Chapter 9: The Bestfriend

278 26 5
                                    

Chapter 9: The Bestfriend

Dedicated kay ugly_truth. Alam mo yung salitang magpakilala? Sana naman, matutunan mong gawin yun. Magpakilala ka na kasi kung sino ka man!

Jarvis Xydric Kang (Kang Jae Bum) on the multimedia

-:-:-:-:-:-

Point Of View: Chea

Nandito kami sa tabi ng cliff para magdrama ung dalawa este-- kaming tatlo. Okay na sana ung acting ko ehh, kaso nga lang biglang tumawag si mama.

"Bakit, ma?" Tanong ko.

["Bakit agad? Wala man lang 'hi'?"] Sabi niya.

"Edi hi! Happy?" Sabi ko.

["Ay! Hi agad? Wala man lan-- AKO NA NGA! Hello!? Chea, punta ka daw sa resturant ng Tita Thea mo. Pupunta rin kami d-- ETO NAMAN! Chea? Hello? Punta ka raw kay Tita Thea mo! Bye-bye!"] Sabi niya at ni papa! Ay! Ulit-ulit!? Naka-unli ata sila mama. Postpaid ako ehh. Hahaha!

"Sige, ma. Bye! I love you!" Sabi ko.

["I love you lang? Walang two, three, fo-- TUMIGIL KA NGA MUNA! WAG KANG MAINGAY!-- BUSET KA! GUSTO MO SAPAK, HAH!?-- Hehehe. Peace, beyb.-- Asus! Sige na! Bye, Chea. I love you! Naraid kasi ung COC niyan kaya mainit ung ulo ng padrakels mo! Kahaggard sa face!"] Sabi ni mama. Hayyys...

Napatingin ako kay Hyacinth.

"Uy! Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya habang nagwewave ng kamay sa mukha niya.

"Tae ka naman ohh! Ang pangit niyo kasi." Sabi niya. Sa ganda kong toh!?

"Ha-ha. Line ko yan ehh. -___-" Sabi naman ni Shana. Oo nga! Nabanggit niya na yan. Edited na nga lang yung kay Hyacinth. Pumasok na si Shana sa kotse. ::>_<:: Iniwan ako!

"Sa tingin niyo, kinasal na kaya si Zham?" Tanong ni Hyacinth habang nakatingin kay Shana na pumasok na ng kotse at tumingin sa city lights. Ay! Galit pala si Shana sa city lights.

Ngumiti ako kay Hyacinth. "Well, hindi naman kasama ni Zham si Bella kaya there is a high possibility na hindi. Tara na? Bad mood na si Shana simula nung nagbukas yung city lights ehh. Tsaka nagtext si mama, sa restaurant na daw nila Tita Thea tayo pumunta." Wow! Haba ng speech ko! Tumayo na ako at pumunta na sa kotse.

Pumunta na kami ng kotse at ako na ang nagdrive kasi parang nageemote pa sila! Hahahahaha!!!

"Bakit daw tayo pupunta dun kila Tita Thea?" Tanong ni hulog-- I mean, ni Hyacinth.

"Tanong mo sa pagong." Sabi naman nitong si Shana Shan Shan.

"Nasan? May pagong?" Tanong ko sa kanila.

"Ewan! Magdrive ka nalang!" Sabay na sabi nila. Sabayang pagbigkas lang ang peg?

Ehhh? Totoo naman diba? Pano magtatanong sa pagong? Alien ba sila katulad nila papa? Tyaka nasan kaya ung pagong?!

Pero change topic! Mukha na akong tanga ehh!

Binilisan ko papunta kila Tita Thea kasi baka may update siya tungkol kay Jarvis.

Jarvis Xydric Kang aslo know as Kang Jae Bum in korea is my bestfriend. Well, kaming tatlo- I mean, pero ako ang pinaka close sakanya. Si Hyacinth kasi masyadong busy sa mga libro niya eh. Romance ata. Hahahaha! *insert bitter smile* Hahaha! Syempre ako ay bitter! Si Shana naman, laging busy sila ni Ate Cathy patootie. Kung anu-anung burloloy ang nilalagay! Hahahaha! Lagi silang naglalaro ng Fashion Show. As in kadiri kaya! Pero cute yan! Dati. Hahaha! Tapos kung ano-ano pa! Kaya ako? Most of the time kong kasama si Jarvis...

The Playgirls' GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon