Chapter 1 : The Prom

19 3 0
                                    

"Halika na bezzy!!!! Malapit na magstart yung meeting." Hinila ni Jazzy ang mga kamay ni Jasmine patungo sa Social Hall.

"Teka lang bezzy! Tinatamad ako pumunta eh.", sagot ni Jasmine.

"Bakit naman? Masaya 'to! Ang Prom night ang isa sa mga memorable events natin as high school students. Dapat nga ma-excite ka eh.. ako excited na! hahaha.", sabay palo sa braso ng bestfriend nya at nagpatuloy na silang maglakad bago pa sila mahuli sa meeting.

Pagdating nila sa Hall, halos lahat ng Senior Students ay naroon na. Silang mag-bestfriend nalang ang kulang sa kanilang magkakaklase.

"O buti naman nandito na kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap.", wika ni Gail na kaibigan nila.

"Pasensya naman. Pinilit ko pa kasi itong isa. Alam nyo naman.", ngumingising depensa ni Jazzy.

"Good Morning Seniors!", masiglang pagbati ni Ms. Cruz na kanilang guro sa pagdating nya.

"Good Morning Ma'am!", pagbati rin sa kanya ng mga estudyante.

"Alam nyo naman kung patungkol saan itong meeting na 'to di ba? So mukhang excited na ang lahat e.", bungad ni Ms. Cruz.

"Hindi naman lahat.", bulong ni Jasmine sa sarili.

"Jasmine, may sinasabi ka?", tanong ng guro sapagkat napansin nya ito na bumuka ang bibig at parang may sinasabi.

"Ai Ma'am masaya lang daw po sya.", pagdepensang sagot ni Jazzy. Tumingin sya kay Jasmine na parang sinasabing wag na sya kontrahin sa sinabi nya sa kanilang guro.

Nagpatuloy naman sa pagpapaliwanag ng mga agenda si Ms. Cruz.

"So, simulan nyo nang maghanap ng mga gowns para sa inyo mga ladies. At kayo namang gentlemen, americana pwede pa. Maraming transformations ang magaganap sa gabing yun dahil for sure magpapabonggahan nyan ang bawat Senior. By the way, may pageant din na magaganap. Yung mga interested, lumapit lang sa akin para makapag-fill-out ng form. Bukas na start ng practice. Para naman may maipambato din ang section natin.", panghihikayat ng kanilang guro.

"Kung may mga questions pa kayo, wag kayo mahiyang puntahan ako sa table ko. See you guys wearing your gorgeous gowns and americanas on February 19 night. I assure you mag-eenjoy kayo",pagtatapos ni Ms. Cruz sa meeting.

Dali-daling dumiretso sa canteen sina Jasmine at Jazzy kasama ang iba pang mga estudyante. Matapos ang meeting ay nagsimula na ang usapa-usapan ng mga seniors tungkol sa darating na Prom. Lahat ay nagpaplano na kung anong design ng damit ang kanilang isusuot. Makikita sa mukha ng bawat isa ang excitement at halatang tuwang-tuwa sila sa magaganap sa gabing iyon.

Sa kabilang banda naman, kabaligtaran naman kay Jasmine ang nagyayari. Siya kasi yung tipo ng babae na walang social life. Not literally, medyo lang. Hindi siya yung tipo na party girl kaya naman parang walang bakas na excitement na makikita sa mukha niya.


**


"Good morning bezzy! may isusuot ka na ba para sa prom?", masayang tanong ni Jazzy sa bestfriend niya.

"Wala pa eh.", sagot ni Jasmine.

"Hala bakit?? Sa friday na yun. Dapat nakapili ka na ng gown. Yung sapatos mo pa. Gusto mo samin ka nalang mag-ayos para ako nalang magmake-up sayo. Siguradong maamaze ang mga guys sa gabing yun.", nagagalak na sambit nito sa kanya.

"Ano ka ba. mabilis lang yun noh. Saka hindi ko naman kailangang mag-ayos ng sobra para maging maganda sa gabing yun. Aattend lang ako para maexperience lang. Para kapag nagkwentuhan kayo, hindi naman ako ma-OP.", seryosong sagot niya.

Her Bestfriend's Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon