Chapter 4

11 0 0
                                    

Trisha's  P.O.V


Parang gusto kong umiyak, habang nakatayo sa tapat ng pinto ng classroom ko.

" ano ba trish.! pasok na kasi ! late na ako sa first subject ko oh! "

kumakamot sya habang pilit akong tinutulak papasok sa room.

" teka lang kasi ! san ka ba? "

" doon ako sa kabilang building. ! sa engineering department. maglalakad pa ako papunta don. kaya pumasok ka na! "

napanguso na lang ako ng hilahin nya ako papasok at iniupo sa unahang hanay ng upuan.

" para kang pre school na ngayon lang mag aaral..! sige na! dyan kna..! "

ginulo nya ang buhok ko at tumakbo na palabas ng classroom.
nasundan ko na lang sya ng tingin.

ilang sandali lang marami nang nag sipasukan na mga studyante at ang professor.

okey naman pala.. mababait nman mga classmate ko. inisa isa kanina na magpakilala. at tama nga ako. puro mga anak mayaman ang mga estudyante sa university na to.

" hi miss..! "

napatingin ako sa babaeng katabi ko. maganda sya at may pag ka tsinita.

" hi.."

" I'm samantha.." inilahad nito ang palad kaya naman nakangiting tinanggap ko yun.

" I'm trisha"

ngumiti sya. " kanina pa ako dito sa room bago ka dumating. dun lang ako kanina sa likod. and it seems that your nervous on your first day here! kailangan ka pang hilahin nung guy na kasama mo.." 

napangiwi ako. kasi naman..ganun talaga ugali ko kapag first day sa school.

" by the way, boyfriend mo ba yung guy na kasama mo kanina? "

di ko maiwasang mapangiti. simula ata nung tumuntong  kami ni miguel sa edad ns  15, lagi na kaming napagkakamalan na mag boyfriend ng mga di nakakakilala sa min. sanay na kami dun. basta para samin ni miguel.. walang malisya dun. were bestfriends.

" ah.. no! bestfriend ko yun..! "


namilog ang mga mata ni samantha sa narinig.

" really.? ang pogi nang bestfriend mo ha?  buti hindi ka naiinlove dun..! "

" hindi ah ! bestfriends lang talaga kami mula pagkabata! "

tumango tango sya.

" okay.. if you say so.! "

natahimik na kami pareho ng mag simula nang mag lecture ang prof namin.

mahaba habang oras din ang lumipas at sa wakas! lunch time na rin.

pagkalabas ng classroom agad kong tinext si miguel .

' out naqoh. san kna? '

" dito na po maam ! "


napalingon ako sa likod at awtomatikong napangiti ng makita ko sya.

" miguelitoo!! "

" haaay ! tsk ! "

natawa ako ng sumimangot sya kaya iniangkla ko na ang mga braso ko sa kanya at hinila papunta sa cafeteria.

naupo ako sa pandalawahang mesa doon at hinitay ko syang mag order ng pagkain. alam na naman na nya mga paborito ko eh.

" so.. how's your day? "

tanong nya agad sakin pagkalapag ng mga pagkain sa mesa.

" okay naman.! mabait naman yung mga classmates ko. tsaka may kakilala na ako. si samantha"

" samantha? maganda ba? pakilala mo naman ako. "

binatukan ko sya" heh! umiral na naman yang pagka chickboy mo! eh ikaw? musta klase mo? "

" its okay..! dami kong classmates na chicks ! ang gaganda! "

napasimangot ako. " mas magaganda pa sakin? "

" oo naman ! sos! walang wala ka sa mga yun noh! "

at yun.. ni wrestling ko po sya. wala kaming pakialam kung nasa harap kami ng pagkain. or madaming estudyante ang nakatingin, basta sinabunutan ko sya nang sinabunutan. tawa lang sya ng tawa habang pilit nilalayo ang ulo.

" a-aray ! trisha masakit ! "

" ah.. masakit? ha? masakit? "

piningot ko pa ang teynga nya para maibsan ang inis ko.

" hahaha..! oo na! mas maganda ka na sa mga yun! bitaw na! "

naiinis pa rin na binitawan ko sya. ngiting ngiti pa ang kumag kaya inirapan ko lang sya.

" kain na! "

tinulak ko paatras ang pagkain.
" ayoko! nawalan na ako ng gana! "

" waah! haha.. nagtampo ang bata! "


" tse ! lumayo ka sakin! pangit mo! "

tumawa lang sya " sos! mag papasubo lang yan..! oo na! ikaw na pinakamaganda sa lahat ng babae dito sa campus. sige na.. kain na! "

ng hindi parin ako kumilos ay nakangiting kumuha sya ng pagkain at iniumang sakin ang kutsara.

" oh ayan na! say ahhh! pretty please..! "

napangiti na lang ako at napapailing na ibinuka ang bibig. hanggang matapos ang lunch namin na sinusubuan nya parin ako. wala akong pakialam sa iba.. ganyan po ako ka spoiled sa bestfriend ko.

lahat ng gusto ko sinusunod nyan..! yun nga lang.. pag magsimula na yan mang asar, talo talaga ako. madalas pa akong umiyak sa pang aasar nyan. pero once na makita na nya akong umiiyak todo suyo na yan. at pagkatapos ganun ulit ang gagawin.


haaaay ! hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala sakin ang bestfriend ko.


















----------------------------------------------------------



Namilog ang mga mata ko pagkarinig sa sinabi ng mga sinabi ng classmates ko.

" w-what? ako ang gagawin nyong muse?"

" yes trisha..! ikaw naman talaga pinakamaganda dito sa class natin eh..ikaw nga binoto ng mga boys"

naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi nila.  na late kasi ako kanina sa klase dahil sa bagal kumain ni miguel. kaya pag pasok ko, ito na sumalubong sakin.

" grabe naman kayo! hindi ah ! "


nagkatawanan sila. " sos ! wag ka na pa humble. "


napailing na lang ako at naupo sa chair ko.

" nga pala.. escort mo si jhon paul dreamer. "

napaangat ang tingin ko sa kanila.

" sino yun? "

" classmates din natin sya. kaya lang di sya umattend ngayon kasi nag practise sila sa gym. team captain kasi sya ng basketball. anak din sya ng may ari ng school na to. matalino yun..! sikat pa sya sa school na to! "

napatango ako. ang galing naman.  matalino na sya, team captain at anak pa sya ng may ari ng school. all in one. sana nga lang gwapo sya. pero sabagay.. hindi naman siguro yun kukuning escort ng muse kung hindi gwapo di ba?

ano ba yan! dami kong iniisip! pakialam ko ba sa kanila. ipinilig ko ang ulo at nag concentrate na lang sa pakikinig sa prof. namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon