♥ Chapter One ♥

159 3 0
                                    

  

#AngKwelaKongGirlfriend

 

Chapter One

 

Author’s POV (Point Of View)

 

Hello! *kaway kaway* mwahaha!

Syempre ako ang author dito kaya pagpasensyahan niyo na lang kung ako muna ang unang eepal. Eh sa gusto ko eh! XD :P

Chance ko na rin ito para makapag moment! Wahaha! XD

Ako muna ang unang magmo-moment na ipakilala ang mga all-abouts sa mga characters na first time munang mag pi-POV. Kumbaga ide-describe ko muna kung ano at sino sila para mas lalo niyo silang makilala at ma-imagine kung ano ang mga itsura nila.

So tumahimik na lang muna ako at sisimulan ko na ang trabaho ko.

So here it goes first. .

Si Jamshelle Zuniga, also called as Jam.

Isang babae (which is I don’t think so kung ‘yun pa ang tingin niyo sa kaniya after nitong mga description ko sa kaniya) na may isang dosenang bibig. Na kung makapagsalita ay daig pa ang naka-microphone. Na talo pa ang armalite sa bilis at ingay kapag dumaldal. Na lagi atang naka Enervon dahil hindi maubos ubusan ng energy sa pagiging sobrang hyper. Na parang pakiskisan ng palay ang bibig kung makalamot ng pagkain. At higit sa lahat, tagos, as in tagos na tagos to the bone marrow ang pagiging sobrang pelosopo at kwela.

Yes. Siya yung ating Ms. Kwela sa istoryang ito. At hindi lang basta kwela kun’di napakapilya pa! Hanep na katagusan na ‘yan. (-_-)

Isa siyang babae na favorite ang lahat ng pagkain. Yes. Maski ano, basta makakain or matatawag mong pagkain basta masarap ay favorite n’yan. In other salita, matakaw ‘yan! (-_-)

Takot siya sa refrigerator na walang laman. May malaking bodega ‘yan sa loob ng tiyan. At gustong gusto n’yan lagi ang linilibre. Patay gutom eh. (-_-‘) Kaya mag ingat kayo kapag siya ang kasama niyo. Manganganib ang mga buhay ng mga wallet niyo. (_ _)v

Pero maski ganyan ang mga ibang characteristics niya, meron din yang mga good sides.

Pagbigyan na lang natin. Kawawa naman. XD

Siya ay isang babae na simple pero maganda. No, let me scratch that. Isa siyang babae na maporma pero maganda.

Yes. Maporma siya. And by that means na hindi siya kikay or maarte manamit. Simple Jeans and T-shirt lang siya with matching rubber shoes. Kumbaga may konting pagka-boyish siya sa porma at galaw pero hindi ibig sabihin na tomboy siya ha! Babaeng babae pa rin ang dating niya kaso astig nga lang. Yung parang may swag ganun. SwagGirl. Charot. XD

Ayaw niya lang kasing maging maarte. Kumbaga gusto niyang maging simple and natural lang. Hindi nga siya mahilig mag ayos eh. Ayaw niya kasing maging center of attraction or watchoeber. Pero actually, maski simple lang siyang pumorma, maganda pa rin ang out come niya. Taray deva?

That’s another thing about her. Maganda siya. Pero ang masaklap, kumbaga sa password na siya lang dapat sana ang nakakaalam eh baliktad! Siya lang ang hindi nakakaalam! (-_-)

Maski rin matakaw siya, hindi naman siya tumataba. How? Hindi naman dahil sa may alaga siya sa tiyan niya, bodega nga lang. (^_^)v Pero hindi ‘yun. She’s a sporty girl. Mahilig siya sa mga sports which serves as an exercise to her kaya fit pa rin siya maski marami siyang linalamot at ini-import sa tiyan niya everyday. She can still maintain her very good shape which is ‘di na naman niya alam na may maganda siyang katawan. (_ _‘) (‘_ _)

Hindi niya  kasi masyadong pinapansin ang sarili niya at ang mga hidden charms niya. Parang wala siyang kamalay malay na may mga naka-captivate din sa kaniyang ganda.

Yes. She has lots of secret admirers who are just contented on admiring her from afar. Oh deva? Taray talaga ng lola niyo. May naloloko din pala ang beauty niya. XD Pero maski maraming uma-admire sa kaniya, ‘di naman sila lumalantad. (-_-)

Natatakot kasi silang ma-basted dahil isa siyang babae na walang kainte-intention na magka-love life. Bakit? Aba malay ko ba sa kaniya. Buhay niya ‘yan eh. Wala na akong pakelam duon. Tanong niyo na lang sa kaniya. XD

Dejoke lang. Mamiya ko na lang sasabihin kung bakit. Punta na lang muna tayo sa mga ugali niya.

Number 1 na ugali niya is napakakwela. Like I said, isa siyang babae na saksakan ang pelosopo at pilya. Why? Gusto kasi niyang makapagpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng pagiging kwela niya. Lalo na kapag malungkot ang mga kaibigan niya, pinapatawa na lang niya maski halos sobrang seryoso na ng pag eemo at senti nila. Ayaw kasi niyang nakikitang malungkot at parang namatayan or natalo sa lotto ang mga bestfriends niya. Gusto niya, dapat lagi lang silang masaya, para happy ang life. Eh? XD

Number 2 naman ay napaka masayahin niya lagi at napaka energetic. Naka Enervon nga lagi diba? XD Lagi yang nakangiti at nakangisi. Smiling face lang?

Baliw din siya minsan. Pinagtatawanan niya ang sarili niya. Nake-carried away din sa mga sarili niyang jokes maski napakakorni naman. Kumbaga nagsasarili. (-_-‘) (‘-_-)

Another thing, number 3 ay palaban siya. ‘Di siya sang ayon sa paawa awa or pagiging martir effect. Gusto niya yung lumalaban. Basta’t alam niyang nasa tama siya, pinaglalaban niya ang side niya.

Lastly is napakamapagmahal niyang tao lalo na sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Unbelievable ‘no? Dejoke lang. (^_^)v Pero seriously mapagmahal talaga siya.

Pero hindi pa niya nararanasan ang magmahal ng tunay. Yung magkaroon talaga ng boyfriend. NBSB siya eh. Want to know why?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Secret na lang muna ‘yun! HAHAHA! Tutok na lang kayo sa mga next chapters. Dun niyo malalaman kung bakit. (^_~)

As for now, maiwan ko muna kayo dahil si Ms. Kwela na ang magpi-POV.

Enjoy! (^_^)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

♥ Ang Kwela Kong Girlfriend ♥ (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon