Chapter 3. Bestfriend lang ako

23 1 0
                                    

" Kean ?"

" Oh ?"

"Ilang linggo na tayong nagpapanggap na magdyowa ba't wala namang nangyayari?"

Hindi sumagot si Kean . Tinitigan niya lang ako. Parehas kaming nakaplakat yung mukha sa lamesa at magkaharap na nag-uusap .

Nakabusangot ako sa kaniya . Iniintay ko kaya yung sagot niya. Bigla niya namang hinuyupan yung mukha ko.

" Eew kean kadiri ka laway mo "

" Ambango ng hininga ko no?"

"Hay naku. Eh panong hindi babango , ginagawa mong softdrinks yung listerine "

"Tss. Syempre para ready ako "

"Saan?"

"Sa kiss"

"Sino naman ang hahalikan mo , wala ka pa ngang girlfriend eeh"

"Ikaw."

o_O

"Yak Kean , umayos ka !"

"Joke lang ."

Ginulo niya yung buhok ko.

" So ano nga Kean ? Lahat ng plano natin palpak? Ano na next?"

"Wala kang dapat gawin , kung mahal ka talaga niyan 1 araw palang , binalikan ka na niyan"

" Kean naman eeh. Pano yan 2 linggo na kaming wala? "

"Kalimutan mo na kasi yung gagong yun"

" Ayoko. "

" Gusto mo Drey, patulan na kita ?"

" Yak . Kadiri ka talaga"

"Asa ka naman, jinojoke time kalang , masyadong seryoso"

"Hindi ka kasi magaling na joker kean eeh . Nakakaiyak ka kaya magjoke"

"Ah Ganun? Gusto mo bugbugin ko na talaga yung gagong yun?"

"Bakit siya bubugbugin mo ?"

"Syempre siya kaya nananakit sa bestfriend kong iyakin. "

Sabay kurut sa nose.

" Grabe ka Drey , tingnan mo may sumamang uhog mo ! Hindi kaya yan yung dahilan ng pagbrebreak niyo ?"

" Ambabaw naman nun"

"Eh ba't di mo kasi tinanong kung bakit siya nakipaghiwalay"

"Duh. Kean ang sakit sa puso kapag tinanong ko pa yun "

"Mas maganda ng harapin mo ang sakit ng mas  maaga dahil kung tatakbuhan mo yan uunti untiin ka niyan"

"Kean saan mo nakukuha yang mga hugot na yan "

"Dito "
Sabay turo ng puso.
"Alam mo audrey ayoko namang nasasaktan ka ng dahil lang sa lalaking yun kaya please wag ka ng umasa dun"

"Paano ba magmove on? Hindi ko talaga alam kung paano kean , talagang ayaw paawat nitong puso ko eeh "

"Sama ka sakin drey mamaya mag star gazing tayo "

"Boring yun kean , ayoko nun"

"Okay basta sumama ka sakin mamaya huh ?"

"Eh diba birthday ni roselle mamaya? "

"Oo nga pala next time nalang"

"Invited ka naman kaya tayo parin magkasama nun . Kaya wag ka ng bumusangot diyan"

Ngumiti naman siya .
Tumayo na siya. Sumunod naman ako sa kaniya. Pumunta na kami sa kaniya - kaniya naming klase.

Good Girl Turn Into BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon