WRONG NO.1
"Oh anak, anong nangyari at ba't naging ganyan ang mukha mo?" sabi ni Mama habang nagluluto ng pagkain
"Ma, I'm fired again in working" at umiba ang expression ng mukha ko
"Anak, okay lang yan" inihain ni mama ang kanin at inilagay sa lamesa
"Anong okay po doon ma,eh wala akong pambayad sa school ko" at naghalumbaba ako sa lamesa
"Salamat at nagtagalog karin anak" at kumuha sya ng plato't kutsara
"Ma naman eh, hindi kana nakakatulong sakin" at minasama ko sya ng tingin
"Pinapatawa lang kita anak. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka natanggal sa iyong trabaho?" umupo si mama sa upuan katabi ko
"Nagalit kasi ang costumer sakin kasi I'm wrong gramming...di daw nya gets" huminga ako ng malalim at tinignan ko si mama sa kanyang mukha "Ma, I'm not genious but I was trying to be a genious like them"
"Anak, seguro di para sayo ang trabahong iyon" at hinaplos ni mama ang aking likod "Okay lang yan kaysa magdrugs...."
"Ma naman eh" at tumawa kaming dalawa
We stopped laughing when someone cleared its throat
"ehem...."
Napatingin kami pareho ni Mama at tinaasan namin sya ng kilay
"O, nagkadikit na naman ang mga kilay nyo. Eh kasi naman,hindi nyo kami isinama sa eksena nyong dalawa dyan" at nagpout ito
"Pa, youre to old to do like that so stop pouting your mouth" sabi ko kay papa
"Ayan na naman ang pag-eenglish mo, hahaha" at nagtawanan kaming lahat
"Eh saan pa nagmana?" sabi naman ng aking bunsong kapatid
"Syempre sakin...Hahaha" sabi naman ni Mama
Ako nga po pala si Erika Jane Rebelio ang pinakamaganda at sexy sa aming lugar. Totoo po yan na maganda ako pero di naman DAW marunong mag-english
I DON'T CARE
I'm 16 years old na at sa mura kong edad ay nagtatrabaho na ako dahil sa mahirap ang pamilya namin. Pero kahit ganun, hindi parin iyon hadlang upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekundarya at remember, sa MAYAMANG PAARALAN pa!
Pero ako lang doon ang pinakamahirap. Kasi nakapasok lang ako doon dahil nakapasa ako ng scholarship. Buti nalang full scholarship at may allowance pa kada buwan. Ayos diba?
Yun nga lang, kailangan kong imaintain ang mga grades ko upang di mawala ang scholarship ko.
Haysss....Meron pa si Rica, ang bunso kong kapatid na magfifirst year high school pa. Ako naman magfofourth year High school at malapit ng gumaduate. Sana makatapos man lang ako ng sekundarya. Pwede naring hindi nalang ako magkokolehiyo...
Para magtrabaho na ako't matutulungan ko ang aking mga magulang pati narin ang pagpapa-aral ng kapatid ko.
Hindi kasi sapat ang kita ni papa sa pamamasada at si mama naman minsa'y naglalabada. Talagang kapos ang aming pamilya.....
"Ate, sino ang iniisip mo dyan" sabi ni Rica
"Nothing"at umiling-iling lang ako
Matapos naming kumain ay manonood muna kami ng T.V sa aming kapitbahay kasi wala kaming T.V sa bahay. At tyaka wala namang klase ngayon kasi bakasyon
Pakimbot kimbot akong naglakad patungo sa bahay ng aming kapitbahay kasama si Rica nang biglang....
BUGSH
BINABASA MO ANG
I'm Wrong Gramming???! [on-going]
JugendliteraturIsang bababe na hindimarunong mag-english.... pero maganda. nakakadiscourage nga eh... pero alam nyo ba? marunong din pala syang mag-mahal kahit wrong gramming? hahahaha... i mean wrong grammar sya? pero nga lang, may dumating na demonyo sa buhay ny...