Chapter 14

46 2 0
                                    

Jane's POV

Kasalukuyan akong nasa mahabang pasilyo ng palasyo. Sunday ngayon at bukas ay back to school na. Wala naman daw kasi pasok last week.

" Kim, alis na tayo dito please" at kasalukuyan akong nangungubinsi sa aking pinakamamahal na butler na umalis na dito sa palasyo.

Gusto ko nang mag-aral.
Ayoko kasing masasayang ang oras ko dito sa palasyo eh wala naman akong mapapala dito.

" No " arrggh nakakainis!

" Bakit ba kasi?! " Inis kung tanong sa kanya.

" Basta. "

" Tsk. Bahala ka nga.. Ako nalang mag-isa ang aalis total alam ko naman ang daan patungo sa condo "

He just smirk

" Sa tingin mo ba papayagan kita, at sa tingin mo ba papayagan ka ng mga kawal dito sa palasyo na umalis ka?"

" At sa tingin mo ba mapipigilan mo ako? At sa tingin mo ba doon ako lalabas sa main gate? "

Tumaas ang isang kilay niya at nawala ang ngisi niya.

" Pwes ngayon hindi ka talaga makakaalis. "

" Tsk. Ano ba kasi ang dahilan kung bakit pa tayo nandito, nasasayang ang oras ko kapag andito ako kasi wala akong ginagawa. Every week-end kasi nagaadvance-study ako. At dapat ay sa oras ngayon ay marami na akong natapos at napag-aralan. " mahabang sabi ko kaya napatigil sya.

" Look, I'm sorry okay. " sincere niyang sabi at deretsong tumingin sa mata ko.

" Sorry is not enough Kim. Sabihin mo kasi kung anong dahilan kung bakit hindi pa tayo umaalis dito? "

" Gusto mo ba talaga malaman kung bakit? "

Marahan akong tumango .



Sid's POV

Wala dito ang hari sa palasyo dahil may inaasikaso sya.

Mahigpit niyang pinagbilin sa akin na huwag pababayaan ang kanyang mga anak lalo na kay Prinsesa Alexandra.

"....everyweek-end kasi nagaadvance-study ako. At dapat ay sa oras ngayon ay marami na akong natapos at napag-aralan. " it's Princess Alexandra

Wala talaga syang pinagkaiba kay Haring Mel.

Pareho silang matatalino at matyaga sa pag-aaral naalala ko sya noong highschool pa kami.

Ako, si Haring Mel at Haring Lenard.

Flashback..

" Mel pumayag kana kasi. Minsan lang naman 'to eh" pangungulit ni Lenard

" You know the answer Lenard. It's just wasting my time. Mas mabuti pang nagaadvance-study ako keysa jan sa panliligaw mo kay Theasa eh alam mo namang strikto ang mga magulang nya. Diba Sid? " mahabang linya ni Mel. Sabay tingin sa akin

Tama naman sya

" It's true. " maikling sagot ko kay Mel. Hindi kasi ako mahilig magsasalita nang mahabang storya.

Ganun naman rin si Mel pero minsan lang kapag kinakailangan talaga, katulad lang kanina.

" Ugghh dyan na nga kayo. " sabi ni Lenard at unang lumukad sa aming dalawa ni Mel.

" Ikaw Bahala. " si Mel.

End of flashback..

Namana talaga ng Prinsesa ang paglilibang sa pag-aaral galing kay Haring Mel.

 Her true IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon