complete

823 34 5
                                    

Kakatapos lang ng KalyeSerye. Si RJ nasa kotse niya habang si Maine nasa bahay. Ok na si RJ, na detach niya na yung sarili niya sa character niya pero si Maine tuloy tuloy parin ang pagluha. Natataranta na lahat kaya isa nalang ang naisip nilang paraan, tawagin si RJ,

"Alden!" Sigaw ni Oreo. Agad namang sumilip si RJ sa bintana at nakitang tumatakbo si Oreo papunta sa kanya. Nang nakarating na si Oreo, hinihingal pa.

"O, hinga muna. Bakita ka po ba kasi tumatakbo?" Tanong niya na may halong pagaalala sa mukha niya.

"Si..." Panimula ni Oreo na naghahabol parin sa paghinga. "Si... Maine..." Hinihingal parin si Oreo. Nung narinig ang pangalan ni Maine, nanlaki ang mga mata ni RJ na puno ng pag-alala.

"Ano? Anong nangyari kay Meng?" Medyo tumaas boses ni RJ at binuksan ang pintuan para bumaba, tumabi naman si Oreo. Pagkababa ni RJ agad siyang tumakbo papunta sa bahay. Pagpasok niya, nakita niya si Maine, nasa isang sulok, hagulgol parin ng hagulgol. Nilapitan niya si Jose.

"Kuya, ano pong nangyari?" Tanong niya kay Jose na nagaalala rin para sa bata.

"Ewan ko brad. Pagtapos ng eksena niyo hindi pa yan tumitigil sa pag-iyak eh. Lahat ginawa na namin pero wa epek eh." Sabi ni Jose habang nagaayos ng gamit. "Subukan mo kaya, baka mapatahan mo." Kinindatan siya ni Jose at nginitian. Hindi ngumiti si RJ kasi nagaalala siya para kay Maine. Dahan dahan siyang lumapit kay Maine.

"Ui, bakit ka umiiyak?" Naging malambing ang tono ng boses ni RJ. Ganyan naman siya parati basta si Maine na kausap niya.

"Wala 'to. Wala lang 'to Alden." Seryosong sabi ni Maine habang nagpupunas ng luha.

"Sabihin mo sakin kung bakit. Please?" Nagmamakaawang sabi ni RJ.

"Wala nga 'to. Ang kulit naman eh. Mawawala din 'to." Tuloy parin ang pagluha ni Maine. Nag-squat sa harap ni Maine si RJ, dahan dahan niyang nilapit kamay niya sa baba ni Maine at itinaas to ng bahagya.

"Wag ka na umiyak, please?" Sabi niya pero tinanggal lang ni Maine yung kamay niya at umiling.

"Wala nga to Alden. Nadala lang ako masyado sa eksena kanina." Sabi ni Maine na nagpupunas parin ng luha.

"Love naman." Ayan, ginamit na ni RJ ang tawagan nila ni Maine. "Ayokong nakikita kang ganyan." Pinunasan niya mga luha ni Maine. "Ano ba kasi inisip mo kanina at mukhang may hangover pa luha mo?" Tanong niya, sinusubukang i-lighten yung mood.

Umiling lang si Maine. Ayaw niya sabihin kasi alam niyang iinisin lang siya ni RJ pag nalaman ang dahilan.

"Chige na! Chabihin mo na, pweaaase?!" Alam ni RJ na have ndi natitiis ni Maine ang baby talk niya. Tinignan lang siya ni Maine na parang nagtatanong "talaga? Ginagawa mo talaga yan?" Sabay patak ng luha sa mata. Tinitigan lang siya ni RJ sabay ngiti.

"Kasalanan mo 'to eh." Panimula ni Maine na ikinagulat ni RJ.

"Hala?! Bakit ako? Tinutulungan na nga kita kanina eh." Gulat na sabi ni RJ.

"Yun na nga eh. Super effective diba?" Naiinis na sabi ni Maine sabay turo sa namumugto niyang mata.

"Ano ba inisip mo at umiyak ka ng ganyan?" Nagaalalang tanong ni RJ. "Sabi ko lang naman sa'yo, kunyari namatay aso mo. Basta malungkot...." Hindi na tinapos ni RJ ang sasabihin niya at napangiti. "Teka. Wag mo sabihing.." Patuloy niya.

"Hindi no.! Wag kang ano!" Depensa ni Maine na namumula na sa hiya. Alam niyang nahulaan na ni RJ kung ano iniisip niya kanina, kaya nga kung makangiti wagas eh.

"Wuushuuu! Kunyari ka pa. Ano na nga yun? Kwento mo sakin para hindi yun mangyari." Tumabi na si RJ sa kanya at nangungulit parin.

"Ehhhh, RJ. Nakakhiya." Napangiti si RJ. Ang sarap pakinggan pag tinatawag siya ni Maine ng RJ. Nagpuppy eyes siya kay Maine at nag-pout na nakausli yung lower lip niya. Alam niyang hindi siya matitiis ni Maine. Umiling-iling lang si Maine pero patuloy parin si RJ.

20151127 After KSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon