"Miss, magkano 'tong bag na 'to?" Tanong ko sa babae sa cashier
"Uhm. Ma'am aabot po siya sa 30,000"
"Sige. Kukunin ko nalang yan" Kinuha ko ang wallet ko ng biglang may humawak sa braso ko.
"Miss, Pwede bang kunin ko yang bag?" Sabi ng lalaking koreano ata? Matangkad siya na kutis artista at purmang k-pop.
"At bakit ko naman sayo ibibigay? ako nauna na kumuha nito e.!" Diin na sabi ko.
"Ma'am, Sorry reserved na pala yan kay sir jung" sabi ng lalaking manager ata?
"So? Pano ba yan? Sorry nalang. Emergency lang kasi para sa kapatid ko" Sabi ng lalaki na kumukuha ng bag at may kasama pa talaga siyang body guard a. Mayaman siguro?
"Sa ayaw ko nga! Babayaran ko kahit 50,000 pa yan" sabi ko sa manager.
"May EXO dun sa labas oh" turo ng lalaki na jung daw at tumingin ako sa tinuro niya ng bigla akong nag taka dahil bigla itong tumakbo palabas sa BTS mall. Sheyt!
"Fuck you!!!! Walang hiya kang lalaki ka!! Buset ka!!!!!!!" Sigaw ko sa loob ng mall kahit na pinagtitinginan na ako.
Pag dating ko sa bahay agad kong tinawagan si Kimchi park ang bestfriend kong baliw!
"Hello chi!.....Uhm! Wahhhhh~ 'di ko nabili yung bag na gusto ko!....Kasi yung lalaking koreano ata e. Sabi sakanya daw yun!.....Huhu! Pag nakita ko yun mapapatay ko siya! Meet tayo sa bubble tea"
Papalabas palang ako nakita ko agad si mama.
"Mom!" Tawag ko kay mommy para mag paalam umalis.
"Yes baby?" Tanong ni mommy na busy nanonood ng t.v.
"I'll hang-out with chi, Pwede ba?" Sabay pout. Alam ko 'di ako matitiis ni mommy pag nag pout na ako Hahaha.
"Sure, Wag mag papagabi masyado. May pasok na kayo bukas" kiniss ko si mommy sa cheeks at nag paalam.
@Bubble tea.
Nakita ko si chi na kanina pa pala ako hinihintay.
"Bambam! Hahaha excited na ako bukas best!" Malakas na halak-hak ni chi kahit hindi pa ako nakaupo sa upuan.
"Chi! Can you please lower your voice? Nakakahiya ka pinagtitinginan tayo" Bulong ko nung nakaupo na ako. Sa dami ng tao dito lahat sila nakatingin samin kaya lang wapakels 'tong babaeng kasama ko kasi sila ang may-ari ng bubble tea na 'to.
"Kasi naman bam umuwi na dito yung pinsan ko na galing korea" Ngiting aso niya.
"So? Wapakels! Hahaha" Ngiwi ko.
"Ipapakilala kita sakanya, At siya nga pala papasok din siya sa school na pinapasokan natin"
"Ugh. Pasukan na bukas best! I'm sure mag classmate ule tayo" natatawang sabi ko.
"Oo naman. Malakas ka kaya sa principal"
"Oo na diyan"
"Bam, Gwapo ba yung nakaaway mo kahapon?" Seryosong tanong niya.
"Oo. Para nga siyang k-pop e"
"Nge. Bam sana hindi mo inaway! Nabawasan ang manliligaw mong gwapo niyan" sabi ng baliw kong kausap
"Diba siya yung nakaaway ni jung kook sa BTS mall?" Tinignan ko kung sino yung mga nag bubulungan kahit rinig naman.
"Yah. Girl nagviral yung video na yun at nag comment pa dun si kookieee" Sabi ng hipon na babae sa likod ko na nag bubulungan.
"Oh my! Ano sabi girl? I'm sure ipapahanap ni jung kook yang babaeng yan dahil sa ginawa niya na pag papahiya"
"Hoy bam! Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka" yugyug ni chi sa braso ko.
"Uhm."
"Are you okay? Gusto mo uwi na tayo kita na lang tayo bukas sa school" paranoid na sabi ni chi.
"Sige" mahinang sabi ko.
Jung Kook's POV
Hindi matangal sa isip ko yung babae kanina na nakikipag-away sakin dahil sa bag. Maganda siya simple lang siya pero bakit hindi siya matangal sa isip ko? Hindi ba niya ako kilala? Or sadyang galing siya sa ibang planeta?
"Ang seryoso natin ah" Boses palang alam ko na kung sino na ang nag salita si V lang naman.
"Kasi yung babae kanina hindi matangal sa isip ko" mahinang sabi ko
"Uy! Si Kookie naLOVE AT FIRST SIGHT" halak-hak niya.
"Kookie panoorin mo 'to oh" Sigaw ni J-Hook sakin.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Nag-viral yung video na nakikipag-agawan sayo yung babae at hindi natin alam kung sino ang nag kalat" paliwanag ni J-Hook. Patay! Panigurado ako magagalit sakin si manager Jimin Black.
*Saranghae Jung kookieeee* Hahaha kakahiya ringtone ko. Sheyt! Tumatawag na si manager.
"Annyeong....Yes, Sorry sir. Hindi ko alam kung sino ang kumuha samin ng video....What? Kapatid mo siya? Gamsahabnida. Patawad sir. Bye" What the? Yung babaeng maganda kapatid ni manager Jimin.
"Oh ano sabi hyung?" Tanong ni V.
"Yung babae kapatid ni"
"Sino?" Sabay sabay nilang sabi.
BINABASA MO ANG
Mr.K-pop Boy meets Ms.Pambara girl
FanfictionAng swerte mo siguro kung magkakaBOYFRIEND ka or FUTURE HUSBAND ka ng K-POP. Pero magkakagusto kaya ang lalaking K-POP sa Babaeng masyadong pambara ang bunganga? Sa dami ng naiinggit sa kanilang relasyon mas madaming naninira. Dahil sa bias/crush n...