Chapter One

4 0 0
                                    

Nica’s POV

Humid!

That’s the first thing that I exclaimed after I set my foot on the busy streets of Cruise City. It was scorching hot and my throat is feeling dry and it really needs water. My sweat has been covering my whole face at pakiramdam ko, basa na rin ang kili-kili ko. My bags were heavy, but I still managed to carry all of it and to keep it out from prospective snatchers here in the city. Ngayon lang ako nakarating dito. At medyo nahihilo na ako sa sobrang pagod sa byahe at sa sobrang init.

New environment. New people. New undertakings. Sana kayanin ko.

Tumigil ako sa tapat ng isang tindahan para bumili ng mineral water. Pakiramdam ko sobrang dehydrated na ako. Umupo muna ako. I wiped my face with my hanky when someone sat beside me.

I awkwardly stood up para bumili ng tubig.

“Ate isa nga pong mineral water. Yung malaki po ah? Tsaka yung malamig.” Then I distinctly heared the stranger clear his throat. Napatingin ako sa mga bags ko and I realized that I found it unsecured. Naalala ko tuloy ang sinabi ng lola ko sakin.

“Never leave your things unattended.” Parang yung mga nakalagay lang na signboards sa mall ah. Haha. Sabi niya kasi, marami daw mga mapagsamantala sa siyudad. Well, hindi naman talaga bukid ang pinanggalingan ko. It’s sort of a small city na peaceful at konti lang ang crime rates. Yung tipong mababait ang mga tao at hindi masyadong mapagsamantala. Take note yung sa “Hindi masyado”.

I eyed the stranger and also my bags. He looked pissed after I gave him a suspicious look. He baffled.

“Hoy Miss, di ako magnanakaw. Wag mo akong tignan ng ganyan.” He distanced himself from my belongings and went to my side and also bought a bottle of water.

“I am sorry.” I picked my bags and wondered where to go next. Haaaay! Kakabano naman pag ganito. Para akong ligaw na batang di alam kung saan papunta. Tinignan ko yung address na pupuntahan ko. Hay. Para akong abnormal na nakatitig sa papel na binigay ni Lola sa akin. Magtanong ka kaya Ineng? Hays. Nakakailang buntong-hininga na ba ako ngayong araw?

Bumalik ako dun sa tindahan na binilhan ko ng tubig. Andun padin yung lalaki. Nakakahiya. Hayy. Minsan traydor talaga ang pagiging paranoid. Lumapit ako ulit dun sa magtitinda para makapagtanong.

“Ate, alam niyo po ba kung saan ang address na ito?” I handed her the paper.

“Ay ineng, malapit na ito dito. Kaso di ko alam ang exact na daan papunta jan. Uy Piel! Diba taga Happy St. ka?” Binalingan nya yung lalaking umiinom ng tubig at kumakain ng biscuit sa may gilid ng tindahan. Tumaas ang kilay nya at tumango.

“Yan, jan ka magtanong sa poging yan. Piel. Ituro mo nga kay ganda 'to. Para di sya maligaw. Baka pagtripan pa sya ng mga tambay jan sa kanto eh.”

Kinuha ko yung papel tapos nahihiya kong iniabot dun sa Piel. He reached for the paper and read it. Mukhang alam nga nya kung saan.

“Ah. Ate Chang malapit lang poi to sa dorm ko.” Tapos tinignan nya ako simula ulo hanggang paa. Naconscious naman ako sa itsura ko. Mukha akong haggard sa suot kong blouse at skinny jeans. Idagdag pa yung bags na dinala ko.

“Ehem. Pwede po bang paturo ng direksyon kung paano pumunta dun?” Tinanggal ko na yung hiya at takot na nararamdaman ko kesa naman mapagtripan ako sa daan.

He drank the last gulp of his water. He got up on his seat and nod.

“Let’s go.” I hesitated because I remember what Lola said.

“Don’t easily trust a stranger.” Napansin ata nung Piel na hindi ako sumunod agad sa kanya. Aish! Lola naman eh. Pagod na po ako. I kept going in order to reach my destination.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collide..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon