Chapter 1

572 18 1
                                    

Dashawn Alfonso Dela Vera's POV

"Thank you, Doc." nginitian ko siya tsaka kinamayan.

"Congrats. Your free! Huwag ka nang babalik dito sa ospital ayaw na kitang makita." natatawang sabi ko. Natawa naman siya tsaka ako tinapik tapik sa likod pero hampas talaga yun. Itong tatang na ito. Kung hindi lang ako doctor, gumanti na ko. Joke. Hahaha... 5 years din akong naghirap pagkatapos kong magshift from multimedia arts to medicine.

"Huwag kang mag-alala, Doc. Hindi na ko iinom ng alak. Liver lover na ko, titikim na lang."  biro niya kaya natawa na lang ako. This is the happiest part of saying goodbye sa ospital.

"Sige na. Ipakita mo lang po sa guard iyang pass, makakabalik ka na sa inyo. Hahahaha.... No to alak, fatty foods, at lahat ng pinagbabawal, ok?" paalala ko.

"Ok na ok, Doc! Sa uulitin." tawa niya tsaka umalis. Loko talaga.

"Wala man lang sumundo sa kanya." napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Nurse Linda pala. Matagal na siyang resident nurse dito at parang nanay nanayan na din namin. Mabait siya tsaka madaling pakisamahan. Isang taon pa lang ako dito at siya ang unang pumansin sa akin kahit noong mga panahong di niya pa alam na anak ako ng nanay ko.

"Well, ganoon po ata talaga. Baka bumalik ulit siya ibang sakit naman kaso baka di na kayanin ng katawan niya." sagot ko tsaka ngumiti at sumenyas na aalis na. Oras na, oras na ng pag-uwi. Pumunta ako sa opisina ko para magpalit ng damit at syempre mahiga sa sofa. Special treatment? Nope. Halos dito na ako patirahin ni grandgrad, aralin ko daw ang pasikot-sikot sa ospital at kung anu-ano pa kaya hindi ito special treatment, special training ito.

Napakamot na lang ako tsaka kinuha yung cellphone ko at nagonline. Dumeretsyo ako sa gc namin na na puro memes ang laman. Parang di na tumanda itong si Calvs, magantihan nga. Nagsend din ako ng mga memes. Inuna ko si Saitama at dahil online ang loko, nireplayan ako ng may mura. Hahahaha... pikon.

"magmove-on ka nang hayup ka, *******! Elementary pa tayo nung nagpakalbo ako." chat niya. Hahahah. Syempre hindi ako nagtigil. Nagsend ko ng picture ni clirin at ng mga dragon balls.

"Kindly stop sending memes here. Grow up, you two!" chat ni East na nagpatawa sa akin. Binilang ko agad kung ilang salita yung minessage niya pero naunahan ako ni Calvin.

"9 words. May 9 words si baby!<3" chat niya na nagpahagalpak sa akin kakatawa. Imagining East's face is epic. Ilang buwan ko na bang hindi nakikita itong mga ito? Tatlo? Apat? Tatlo ata.

"By the way, may sasabihin talaga ako sayo, Alfonso."
"Punta kang Shenron ngayon. Ililibre kita. Dali."
"Ngayon na. Libre to."
"Antayin mo ko. Hahahaha." direderetsyong chat ni Calvin bago naglog-out. Kaisa-isang off ko to eh pero libre daw. Sinong tumatangi sa libre? Syempre hindi ako.

Tumayo na lang din ako at nagpuntang Shenron. Isa ito sa pinakamalapit na branch na business ni Ate Myrtle pero hindi naman siya madalas magpunta dito lalo na at buntis siya ngayon. 10 minutes drive lang naman at nakarating na ako. Umupo ako sa may tapat ng glass wall para kita agad ni Calvs.

"Oi, nandito na ko." chat ko sa gc na sineen lang ni East. Wala bang pinagkakaabalahan to. Bakit online?

Calvin Trevon Alastair's POV

"Anong ginagawa mo dito?" napasimangot ako kay Sky na nakapamewang sa harap ko.

"Ito naman parang di family. Inutusan ako ni Daddy sunduin si Shil. Nasa Shenron siya ngayon." sagot ko. Napasimangot siya lalo tsaka ibabato sana sa akin yung throw pillow na malapit sa kanya pero hinarang ko Dusk. Subukan mo, sesemplang yang unan sa anak mo. Hahaha... Nang-aasar ko siyang nginitian.

"Bakit ka nandito kung susunduin mo pala si Shil? You should go there already. Don't let our sister wait." sabi niya tsaka pinalapit sa kaniya si Dusk.

"May iba akong inutusang magsundo." Nakangising sabi ko.

"Sino? Caleb?" tanong niya na inilingan ko naman.

"Wow. Parang kaya ko talagang utusan yung kakambal kong iyon. Nasa business meeting sila ngayon ni Ai para sa opening ng branch namin sa palawan.  Alam mo namang wala akong ambag sa ganun." sabi ko dahil nagstick ako sa trip ko sa buhay. Successful photographer at your service. Pinipilahan ako ng models, joke. Baka mapatay ako ng girlfriend ko kapag nalaman niya ang iniisip ko. Kinilabutan ako bigla.

"Teka nga, napapansin ko ah. Nilalayo mo sa akin yang si Dusk. Si Alfonso lang kaaway niyan, hindi ako. Halika dito Dusk, come to tito ninong!" sabi ko. Syemre tropa kami nito kaya lumapit agad sa akin. Hah! I'm the man!

"Kapag nagalusan yan, humanda ka. Warning ni Sky. Natawa na lang akong tumango at nakipaglaro sa batang tumutulo na ang sipon. Sipunin siguro si Dustin nung bata siya. Hahaha...

Nalilibang ako sa pakikipaglaro kay Dusk nang maalala ko si Alfonso. Hala oo nga pala, nasundo na kaya yung bunso namin? Nagonline ako agad at ang daming chat ni Alfonso. Hindi pa sila nagkita?

"Sky!" sigaw ko. Mukhang nagpapanic naman na bumaba si Sky at hinanap agad si Dusk na naglalalaro ng matiwasay.

"tot tot..." inulan ako ng mga spg na salita ni Sky bago ako nilapitan at binatukan.

"Papatayin mo ba ako? Akala ko kung anong nangyare sa anak ko." gigil na sabi niya.

"Easy, easy. May kailangan ako sayo, baka naman pwedeng pumunta ka sa Shenron at..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magring yung cellphone ni Sky. Tinignan naman niya iyon tsaka sinagot.

"Hello, sino to?" sagot niya.

"Shil? San ka nakikitawag? Shocks. Wait, ako na susundo sayo tapos sabay nating patayin yung kuya mo." sabi niya bago i-end yung call. Napalunok ako ng laway ko. Bakit hindi sila nagkita? Letse.

"Hehehe. Bawal karahasan sa harap ng bata." Mahinang sabi ko tsaka tinuro si Dusk. Inirapan lang ako ni Sky tsaka kinuha si Dusk at umakyat. Nakaayos na siya nung bumaba siya at si Dusk.

"Ako na susundo kay Shil. Patay ka kay tito Clinton." sabi niya tsaka ako nginitian. Kinilabutan na naman ako. What a devil. Hindi pa ko tapos sa pag-eemote ko nang magring yung cellphone ko. Napakamot ako sa pangalang nasa screen ng cellphone ko.

"Alfonso Calling..."

Nyeta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Day and NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon