Prologue

806 21 3
                                    


Tumingin ako ulit sa relo ko sa pang-ewan ko nang beses. Calvin will pay for this. Lokong nilalalang na yun, magdadalawang oras na akong nakatambay dito sa Shenron. Kinuha ko yung cellphone ko tsaka tinawagan si Calvin. Wala pang isang minuto, sinagot niya naman ang tawag ko.

"Oi, sandali lang hindi ako makaalis. Galit na galit si Caleb sa akin. Hahaha." sabi niya na hindi man lang ako pinagsalita. Galit na galit pero tumatawa. Sinungaling.

Halos tatlong buwan na kaming di nagkikita ng lokong yun, busy kami sa kanya-kanyang buhay kaya kahit kaisa-isang off ko ito this week, pumayag akong makipagkita tapos ganyan siya. Pasalamat siya gwapo ako at mapagpasensya. Tama, tama.

"Mommy! I told you it's ninong Doc!" napatingin ako sa batang lalake na nasa harap ko. Naku, inaanak ko to ah. Pambihura, kung minamalas ka nga naman.

"Ayusin mo yang mukha mo, Dash. Parang ayaw mo makita ang anak ko ah." inis na sabi ni Sky. Natawa naman ako. Hah! Buti alam niya, joke. Nakakagigil makita tong chabilitong bata na ito. Kamukhang kamukha ni Dustin, nakakabwisit.

"Hindi naman. Kinabahan lang ako saglit, naalala ko July pa lang pala. Safe pa. Hahaha." biro ko. Inismiran naman niya ko tsaka nilapag yung bag na bitbit niya sa lamesa.

"Dusk, stay here with ninong doc. May susunduin lang ako sa second floor. Ok?" malambing na sabi ni Sky. Nakakakilabot, hindi ako sanay na naglalambing siya sa harap ko. Ilang taon na ba ang lumipas? Tae, tumatanda na ba ko? Di bale, pogi pa din naman.

"Ok." sagot ni Dusk na umupo sa tabi ko. Pagkaalis ni Sky, kinulit ko agad itong si chabilito.

"Oi, chabilito, bakit kayo nandito? Nasaan ang papa?" sabi   ko.

"Mommy said, no chabilito." pabulol bulol na sabi niya. Well, 4 years old pa lang naman siya kaya given na yun pero wala, malas siya kamukha niya tatay niya. Hahaha

"Anong pinagsasabi mo, chabilito?" natatawang sabi ko. Hindi naman ito nagsalita, sa halip tumayo siya tsak kinuyom yung mga kamay niya na nakayuko. Hala napaiyak ko ata. Patay ako sa nanay nito.

"Ay patay!" napasigaw ko sa pagsipa ng batang chabilito na to sa kanang hita ko. Hayop, manang mana ka sa tatay mo. Gaganti sana ako sa kanya nang dumating yung nanay niya pero hindi ako sa nanay niya napatulala kundi sa kasama niya.

"Ah, eh, ih, oh, hi?" takte, bulol na din ako? Nakakahawa tong si chabilito.

Day and NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon