_____________________
"Ah...eh.."
"Please? Don't worry I'll shoulder all the expenses." sabi ni Henry kay Jackie at hinawakan ang kamay nito.
+____________+
"Nakakahiya kasi eh.. Mga royalties ang makakasalo ko tapos hindi ako available. Meron akong part-time job."
Pagkatapos kasi ng klase o kung may vacant hours si Jackie, nagtratrabaho agad siya sa isang shop para na rin sa mga gastusin ng anak niya. Nahihiya rin kasi siyang humingi sa nanay niya, kapos din naman sila.
"Please for a day?? Besides, I'm with you. There's no need to be afraid of." pagmamakaawa sa kanya ni Henry.
Nagdadalawang isip pa rin siya. Importante kasi sa kanya ang isang araw sa part-time job niya, makakakuha kasi siya ng P200 kahit papaano. Pero naaawa rin siya kay Henry kasi parang iiyak na sa pagmamakaawa sa kanya.
(___ _____'')
"Sige susubukan ko."
"Really? Thank God. Bukas. After your class. Kukunin kita. Cellphone? Your cellphone number??"
"Sige. Ito, 09*********."
"Thanks. Wow. This is great." abot tenga ang ngiti ni Henry.
"So it means we're friends already??" tanong ni Henry kay Jackie.
"Hahaha. Sure."
*
"Your highness, here is the list of scholars under our scholarship program." sabi nung babae na secretary ng administrator kay Harold saka binigay ang folder.
"I see." tapos tinignan kaagad ni Harold ang folder at binasa.
"Are all these students good??" pahabol na tanong niya habang bumabasa.
"Yes,sir. We make sure that a student is 100% qualified before we grant him a scholarship."
Biglang napatigil si Harold ng makita niya ang biodata ni Jackie.
"Jackielyn??"
"Si Jackie sir?? You mean the freshman student from the Education sect??"
Tumango lang si Harold. Hindi kasi siya makapaniwala na nandidito si Jackie o nagmamalik mata lang siya. Tapos sa picture, kamukhang-kamukha talaga ni Jackie.
"Alam niyo po, kahit may part-time job yan, ang talino. Nakayanan niyang pagsabayan ang pag-aaral niya at trabaho kaya nga siguro, I'm sure na magiging sucessful siya."
"Saan ba matatagpuan ang room niya??" sinara kaagad ni Harold ang folder at tumayo sa pagkakaupo nito.
"Simula rito, madadaanan niyo po ang cafeteria tapos the two different laboratories then nandun na ang room niya, bakit po??"
"Sige, salamat." lumabas kaagad si Harold sa administrator room.
Wala ng pakialam si Harold kahit mabangga niya ang mga estudyanteng nasasalubong niya. Ang nasa kanya lang, gusto niyang makita si Jackie.
*
Dumating na rin si Harold sa room nila Jackie. And expected, nagsisigawan na naman at nagtitili ang mga estudyante sa room. Pumunta kasi sa room nila ang prinsipe.
"Nanjan ba si Jackie??" humihingal na nagtanong si Harold sa isa sa mga estudyante.
"Ah..wala pa po. Baka hindi po yun makakapasok, may part-time job kasi eh."
"Ganun ba?? Sige." tipid na sagot ni Harold. Nalulungkot na naman siya kasi baka hindi pumasok si Jackie. Gusto kasi niyang humingi ng tawad sa lahat-lahat. Saka hindi naman pwedeng hindi si Jackie ang nakita niya sa biodata nito, dahil sa picture at pangalan palang, siguradong siya na talaga.
BINABASA MO ANG
15 year old Mommy
General FictionPrologue Sabi nila kapag nagmahal ka.. Minsan hindi ka na nakikinig sa mga payo ng mga malalapit sa buhay mo.. Dahil mas pinapakinggan mo ang isinisigaw ng puso mo.. Kahit alam mong mali at maaring maging kapahamakan mo. Naranasan ko ng magmahal ng...