Balance

36 1 4
                                    

Don't stay too focused in one certain object. As much as possible, maintain balance in everything.

Sabi nga nila, may mathematical equation ang buhay.

Sleep + Social life = Bad grades
Sleep + Good grades = No social life
Social life + Good grades = No sleep

Ridiculous, isn't it? But somewhat true. Somewhat not. Depends on the person. Depends on how you handle the situation.

Kung magtatanim ka ng dalawang klaseng halaman, sabihin nating rosas at gumamela. Goal mong patubuin ito. Didiligan, pasisikatan ng araw at kung trip mo, kakausapin.

Ngunit, sa pagpapatubo mo, ang rosas lamang ang binigyan mo ng pansin, pagtatiyaga at effort. Kaya ayun. Ang kawawang gumamela ay nalanta, nawalan ng kulay at ganda.

Kaya nga, balance dapat.

Kung puro trabaho o pag-aaral ka lang, sobrang focused at tila dun na umiikot mundo mo, eh dapat hinay hinay lang.

Kumbaga sa kape, tamang timpla lang. 'Wag mong pasobrahan ng asukal, baka ma diabetes ka sa tamis. 'Wag mo ding kulangan sa asukal. Tatabang at mawawalan ng lasa.

Sobrang relate ako neto eh. Nung Grade 9 pa 'ko, may surprise quiz kami nun. Kaya kami ng mga kaklase ko, grabe 'yung taranta namin. Scan dito, scan doon. Ngunit, huli na. Beastmode na si Ma'am. Nag test one, number two na siya kahit 'di pa kami nakakuha ng papel.

Kaya ang resulta, muntik ng ma botlog. Zero.

Dun nagbigay ng words of wisdom si Ma'am namin na hinding hindi ko makakalimutan.

Sabi niya, para daw kaming mga kabayo. Nakadepende lang yung mga kilos namin sa nagko-kontrol nito. Dapat daw, hindi namin tularan ito. Kasi, 'yung kabayo raw may takip siya sa may gilid ng mata nito para raw straight lang 'yung nakikita niya.

Kung wala ang nagko-kontrol nito, madalas ito ay naliligaw. Napapariwala. Nakadepende.

Sometimes, we should remove that mask off. Then, explore. Magtingin-tingin sa mga bagay-bagay.

Don't let yourself stuck on the same page. You wouldn't learn new things if you won't mind to go in the next chapter.

Don't let yourself stuck in the same place. Go to a little corner. Who wouldn't know? Something awaits you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Advices KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon