"Ang sakit sakit! " sigaw ko sa kawalan na para bang sa paraan na iyo'y mababawasan ang sakit na aking pasan-pasanYinakap ko ang aking mga tuhod at humagulgol sa pag-iyak
Ganito ba ang sinasabi nila? Iyong feeling na may napakalalim kang sugat pero matagal ang proseso ng paghilom nito? Iyong gusto mo na lang iiyak at isigaw lahat ng hinanakit? At iuntog ang ulo mo ng paulit ulit hanggang sa magising ka sa realidad na may mga taong hindi kayang ibalik ang ibinibigay mong pagmamahal?
Pero bakit ganito? Ang sakit na dala dala ko ay higit pa sa lahat ng paglalarawan ng ibang tao. Ang bigat. Napakabigat
Ang tanga tanga ko para umasa ng ganito. Ang tanga tanga ko para umibig ng ganito kalalim kahit na alam kong malulunod lang ako at hindi siya magtatangkang magpalunod kasama ko
"Ang tanga tanga ko! Nakakainis! Nakakainis!" Sinabunutan ko ang sarili kong buhok at lalong naiyak sa mga napagtanto
Sunod sunod ang pagbuhos ng aking luha at patuloy ang hikbi na bumabasag sa katahimikan na bumabalot sa aking kwarto
Hanggang sa mapagod na ang mga talukap ng mga mata ko at makatulugan na lang ang pag-iyak
NAGISING ako sa malakas na pagtunog ng aking cellphone
Naiinis na dinampot ko ito sa table na nasa gilid ng aking kama
Wala pa rin itong tigil sa pagtunog
Ididismiss ko na sana ito ngunit agad akong nagising mula sa pagkakaantok dahil sa ito pala ay tawag. Natigilan ako bigla ng makita kung sino ang tumatawag ng alas-dos ng umaga
Si Nathan...
Kumirot ang aking puso dahil sa sakit at saya dahil sa pagtawag nito makalipas ang ilang buwang hindi nito pagpaparamdam.
Natagalan bago ko ito nasagot kaya naman namatay ang linya. Ngunit agad naman itong tumunog para sa paninagong tawag.
Bumuntong hininga ako bago ito sinagot. Na para bang mababawasan non ang kabang nararamdaman ko
" N-Nathan... "
Napalunok ako ng hindi agad ito sumagot kaya naman tiningnan ko ang screen ng cellphone ko kung pinutol na nito ang linya ngunit hindi pa pala
" N- Nathan..." sambit ko ulit sa pangalan nito
"Tiffany "
" A-Anong ka-kai-langan mo? " napalunok ako ng dahil sa pagkakautal utal ko
" Look, i'm here at your apartment already. Can you let me in first? " Malumanay na saad nito
Napabangon siya ng wala sa oras at nagmamadaling pumunta sa harap ng salamin at nag-ayos. " HHA-HA!? Te-teka lang! "
Pinatay ko na ang tawag at nagmamadaling bumaba papunta sa gate
Nakita ko itong prenteng nakatayo roon. Halos marinig ko na ang pintig ng puso dahil sa lakas at bilis nito kaya naman walang imik kong pinagbuksan ito ng gate
Binuksan ko ang ilaw atsaka kami umupo sa hiwalay na sofa
Bumalot sa aming kapaligiran ang katahimikan
Ramdam ko ang paninitig nito sa'kin ngunit nanatili lang akong nakayuko.
Tumkhim ito bago nagbitaw ng mga salita
" Tiffany "panimula nito ngunit nanatili akong nakatungo " Look, i'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo"
Hindi ako nagsalita na para bang hinahayaan ko lang itong magpaliwanag " Nawalan na kasi ako ng time. Dahil na rin sa trabaho at kay Stephanie. " napangiti pa ito ng masambit ang pangalan na babae nitong labis na minamahal ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata
BINABASA MO ANG
Let's not Fall Inlove (One Shot)
Random" Because falling means going down quickly." -Tiffany Granada