MIKA'S POV
Pagkatapos namin mag usap ni Mae ay biglang gumaan talaga ang loob ko. Pero galit paren ako kay Jessey, hindi ko parin matanggap na ginawa niya sakin iyon. Grabe, masakit talaga saakin ang ginawa niya. Sa ngayon ayoko muna siya makita, makasasa o marinig yung pangalan niya. At sana itong mga kasama ko sa dorm ay tumigil na rin sa kakatanong. Alam kong kaibigan ko sila pero sana kahit ngayon lang hayaan na muna nila akong mag isa. Makatulog na nga 10:30 pm na pala.
Morning came....
6:30 na at himala maaga ata akong nagising, ako pa naunang nagising sa kanila.Chineck ko ang cellphone ko. Okay, walang nagtext. Mukhang sumuko na ata si Jessey sa pangungulit niya. Aba! Bahala siya. Tssss, Ano ba yan. Aga aga nasira na araw ko. Maitext na nga si Mae.
Mika: Hi goodmorning Mae:)))
Mae: Good morning rin Mika Reyes <3 hihi maaga ka atang nagising. Lakas kase ng energy, kase kausap kita kagabe. Hihi.
Itong si Mae talaga. Ewan ko ba kung bakit maaga ako nagising today, hindi naman dahil kanya eh. Pero nakakatawa parin kahit papano.
Mika: Kaw naman, Baka nga. Haha
Mae: Malakas ba kamandag ko at parang gusto mo na rin ako? Hihi joke lang.
Mika: Sinabe mo pa. Cute mo kase. Hehe
Mae: Talaga. Kinikilig na ako ah! Mika 7:00 na o, mag prepare ka na may game ka pa naman mamaya. I love you Mika Reyes.hihi
Mika: Osige, manunuod ka ba talaga?
Mae: Oo naman, para sayo crush. Hihi
Mika: Sabe mo eh, sige alis na ko.
Mae: Wait! Hindi mo pa sinasagot yung ILY ko. Di ba ang usapan naten?
Okay pagbibigyan ko itong si Mae. Sabi niya as a friend lang naman tong ILY niya. Go with the flow na lang.
Mika: haha, luvyoutoo
Hindi ko namalayan 7 na pala at si Ate Kim ay gising na rin, nagluluto na siya ng breakfast namin. Lumabas na ko, mukang matutulongan ko ata si Ate Kim sa kusina. Ah! Dibale na para naman di na ko makapag isip ng makakapag badvibes sakin. Hindi ko na maiisip si Jessey. Kinuha ko yong ibang niluto ni Ate Kim at naglagay na rin ako ng mga pinggan, kutsara at tinidor sa lamesa.
Kim: oh? Sinisipag ka ata Mika.
Mika: Walang magawa eh, tsaka hindi na ko tumutulong sa inyo. Saan ko ito ilalagay? *Hinawakan ang isang platong rice*
Kim: Haha, anong hindi NA? Ang sabihin mo "Hindi ako tumutulong sa inyo" haha, Oh dito muna yan, gagwin ko pa yang fried rice eh.
Mika: *tumawa at nilagay ang isang platong rice sa gilid ni Kim*
Kim: Kumusta na? . . . . . . . .
Alam ko na itatanong nito. Mas mabuti pang unahan ko na.
Mika: Ako? Ayos naman. Pano ba magluto te Kim?
Kim: Teka, di pa nga ako tapos mag . . . . .
Mika: Oh, ihahalo mo ba yan tapos ilalagay ang mga sangkap?
Kim: Paabot na nga lang ng asin. Sige tuturuan kita. Watch and learn. Ikaw pa naman pinaka malakas kumain dito tapos walang alam sa pag luluto. Hehe
Hay. . Bute na lang na change yung topic. Alam kong magtatanong siya about kay Jessey. Tumulong na nga ako sa kusina para iwasan na maisip tapos pag uusapan namin?! No way. Ah! Basta, ayoko muna pag usapan. Pagkatapos namin magluto ay kumain na ang lahat. Naghanda at umalis sa dorm.
YOU ARE READING
My Prediction (Fall or Fly Chapter XXXII.II)
Novela JuvenilThis story was only my imagination inspired by FALL OR FLY novel series written by hallucination03. After I read the Chapter XXXII.I I got bored while waiting for the update then I started to imagine things that possibly will happen. I only wrote th...