Her Reply

4.4K 362 111
                                        

Her Reply

Hoy Ace!

Wag mo akong hino-hoy ha. Baka tamaan ka sa'kin.

Asa kang nagbablush ako. Anong tingin mo sa'kin? Patay na patay sayo? Asa ka pa.

Hindi ako umiiwas. Hindi ba pwedeng kiligin muna ng mag-isa? Kailangan sumagot agad?

Uuy.. kinilig. Che!

Ha? Mahal mo ako? Sus. Tagal ko nang alam yan. Halata ka kaya.

Ba't ngayon ka lang nagtapat? Ang torpe-torpe mo. Nagkaron pa tuloy ako ng sandamakmak na crush at unggoy na ka-MU.

Susuntukin ko muna yang lips mo bago mo ako mahalikan. Magdusa ka.

Sorry naman kung nasasaktan ka ngayon. Bayad yan kasi pinag-antay mo ako ng matagal.

At ano ulit yun? Mahal mo ako? Well.. Thank you. Masaya ka na? Isa pa pala.. Mahal din kita.

Kung saan-saan ka naghahanap eh nasa bahay lang naman ako. Gamitin ang utak minsan ha? Puro ka puso. Kaya mahal kita.

Hoy Horacio. Pag hindi ka pa dumating dito within 5 minutes, babawiin ko yung sinabi ko. Bili--

His Letter (Two-shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon