Entry 4

81 1 0
                                    

" Sayo yan ? " itinuro ko sa kanya ang note na hawak niya.

" Saan mo nakuha 'toh ? " galit na tanong niya. Anong akala niya sa akin magnanakaw ? Kasalanan ko ba kung nakalagay yan sa desk ko , diba.

Kainis naman 'toh , kinikilig na nga ang tao pinapainis pa niya. Ewan ko , ang labo talaga ng love nakakaloka !

" Malay ko , dito lang 'yan sa desk ko eh. Kinuha ko naman kasi akala ko sa akin. "

" Ang feeling mo naman. Sa akala mo may magbibigay sa'yo nito ? Ibibigay ko 'toh sa crush ko noh , at hindi ikaw 'yun kaya wag kang O.A ! " gggggrrrrrrrrrrrrr !!!! Sobrang nakakainis talaga siya grabe. Akalain mo 'yun ? Siya palang ang nagsabi sa akin nun noh !

Porket panget ako , gaganyanin niya lang. Ang dami pang lalaki sa mundo noh , at hindi lang siya ang crush ko. Teka , diba siya lang ang crush ko ! Haaaay ! Ang labo talaga , nakakainis !

Tinalikuran ko siya , gusto kong umiyak sa sobrang sakit nang sinabi niya sa akin kanina. Pero galit na galit ako , gusto ko siyang sampalin , gusto ko siyang sapukin , gusto ko siyang batukan , at gustong-gusto ko siyang patayin !

Babae rin naman ako , tao rin katulad niya. Hindi naman niya kelangang ipamukha sa akin na walang taong magmamahal sa akin eh. Respeto lang naman ang gusto ko hindi pagmamahal.

HInarap ko siya at , tinignan sa mata. Yun bang galit-na-galit look. Natakot siguro kaya tumalikod siya , " Tao ako , and worst babae , I need respect kaya sana naman wag mo nang uulitin. Alam mo bang masakit 'yun ? Hindi mo siguro alam kasi MANHID ka. "

Tinalikuran ko siya , at umalis nalang. Lumabas ako ng room , pumunta ako sa likod ng bulding 4. Umupo ako dun sa may bench at umiyak ng umiyak. Sa gitna ng moment ko dun , biglang may nagsalita sa likod ko.

" I'm sorry , I didn't meant to hurt you. Akala ko kasi kinuha mo talaga 'yung note eh. "

Tiningnan ko siya , he handed me his handkerchief. Kinuha ko 'yun at ipinahid sa mukha ko. This time , napangiti ako sa ginawa niya , pero hindi niya nakikita kasi nakayuko lang ako. Kinikilig na naman tuloy ako , haaay ano ba yan !

" Okay lang , at least humingi ka ng sorry diba. "

Bigla siyang tumawa nang nakakaloko. Ano namang nakakatawa dun ?

Ano bang meron ? Ang babaw niya naman , hindi nakakatawa pero pinagtatawanan niya . How weird , siguro may sakit sa utak haisst kawawa naman ;(

Tiningnan ko lang siya ng napakatalim , char ! 

Nang makita niya ako , huminto siya sa pagtawa at naging serious ang mukha niya , na para bang wala lang nangyari , parang hindi lang siya tumawa ng nakakaloka .

Nababaliw na talaga siguro siya .

Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita , " Bakit ka umiiyak kanina ? " Ahh ganun , hindi niya alam ?

Gusto niya ng FLASHBACK ipapaalala ko sa kanya ang ginawa niya sa akin kanina dun sa room. Kaloka naman toh ! Wala pa bang mas matinong tao na pwede kong makaharap ngayon ?

Hindi ko nalang siya pinansin kasi baka ma-struggle na naman ang face ko. Pero , bigla niyang hinila ang kamay ko , at hinigit ako papuntang gym.

" Ano ba , let go of me  ! " , sinigawan ko siya kaya naman nakatingin sa amin ang mga teacher's na dumadaan.

" Sssshhh ! Ang ingay mo , sumama ka nalang sa akin. Please. " , mahina lang ang boses niya pero naririnig ko kahit na hindi ganun kalakas ang boses niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's MINE For Only 3 Months :((Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon