This One Shot is the part 3 of Paki-Explain. Labyu! & Ayoko nang mag-COC. Naalala niyo pa ba? Hahaha.
Hanggang ganito lang ang kaya ko sa story nila Seven at Christial. Pero mas mainam siguro kung magawa ko siyang novel. Hahaha.
Enjoy Reading~
=================
Seven's POV
Naalala ko noong tayo pa... sobrang saya natin. Animo'y tayong dalawa lang ang nasa paligid, walang pakealam sa sinomang nakatingin.
Bawat araw na tayo ay magkasama laging may ngiti sa ating mga labi. Mga tawa mong kay lakas, na parang wala ng bukas.
Dati rati walang humpay ang ating kasiyahan, tuwing magkasama tayo ay puno ng kaligayahan.
Noong tayo pa, araw araw lagi kitang naiisip, lagi akong nag aalala kapag hindi tayo magkasama. Iniisip kung okay ka lang ba, kung kumain ka na dahil sobrang busy mo sa aralin.
Parang kahapon lang, sobrang saya natin at nakayakap ka pa ng mahigpit.
Isipin ko man na hindi ito ang katotohanan, na wala na tayo. Pero naiiyak pa din ako dahil sa bawat araw na gigising ako, tanging larawan mo na lang ang nakikita ko.
Kung maibabalik ko lang ang dati, hinding hindi na kita hahayaan.
Hindi ko na kayang magkunwari, na ikaw ay nasa akin pa ring tabi. Kung sana'y hindi na lang ako lumayo. Hindi sana nangyari 'to.
Oo nadala ako ng emosyon ko.
Kasi sobrang sakit malaman na tayo pa lang pinagpalit mo na ako.
Tanging hiling ko lang sana na makasama kang muli, nananalig ako sa maykapal na sana ibalik ka uli.
Pero mukhang huli na ang lahat.
Namimiss ko yung mga suyuan, at matamis na pag iibigan. Noong tayo pa...
Nakatingin ako sayo ngayon sa iyong mga mata. Hawak ang iyong kamay.
Malapit lang ako sayo, sobrang lapit pero alam kong ang bawat mensahe ko'y hindi mo naririnig.
Parang kanina lang nakikita pa kitang gumagalaw pero ngayon hindi na.
Tama ba ang aking nakikita? Parang gusto ko ng mabulag dahil hindi ko matanggap ang katotohanang nakikita ng aking mga mata.
Tumutulo lamang ang mga luha ko habang katabi ko ang nakahiga mong katawan, habang ikaw ay nakapikit na parang natutulog lamang.
Sobrang sakit ng katotohanang hindi lang relasyon natin ang nawala ngayon kundi pati ikaw.
Lahat ng nangyari kani kanina lamang ay pinag sisisihan kong lahat. Hindi man ako nakabunggo sayo pero alam kong kasalanan ko lahat.
Kung hindi lang siguro ako nagpadala sa emosyon ko, nandito ka pa sa tabi ko. Kung hindi lang ako umalis kaagad, hindi mo sana ako sinundan.
Hindi ka sana nawala, hindi ka sana nasaktan, hindi ka sana nasagasaan.
Flashback
Sumakay na ako kaagad sa kotse at pinaharurot ito.
Kung hindi dahil sa COC na 'yan edi sana AKO PA DIN ANG MAHAL NIYA.
Tangna hanggang dito sa highway umiiyak pa rin ako, nanlalabo na ang mata ko. Di ko na maaninang ng maayos ang dinadaanan ko.
"F***!!! AYOKO NANG MAG-COC" sigaw ko sa loob ng sasakyan. Sabay sabunot sa ulo at suntok ng padabog sa manibela at napatingin ako sa harap ng may biglang tumawid...
BINABASA MO ANG
Noong Tayo Pa...
Short Story"Noong Tayo Pa... tatlong salita lang 'yan pero sobrang sakit pakinggan." ©2016