Same University

68 2 0
                                    

Kathryn's POV

Ilang buwan na din ang lumipas simula maging member si Kuya Lester sa Parking Five at di tulad dati ay mas lalo na siyang naging busy at nawalan na talaga ng time samin dahil sa dami ng ginagawa nilang gigs , endorsements and photoshoots para sa lalong pag ganda ng career nila pero kahit nakakatampo si Kuya Les ay masaya padin ako dahil kahit nawalan siya ng time samin ay merong isang tao naman ang nagpapahalaga sakin at nagpapakilig

Kasalukuyan akong naglalakad sa village namin ng may biglang tumawag sakin

"Kath!!!!!!"

"Ay Gwapo si DJ" me

Si DJ lang pala yung tumawag sakin tsss..

"Sus nasa harap mo nako ako padin ang panaginip mo "Dj

at sa ilang buwan na busy busyhan ang kuya namin ay mas lalo ko pang naging close tong unggoy na ito (Poging Unggoy :) )

Actually nagkakatxt na nga kami niyan ni Dj syempre naman ano pang silbi ng pagsali ni Kuya Lester sa Parking Five kung hindi ko naman makukuha si DJ *evil laugh*

"Ang kapal ng mukha mo Daniel" sabi ko sa kanya sabay irap syempre kailagan magpabebe muna

"Eto naman tara sabay ka na sakin" sabi niya at binuksan ang pinto ng Lamborgini niya

"Bakit saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya

"Sa ABS on the way din naman yun sa school mo"

"Teka paano-?" di ko na natapos ang sasabihin ko

"Pumasok ka na tama na ang tanong"

At pumasok na ko sa sasakyan ni Daniel.

Actually nasa Third year college na kami at kumukuha kaming apat ng Business Administration pero sadyang mga isip bata lang talaga kami.

Pagkarating ko sa school ay dumerecho lang ako sa upuan ko at tumabi na ko sa dalawa na nanakita ko na nagkukuwentuhan si Jules at Cams

"Hi mga shungs.GoodMorning di niyo ko hinintay" bati ko sa kanila

"Shungs ka din akala mo kagandahan tsee" sabi naman sakin ni Julia

"Walang Good sa Morning dahil nakita ko na yang mukha mo" sabi naman sakin ni Cams

"Ewan ko sa inyo mga shungs kayo"

(Shungs/Shunga:Endearment nila diba ang sweet haha )

At dumating na ang prof namin na si Ms.Cursa at may mahalaga siyang iaanounce

"Good Morning class.Alam naman natin na ang section niyo sa buong third year ng B.A ang disiplinado naman ata maliban sa tatlong shungs" sabi ni Ms.Cursa

"Grabe ka Mam Pasintabi ka naman di kami na orient" sabi ni Cams at nagtawanan kaming lahat

"Oo kayong tatlo at buti nalang nahiwalay ng course ang Kuya niyo isa pa naman yung kulang kulang" sabi ni Mam na tinutukoy niya ay si Kuya Les paano ba naman na hindi magiging kulang kulang ang bday naman kasi talaga nun ay minsan lang sa kalendaryo

"Mam Mag Excuse ka naman Pebrero din po ako kung nakakahiya man" sabi ni Cams ulit at nagtawanan nanaman kaming lahat

"Ikaw na kaya dito Ms.Montemayor nakakahiya moment ata to"

"Sige na Mam tuloy mo na because your face sounds familiar" at nagtawanan nanaman kami paano kamuka kasi ni Melai Cantiveros si Mam

"Ehem Magsasalita na ko Montemayor Ha"paalam ni Mam kay Cams at nag ok sign nalang si Cams

"Well Disiplinado naman kayo ay may good news ako dito para sa mga fangirl dito ng Parking Five"

At nagtilian ang magagaling kong classmate

"Kyahhh Danielllllleeeee"

"Manahimik ka kay Kath lang si Daniel" sabi ni Julia sabay subo ng papel sa bibig ng classmate namin

"Seth Gothico akin ka"

"Katsumi Uwi ka na di nako galit" sabi ni Karla isa sa mga classmate namin na kaagaw ni Cams kay Kats

"Di daw siya uuwi sayo di daw kayo close" sabat naman ni Cams

"Class okay na dahil same course kayo sa kanila well tatlo lang naman sa kanila ang magiging classmate niyo" sbi ni Mam

At ano daw ????

Classmate

At hindi lang naman ako ang nagulat dahil halos lahat samin ay natulala at biglang binasag ni Ena ang katahimikan sa room

"Mam sino pong tatlo yun?"

"Well alam naman natin na hindi si Les yun" sabi ni Mam pero umepal si Jules

"Mam sabihin mo na please sawa na halos lahat ng tao dito kay Les " haha oo nga naman paano ba naman suki kasi ng singing contest din yan si Kuya Les

"Sige na eto na ang dadaldal niyo sila ay Si Mr.Seth Gothico"

"Bwiset" bulong ni Julia

"Mr.Katsumi Kabe"

"Kyahhh Matutupad na ang Seducing Mr.Kabe ko " sigaw naman ni Cams

"And of course Mr.Daniel John Padilla"

Dubdub

Dubdub

Dubdub

Wait ano daw ??!

Mr.Daniel John Padilla

Loading......

Classmate ko si Daniel?

"Mam totoo po ba yan na dito mag aaral si Daniel Myloves So Sweet baka mamaya pinapaasa mo lang ako mahirap na umasa masyadong masakit " sabi ko kay Mam

"Teka Mam nasan po ba sila?" tanong naman ni Bea sus if I know kilig pempem nanaman to

"Nasa likod niyo" sabi ni Mam

At paglingon namin sa likod ay nakita namin ang tatlong lalaking nakangiti

Si Seth

Katsumi

At

Daniel

Ibig sabihin narinig niya lahat kanina gosh nakakahiya

At lahat kami ay natahimik dahil sa hiya at biglang nagsalita si Daniel at sabi

"Hi Kath " sabay ngiti ng nakakaloko

------

My Favorite Band is Parking 5(Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon