His Letter

10.4K 290 41
                                    

His Letter

Hoy Marga.

Nasan ka? Bakit mo ako iniiwasan? Dahil ba nagtapat ako sayo? Sus. Pa-demure ka naman. E di ba mas lalake ka pa sa'kin? Kaya siguro bakla ako. Kasi mahal kita.

Oh. Wag kang mag-blush. 'To naman. Sinabi ko na yun sayo ng harap-harapan di ba?

Mahal kita. I love you. Mahirap bang intindihin yon? Hindi naman di ba? Eh ba't ka umiiwas? Kahit mag-thank you ka man lang sana.

Alam ko naman. Alam kong nahihirapan ka. Alam kong marami nang lalaki ang gumawa sayo nito. Alam ko na ding napapagod ka na. Kasi parati ka na lang nasasaktan. Pero sa'ting dalawa, ako lagi yung sinasaktan mo. Subukan mo lang ulit. Hahalikan kita.

Alam ko rin matagal ka nang nag-aantay. NBSB ka di ba? NBSB pero puro ka crush. May ka-MU ka pa nga raw dati.

Bakit ka nga ba nag-aantay? Teka.. Gets ko na. Kasi gusto mo na kung sino man yang malas na lalaking maging boypren mo.. siya na rin hanggang huli? Kayo na magtuloy-tuloy hanggang sa simbahan? Tatanda kayong magkasama? Naniniwala ka dun?

Kung ganun.. E di ako na lang yang malas na lalaking magmamahal sayo habang buhay.

Magpakita ka na kasi. Wala na akong maasar. Wala nang nananakit sakin. Miss ko na yung suntok mo, yung sipa mo, saka yung sabunot mo sa semikal kong buhok. Hangang-hanga nga ako sayo, semikal na nga ako pero nasasabunutan mo pa rin ako. Kung ako sayo, tigilan mo na yan. Baka maagang mapanot itong mapapangasawa mo.

Hindi ako conceited. Pero di ko maipagkakailang ramdam kong gusto mo rin ako. Hindi mo lang masabi. Wag ka nang mahiya. Kunwari na lang hindi ko pa alam.

Hoy Margarita. Dali na. Magpakita ka na. Miss na kita. Sana liparin ng hangin 'tong papel papunta sa kinaroroonan mo. Para ma-realize mo kung gano mo 'ko nasasaktan ngayon.

Mabasa mo man 'to o hindi.. Mahal pa rin kita.

His Letter (Two-shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon