Chapter 3

8 0 0
                                    

A/N : ito na guy's lagyan ko nlang ng P.OV ang mga bida. para ma feel din natin yung totoong feelings nila.
continue reading guy's.. thank you..

------------------------------------------------------------------



Trisha's  P.O.V




" krrrriiiiiiiiiiingggggg..!!!!! "

Awtomatikong napamulat ako ng mata ng marinig ang malakas na tunog ng alarm clock.

oh my gosh ! 5: 30 na !!

nag mamadali akong bumangon at agad na hinagilap ang pink na megaphone  sabay takbo sa bintana ng kwarto ko.

hinawi ko ang kurtina ko at sabay sigaw ng

" migueeeeeeeeel !!!!! migueeeeeelitooooo !!!!! gising na!!! 5:30 na !!!! "

and 1 ..... 2.....3

napangiti ako ng humawi sa bintanang kaharap ko ang kurtina at dumungaw doon ang pupungas pungas na mukha ng bestfriend ko.

" ano ba trish !! kailangan ba talaga naka megaphone ? lapit lang ng bintana mo sa bintana ko eh..! "

inirapan ko sya. " naku ! para nmang babangon ka pag hindi kita ginamitan nito..! sige na!! maligo ka na ! baka ma late tayo..! "

' oo na ! excited lang..! sige na.! "

nakangiting isinarado ko ang bintana at pumasok ko sa banyo.

wait.. mag papakilala muna ako.

ako nga pala si Trisha Mae Alcantara  16 years old. at yung pangit kanina sa bintana na kausap ko ay ang bestfriend ko.  si James Miguel Crawford. 17 na sya kasi una birthday nya sakin eh. magkatabi lang bahay namin at sakto pang mag katapat lang ng bintana kaya ako nang ginagawang alarm clock nya. sama nya noh? pero love na love ko yun.  hehe..

hindi na ako masyado mag papakilala..siguro nman kilala nyo na ako sa chapter 1.

nga pala.. first day namin ngayon ni miguel as first year college sa Dream University. doon namin napiling mag aral dahil maganda daw yun tsaka sikat daw yun .

at shssh.. wag kayong maingay kay miguel ha.  marami daw kasi gwapo dun .  ^_^
kaya naman sobrang excited ako.

ilang minuto lang ay bihis na bihis na ako. agad akong bumaba ng hagdan dala dala ang bag ko.

" honey.. breakfast na.! "

nakita ko si mommy sa garden na nagdidilig ng halaman.

" uh mom.. kina miguel na lang po kakain..! para di kami ma late. bye mommy..! "

" okay.. take care! good luck sa first day nyo ni james. "

" yeah mom.. thanks ! "

hinalikan ko na sya sa pisngi at tumakbo papunta sa gate. diritso sa bahay nila miguel.

" miguelito..! "


napahinto ako ng maabutan ko silang kumakain ni tita ellaine sa hapag.

" hi tita..! "

" oh hi trish..! join us here..! "

wala ng hiya hiya. agad akong naupo sa harap ng lamesa para kumain. sanay na ako. mula pagkabata.. lagi na akong kasalo dito kumain. ganun din naman si miguel sa bahay.

" andito kna nman para bilangin ang subo ko! "

inirapan ko si miguel. " kung hindi ko gagawin to, ma le late tayo! para ka pa namang pagong kumain. "

totoo yun. ewan ko dito sa lalaking to. simula pagkabata., pahirapan nang pakainin. dinedede muna kasi ang kanin bago nguyain. kahit ngayon na malaki na ganun parin. naging habit narin ata nya ang ganun.

" masyado kang excited! ang aga pa nga eh..! nasa atin na man na schedule kaya di na tayo mahihirapan. "

napanguso ako pagkarinig sa schedule. kainis! sa isang subject lang kmi mag ka klase ni miguel. sa iba.. wala na.  sanay kasi ako nung elementary at highschool na ka klase ko sya sa lahat. at katabi ko pa sya sa upuan. ngayon  hindi na. Engineering kasi kinuha nya. samantalang ako business ad.



after kumain.. sabay na kming sumakay sa kotse nila. hindi pa kasi pinapayagan mag maneho ng kotse si miguel hanggat di sya nag e eighten kaya naman may driver parin na nag hahatid sundo sa kanya. ako naman sinasabay nya lang.

habsng nasa byahe kmi.. di ko maiwasang isipin ang mga mangyayari samin ngayong college na kami.

" miguel..kinakabahan ako! "

napatingin sya sakin. " bakit ka naman kakabahan? "


" kasi.. hindi ko alam kung ano ugali ng mga student dun. baka mga suplada at suplado! "

" sos ! mas suplada ka pa nga ata sa mga yun eh! "

sinamaan ko sya ng tingin
" miguel naman eh..! "

natatawang inakbayan nya ako.
" dont worry.. andito naman ako eh!  magkasama tayo.! hindi man tayo mag ka klase babantayan parin kita dun.!"

napangiti ako sa sinabi nya. " talaga? "


" oo..! basta wag na wag mo akong tatawagin ng miguelito dun ha? "

" eh kung ayoko? "



" eh di ako mismo bubugbog sayo dun sa school. di rin kita papansinin! kunyari di kita kilala! "

" ah ganon..! "

agad kong inangat ang kamay ko papunta sa ilong nya sabay pisil dun ng mahigpit na mahigpit.

" araaaaaay ! bitiiiw na..! "

mga 15 seconds bago ko sya binitawan. napahalakhak nalang ako ng makitang pulang pula yun habang kinukusot nya.

" ang sama mong babae ka! wala kang kwentang bestfriend ! lagi mo nalang akong sinasaktan ! "

" asus ! nagdrama na si miguelito ! haha..! "

sinamaan nya ako ng tingin na tinawanan ko lang. ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang miguelito. pang magsasaka lang daw ang name na yun.  haha..dami nyang alàm sa buhay. 

mas lalo syang naiinis pag pinipisil ko ang ilong nya. pero wala naman syang nagagawa kundi hayaan ako once na pinanggigilan ko na yun.

bukod kasi sa blueish nyang mga mata, ang ilong nya ang pinaka paborito ko sa part ng mukha nya. sobrang tangos kasi nun at mamula mula pa.  kaya naging habit ko na yun kapag natutuwa, naiinis o nababanas ako sa kanya.

kulitan lang kami ng kulitan sa sasakyan habang nasa byahe. ganyan kami ni miguel pag mag kasama. walang boring moments samin.

maya maya'y naramdaman namin ang pag hinto ng kotse.

" sir james, maam trisha.. andito na tayo! "


" sige ho kuya ben.. thank you! "

sanay na kaming bumaba ng kotse. agad kong hinagilap ang palad ni miguel at pinagsalikop sa palad ko ng makita ang mataas na gate ng university.

this is it ! kaya mo yan trisha! kasama mo naman ang bestfriend mo. "

agad kong naramdaman ang pag akbay ng mga braso nya sa balikat ko.

" lets go..? "

tumitig muna ako sa mga mata nya at napabuntong hininga. sabay tango.


" lets go.."

magkaakbay kaming pumasok sa maluwang na solar ng skwelahan.

Bestfriends InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon