Her POV
"Hoy babaeng ahas gising na!!!" anu daw babaeng ahas? Huh? kelan pa? Ang kinis kinis ng balat ko nuh! hahha!!
"opo! Bababa na!" sigaw ko, wew, kasalanan ko ba na late akong natulog kagabi? Well, siguro kasalanan ko nga. Pero kasalanan na din yun ng mga professor ko andaming pinaassignment! Nyeta!
"Dani nandito na si Carl!" sigaw ni mama. O___O dang aga naman ng lalaking yun!
*fast forward 10 minutes*
Oh diba ang bilis kong magbihis! hahah!!
"Nice best! Naligo ka ba? Ang bilis mo ata ah." loko toh! Di ba niya nakita na basa ang buhok ko?? Amoy Shampoo pa nga yan ehh!!!!
"ewan ko sayo! Ang aga mo naman!"
"ako pa!"
"wew, yabang!"
"sungit!"
''palaka!"
"sinong palaka ako?"
"ay hindi hindi yan bag mo! yang bag mo ang palaka!" sabi ko sa inis at nagwalk out na ako...
"uyy, ito naman oh, ang aga aga ang sungit.." lambing niya.
"ewan ko sayo!"
"awts, please forgive me na best!"
"ayaw.."
"ayy, galit na si Dani, sige ok lang.." sabi niya, nakaramdam ako ng kalungkutan sa tono ng boses niya. Aww, naawa naman ako sa bestfriend ko..
"uyy! Teka, Carl naman oh, joke lang.." pero di niya ako pinansin..
"ay sige, galit ka, ok lang din.." sabi ko.
"ito naman oh! Haha!! di ako galit! Promise!" sabi niya at hinabol ako, di ko naman siya pinansin...
"anu bayan, nagalit nanaman?"
"ehh! Nakakainis ka! hahahah!!" sabi ko sa kanya, ganito kami ni Carl, halos araw-araw, minsan sweet, minsan mga warfreak sa isa't isa, minsan aakalain mong isang couple, minsan enemies, magulok kami ni best ehh, pero sa totoo lang matagal ko na syang crush... Di lang crush mahal na mahal ko siya kaso....
"Hon!!!" tawag ni Tanya..
"Babe!" sagot naman ni Carl. Yup may girlfriend na siya, at ang mas masaklap pa dun ay di alam ni Carl na di lang siya yung lalaki sa puso si Tanya.. :/
"Babe, I missed you!" sabi ni Carl at nagsmooch silang dalawa, yuck! Kadirdir!! Makaalis na nga!
"Best, alis na ako ah, bye Tanya!"
"Sige sige!" sabi ni Tanya.
Hay naku, tinatanaw ko sila sa malayo... Bakit si Tanya hindi ako? Bakit yung sl*t hindi yung faithfull? Bakit hindi ako??!!! Isa lang ang sagot sa tanung na yan...
I LOOK, ACT AND SPEAK LIKE A BOY!!!
Well, hindi naman ako lesbian, mas mataas lang talaga yung masculinity ko kesa sa femininity ko.. oh diba science! haha!! Well, back to my problem, hay naku! Inlababo talaga ako kay Carl! Matangakad siya, nasa 5'7 siya, ako nasa 5'2 oh diba matangkad ako ehh, kaya ang tingin talaga sa akin ni Carl ay isang lalaki.. =___= maputi si Carl, singkit, at magaling sa sports.. ALL AROUND!!!
Siya na! Basketball, Volleyball, Badminton, Track n' field, table tennis... Nakakaloko yung pagka sporty niya! Whaahhaa!! Kaya nga madaming naiinggit kay Tanya eh, isa na ako dun...
AYY!! Kaloka! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo! Hihi!! Ako nga pala si Daniella Romello isang 1st year college student, I'm seventeen years old, ako ay morena, with long black hair, haircut ko? Hmm, V-cut with bangs on the side... Kung sa tingin nyo panget? Well, opinion nyo yun, basta ang tingin ko ay awesome ako! haha!!
Mahilig akong magkulong sa bahay, di ako pala-labas, si Carl lang talaga ang nagpapalabas sa akin, kasi nga ayaw kong magalit siya sakin, mahirap na friendzoned na nga lang ako, magiging enemy ko pa siya dba?
"Swerte niya nuh?"
"huh?" nagulat ako may nagsalita sa tabi ko..
"anu huh? Kanina pa ako nagsasalita dito noh!"
"sorry naman.." hay naku, lunch na nga pala namin, at nasa kabilang side ng canteen yung couple nila Carl at Tanya.. nakakainggit.. naiimagine ko tuloy yung sarili ko na nasa katayuan ni Tanya... Pero impossible!
"naku Ella, ewan ko ba sayo, nagpapaka tomboy ka kasi eh, ayan tuloy naunahan ka ni Tanya." si Nancy nga pala, isa sa mga classmate ko sa school. Siya lang yung nakaka alam na gusto ko si Carl, at siya lang din ang babae sa school na hindi nahuhumaling kay Carl... Buti naman...
"shonga toh! Edi linayuan ako nun!" sabi ko.. matagal na kasi kaming mag bestfriends ni Carl, pre-school palang kilala na namin ang isa't-isa. Magkakaibigan kasi yung mga parents namin, si Tita Amber at Tito Joey yung parents ni Carl, si mama Claudette naman at si papa Fred yung parents ko, oh diba kilala nyo na family namin!
"at isa pa, hindi magkakagusto sakin si Carl, tignan mo ako at si Tanya, ang layo diba? isipin mong milky way galaxy siya tapos ako sa next 12,000 galaxy pa, oh diba?? Tsaka isa pa, lalaki ang tingin si Carl sakin, di yun pwede..."
"sus! Di ka ba nagbabasa ng mga stories sa wattpad, or pocketbooks man lang?" huh? anu daw? wattpad? anu yun?
"hindi! ndi naman ako mahilig sa mga libro eh! Laro ang hilig ko!"
"ok ok.. pero try mong magbasa ng kahit isa lang, oh ito." sabi niya at may inabot siyang libro entitled "chuchu ni lea"
"ok, what am I suppose to do with it?"
"=___= basahin mo!"
"ahh ok.. sorry slow.."
"hay ewan, o sya kita nalang tayo mamaya.. bye!"
"bye!"
Binasa ko naman yung libro nung free time ko, kaya naantig ako sa mga nabasa ko!
"Whaa! Nagkatuluyan yung magbestfriend? Wehh?? Ang galing naman ng author nito! Nakakaelibs! Swan man! haha!!" sabi ko habang nasa kwarto ako, nagulat nga sila mama nung nakita nilang nagbabasa ako eh, sabi ko naman everything has a first time.. hehe!!
***
"BESSS!!!!!" tawag ni Carl, ayan nanaman!!! Haha!
"oh?"
"may problema ako!!"
"anu nanaman yun? wala akong pera ahh.."
"hindi! Hindi pera!"
"oh ano nga?" ang kulit ng lalaking to ahh...
"si Tanya.."
"oh ano nangyaro kay Tanya?"
"gusto niyang maghiwalay kami.." wait.. anu daw?? Napahinto naman ako sa sinabi niya!! Hahahah!
"uhmm, Carl, paki-ulit mo nga sa maayos-ayos kong tenga yung sinabi mo.."
"hay, ansabi ko gusto nang makipag-break ni Tanya sakin..."
WHAAA!!!! DREAM COME TRUE BA ITO???!!!! PARANG GANITO YUNG NABASA KO SA LIBRONG BINIGAY NI NANCY AHH!!! AHAHAHAH!!
"ahh... ok..."
"anung ok?? Hindi yun pwede!! I love Tanya! I am serious about her!!!" ouch naman sa sinabi niya..
"ok.. so anu gusto mong gawin ko??"
"yun nga eh, I was hoping that you would give me any advice, tutal babae ka rin naman, tulungan mo naman ako ohh.." ahh ganun, so babae lang ako sa paningin niya kapag nangangailangan siya ng ganito?? Ha! Nakakatawa siya! Ayaw ko nga! Tsaka wala akong maisip na solution sa problem nila, kasi busy ako kakaisip sa pwedeng mangyari sa susunod na kabanata nung libro ni Nancy...
BINABASA MO ANG
My Girlfriend for a week {short-story}
Teen FictionWhat if your bestfriend asks you a favor, will you do it? Would you sacrifice everything for it? Including your feelings?