CROTCH !

531 4 0
                                    

Coreen

"IKAW?!" Halos sabay naming sigaw that made me stand in surprise. Biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

Nagpabalik-balik ng tingin sa amin yung mga classmates ko even my professor.

"Mr. Heister! Late again?"

He smirked. "Isn't it obvious? Alam mo nang late itatanong mo pa. Tss. " Arogante niyang sagot kay Miss Ponco.

Aba't talaga nga naman oh! Inirapan pa ako ng mokong na'to! Matapos niya kong muntik nang kotongan tapos iirapan lang ako!

"Maupo ka na." Miss Ponco said to him.

"Of course. Alangan naman na tumayo ako dito maghapon." Sagot pa ni itlog. Ugh! Ang hambog niya!

Kinalma ko ang sarili ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat ng notes nang mapansin kong nakatayo siya sa tapat ko.

"Kailangan mo?" I asked without even looking at him. Itlog na to! Nagpapa-pansin masyado.

Hindi siya sumagot kaya tumingin na ako sa kanya.

Ngumuso siya.

"Huh?" Bakit siya ngumunguso? Gusto niya ko i-kiss?

"Yung upuan." Aaahhh— Gusto niyang i-kiss yung upuan?!

"Oh anong meron sa upuan?" I asked again innocently.

"Akin yan."

"Oh, edi iuwi mo mamaya. Nakita mong nagsusulat yung tao—"

"Will you just please stand up and find another seat?! Upuan ko kasi yan kung hindi mo naitatanong!" He said in a loud tone kaya naman napatingin sa amin lahat.

"U-uhm. Coreen, dito ka na lang sa upuan ko. Lilipat na lang ako sa kabila." Yan-yan offered me his seat at pumunta sa kabilang side.

"Ah s-salamat." I thanked Yan-yan.

Hmp! Buti pa to kahit suplado mabait naman! Mabango pa! K. Connect.

"Faster!" the bastard shouted.

"Oo na po! Apurado. Kabugin ko lungs mo eh!" Inapuhap ko na mga gamit ko.

"What?!" him again.

"Wala eto na po! Tss. Gwapo nga bingi naman." Umupo na ako sa kabilang seat.

And Thank Almighty God at natapos na din ang discussion. Feeling ko mauupos na ko dito sa sobrang sama ng tingin sa akin ni Riyu.

Agad na akong lumabas ng room.

*poke*

*poke*

Nilingon ko yung sumusundot sa braso ko.

"Hi." Cher smiled. "Would you mind if I'll ask you to join me on lunch? Para na din may kasama ka." She smiled cutely. Sher ang pronounciation ng name niya.

"Ah. Oo naman! Saka diko pa gaanong kabisado 'tong school. Baka maligaw ako." I giggled.

"Thanks huh!" Siniko pa niya ako na para bang close kami.

Naglalakad na kami ngayon sa corridor. Madaming estudyante dahil lunch break na.

May nakikita pa akong grupo ng mga lalaking nagyoyosi sa isang sulok. Then there's two— I think couples na naghahalikan. EW! Wala ba silang privacy? Kadiri kasi.

K. Nagmamalinis nanaman ako. Haha!

"Malayo pa ba ang canteen?" I asked Cher. Kanina pa kasi kami lakad nang lakad eh.

Perverted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon