Sinundo ako ni kean sa bahay.
" Drey , ang ganda mo kaso ngayon lang""Walangya ka talaga kean"
"Pinuri na nga kita eeh . Ayaw pa ."
"Kung ganyan ka mamuri ng tao panigurado mababadrip lang sila. I mean kami."
"So galit kana sakin niya Drey?"
Pinitik niya yung ilong ko.
"Hays. Kainis ka talaga kean "
Pinaghahampas ko siya.
Umayos naman siya . Then tumayo ng matuwid tas nilagay ang kamay sa
dibdib . Bayang magiliw handa awit. Dejoke lang .Tumayo siya ng matuwid at inoffer yung braso niya .Pinulupot ko yung kamay ko sa braso niya. Nakablack dress ako pero glowing indadark siya dahil kumikinang siya sa mga glitters na design nito. Si kean naman na amerikana. Gwapo naman.
Bali hinintay niya kasi ako sa may labas ng gate . So pagpasok namin andami ng tao . Ang ganda ng pagkakaayos. Andami nanamin nakakasalubong na classmate namin . Pero hindi ko parin siya makita .
"Uy bro , sino yang kasama mo ? Break na kayo
ni audrey ?"Nagulat naman ako sa pinagsasabi nitong lalaking to.
"Hindi bro. Si audrey yan banla"
Tinitigan niya naman ako ng mabuti . Nilapit niya pa mga yung mukha niya eeh.
Kumunot naman ang noo ko sa pagtitig niya sakin.
"Whoah. Audrey ? Grabe ang ganda mo ngayon huh? "
Tinaasan ko siya ng kilay .
"Wag ka ng magulat maganda talaga ko "
"Si audrey nga to. Masungit eh "
"Oo bro. Kelan ba naging mabait yan?"
Pinalo ko naman yung braso ni kean.
"Teka lang bro huh, hanapin namin si roselle "
Nakita naman agad namin si roselle . Ang ganda niya . Naka pink gown siya then curly hair sabay mataas na takong.
Nagbeso beso naman kami.
" Happy birthday selle "
"Happy birthday roselle""Thank you audrey , kean.. Wow bagay na bagay kayo ang sarap niyong tignan dalawa . "
With matching pang-aasar , alam niya yung tungkol sa pagpapanggap namin.Nagkatinginan naman kami ni kean na parang nandidiri sa isa't isa.
"Kayong dalawa talaga . Para kayong mga bata "
May lumapit na lalaki kay roselle at.....
"Happy birthday babe "
"Thank you babe "
Nagkiss sila sa harap namin.
"Babe si audrey and kean nga pala. Mga kaibigan ko. "
0 __ 0
Sinamaan ko siya ng tingin.
Inoffer niya yung kamay niya para makipagshake hands."Troy "
Then nagshake hands naman sila ni kean.
Binigay nanamin ni kean yung gift kay roselle . Then pumunta na kami sa nireserve na table para samin. Magkakasama kami nina tita at tito (parents ni roselle)
Malaking table siya na good for dozen . Pero tatlo lang kami ngayon dito . Dahil busy si roselle sa mga bisita ganun rin sina tita.
Nag-uusap nga tong dalawa mukhang friends na sila ni kean . Ako ? Duh. Ayoko makipag-usap sa kanila.
Kapag may tanong siya about me , si kean yung sumasagot at hindi ako.
BINABASA MO ANG
Good Girl Turn Into Bitch
Teen Fiction" When you are in pain , you can't control your actions and emotions . Sometimes you have to kind of die inside in order to rise from your own ashes and believe in yourself to become a new person." author : messyLLy💋