Let's not talk here Ms. Yap. Ang dami pa kasing costumers na nakasunod sakin. Let's just talk over my table later, after you've done. And my order." Preskong sabi niya sakin. Psh, asa namang pumila pa siya, sa haba haba ng pila dito sa loob, I am so sure na nakisingit lang yung lokong yun. Psh.
"Sayang naman, hindi na natin kasabay sa pila si Mr. Tan."
"Oo nga eh. Akalain mo yun? Marunong siyang pumila." Psh. Hindi pa rin ako naniniwalang pumila siya. Nakisingit nga lang yun. Asa namang pumila pa yun -_-.
Bandang alas singko na ng hapon nang mag close na yung café ko and guess what, andun pa rin si Michael. He waited for how many hours. Hinubad ko na yung apron ko at pinuntahan agad siya. May malasakit din naman ako sa mga taong naghihintay.
Nasa harap na niya ako at siya naman nakatingin lang sakin. I rolled my eyes at umupo na sa upuang kaharap niya. Magsasalita na sana ako ng bigla niya kong inunahan.
"Ms. Jhane Yap, I want you to be my business partner."
--
BINABASA MO ANG
I Want You (R-18)
General FictionJhane Yap is a manager of a small café who loves to read Sex stories in Wattpad or in any sites where she can find some erotic/General Fiction/Romance stories. She is a VIRGIN with EXPERIENCE. Michael Tan a hot owner of the biggest Company in Polom...