Chapter 1

21.5K 349 8
                                    

AN:

Hey!!! Welcome to the Handsome Jetsetter! Eto na ang first ever chapter nya!

Medyo na-late pero at least nakahabol.. This chap is dedicated to ValjeanRegala...

Advance Happy Birthday, girl!!! Mwah!

Anya's POV

"Pambihira naman! Nandito ka lang pala! Naikot ko na ang buong barangay kakahanap sayo...", sabi ni Madel

"OA mo naman. E palagi naman akong nandito a.", OA talaga ang babaeng yan.. Kesyo nag-ikot kakahanap e alam naman nyang palagi akong nandito sa tabing ilog.

"Ikaw naman... Binibiro ka lang e...", inilapag niya ang dalang picnic basket.

"Ano yan?", takang tanong ko...

"Tanghalian. Masyado mong pinag-aalala si Tatay Isko. Ayan! Pinadalhan ka ng tanghalian. Kung bakit kasi ang lapit lapit ng bahay, hindi man lang umuwi para kumain...", haaaay... Ayan na naman ang mala Nanay na sermon nya..

"Gusto ko kasi munang tapusin to... Malapit na.", tiningnan ni Mabel ang mga ginawa ko... "3 sketches, 2 paintings and this one's for the final touches na lang..."

"Yung totoo, Anya? Natutulog ka pa ba?", natawa ako.

"Oo naman no? Kung hindi, e di sana pinaglalamayan na ako ngayon...", hinampas naman nya ako sa braso. Sa lahat kasi ng ayaw nitong pag-usapan, yun ay ang tungkol sa kamatayan.

"Hay naku... Mamaya mo na nga gawin ulit yan.. Kumain ka na. Baka mabawasan ang ganda mo. Sayang naman...", inilatag na nya ang picnic mat sa patag na lupa at inilagay na ang mga pagkain.

Hmmn... Adobo... Bigla tuloy akong nagutom... At kapag hindi pa ako tumayo ngayon, masisira na ang concentration ko buong araw. Ayokong mangyari yun...

Anya Selin Fontana ang pangalan ko. Hindi talaga ako taga dito sa Baguio. Nagkataon lang na napadpad ako dito 5 years ago dahil sa paghahanap ko ng peace of mind. Akalain mong mahirap pala hanapin yun? hehe...

I am a photographer, a painter and also a pastry chef. Sabi nga ni Mabel, the girl in 3P's... Mayaman ang pamilya namin. Kilala sila sa Maynila at sa alta-sosyedad ng Pilipinas. Pero ni minsan hindi ko pinangarap na mapabilang dun. Mga taong kaibigan ka lang dahil mayaman ka. O kaya dahil sikat ka. Yun ang lugar kung saan mahirap kilalanin ang totoong kaibigan mo.Mas gusto kong makasama ang mga simpleng tao at tumira sa simpleng pamumuhay.

Separated ang parents ko. Nasa America si Mama... Si Papa naman may asawa ng iba. 5 years na mula ng maghiwalay sila. At 5 years na rin akong hindi umuuwi sa bahay namin sa Makati. Dalawang taon na ng huli kong mapuntahan ang bahay namin dun. My dad really got mad at me nung malaman nya na sa Baguio na ako titira. But he wasnt able to stop me. Malaki na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko.

So I decided to live here in Baguio.. Ang saya kaya! Lalo na at tanggap ako ng mga tao dito. Sila Mang Isko lang ang may alam sa totoong estado ko sa buhay. Pero yung mga kapitbahay namin, hindi nila alam. Mabuti na yung ganun. Ayoko kasi makahakot ng atensyon.

I studied photography in Paris same as Fine Arts. At dahil hilig ko rin magluto, nag-aral ako ng pagiging pastry chef. Masaya kasi ang maraming achievement. Lalo na kapag galing sa pinaghirapan ko.

"Sandali lang ha? Tatapusin ko lang to. Final touch na talaga, Mabel.. Then pwede na natin ideliver sa clients...", sabi ko at hinarap ko na ulit ang canvass. Dito ako sa gilid ng ilog nagtatrabaho ng madalas. Mas gusto ko kasi ang tahimik. Well, i have my own studio. Kaya lang medyo maingay din doon.

"Oo na.. Hihintayin na kita. Ayokong mapalo ni Tatay no?", natawa ako. Hindi naman kasi totoong namamalo yun. Sermon lang...

Matapos ang 30 minutes, natapos ko na ang painting. Ilang araw ko rin sya pinagpuyatan but then, masaya naman ako sa nagiging outcome...

Sabay na kaming naglakad ni Mabel pauwi. Si Tatay Isko ang kapitan sa lugar na yun. Sya ang isa sa pinakamaykaya sa mga nakatira sa barangay. May malaking bahay at maayos na pamumuhay. Pero mabuting tao sila at itinuring nila akong anak. Si Mabel naman ang bunso nyang anak na babae.

Dumiretso kami sa studio na nasa kabilang kanto lang ang layo. Malaki ang pwesto ko doon. Ginawa ko syang parang malaking living room para sa homey feeling ng mga costumer.

"Ay, may nakalimutan pala akong ibigay sayo, Anya.. Sandali lang ha?", sabi ni Mabel at mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ng opisina ko... Maya-maya ay bumalik na sya ay may ibinigay na puting sobre.

"Ano to? Bill?", natawa sya at tumabi sakin habang binubuksan ko ang envelope.

"Hindi ba sya nagsasawang gawin to? O hindi lang sya makaintindi ng salitang 'ayoko'?", sabi ko ng makita ko ang laman ng sobre...

Love letter. I know it's a bit 'baduy'... Haaay.. Ilang taon nya na ginagawa to e... Mula siguro ng dumating ako sa Baguio, nagsimula na sya manligaw. Mas malala nga noon kasi pumupunta pa talaga sa bahay gabi gabi. Masugid na manliligaw, kumbaga... Mabait si Klein. May kaya din ang pamilya nya dito sa Baguio. May negosyo sila. Kaso hindi ko sya gusto. Sinabi ko sa kanya na hindi naman nya kailangan pumunta sa bahay. Ok na yung friendship namin. Pero hindi daw sya titigil.. E di wag! Kaya ayun, hanggang ngayon, puro sulat ang binibigay na sa tagal na nya ginagawa, alam ko na ang laman.

"Malakas lang ang fighting spirit, Anya. Bakit naman kasi ang ganda ganda mo?", sabi ni Mabel at humilata sa couch.

"Kasalanan ko ba?", natawa naman sya.. "Ang kulit nya e. Baka mamaya ako pa ang sisihin nyan kapag naging matandang binata sya..."

"Aba! Hindi pwede mangyari yun no?", napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi ako ang sasalo sa kanya.. hehehe.. Bakit kasi hindi nya pinapansin ang ganda ko? Bagay din naman kami a..", puro kalokohan talaga tong si Mabel.. "Kapag hindi nya pa ako niligawan sa loob ng dalawang buwan, ako na ang gagawa nun sa kanya..."

"Sige.. Lakasan mo pa ang boses mo para marinig ka ni tatay Isko. Pag nagkataon, mapapalo ka talaga nun..", natawa naman ito at bumangon sa couch.

"Pero Anya, bakit nga ba hindi ka pa mag-boyfriend? Kapag nangyari yun, titigil na si Klein at sakin na sya mapupunta..."

"Hahaha! Ewan ko sayo! Pero hindi pa dumadating si Mr. Soulmate e. Natraffic yata..."

Hindi naman sa pihikan ako. Gusto ko lang naman kasi sundin ang tibok ng puso ko. Kung kanino ito magwawala ng todo, ibig sabihin, sya na si Mr. Soulmate. Actually, nangyari na sya dati e.. 2 years ago... Kaso hambog sya! Mayabang! Walang modo! Hindi marunong rumespeto! Kaya nga nagtataka ako kung bakit kumabog yung dibdib ko ng makita ko sya. Pero in fairness, gwapo! hehehe

The Handsome Jet-setter (To Be Published SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon