Bininit sa busog ang palasong hawak
Na tinutudla ko'y hangin sa itaas
At sa pagbulusok tila may hinahanap
Sandaling nakipag-usap sa pumpon ng ulap.
Sa mabilis na pagbagsak sa ibabaw ng lupa
Aking munting palaso'y wari tuwang-tuwa
Kaipala'y may naipunla na namang hiwaga
Sa dalawang pusong naghahanap ng kaisa.
Ako nama'y walang pagsidlang ng kasiyahan
Pagkat aming misyon, nagkaroon ng kaganapan
Sa mundong 'di maarok ang taglay na kahiwagaan
Pag-ibig pa rin ang pinakamakapangyarihan.
Sa inyong mga pusong nagdiriwang ngayon
Kayo ang katuparan ng aming misyon
At sa mga nag-iisa't wala pa ring kasama
'Wag kayong mag-alala pagkat parating na
Ako si kupido at aking palaso, upang kayo naman
Ang bigyan namin ng ligaya!
_____________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Poetic Symphony
PoetryNobody knows how much anyone else have been through We could be standing next to someone we barely knew Or to someone who is completely broken, and starting anew So be kind, always, with yourself, and to others, too!