Chapter 2

49 4 0
                                    

Tricia's P.O.V.
"Hi" sabi niya. Wokay. Kinakabahan na ako. Paano ako magpapakilala? First of all, mahiyain ako. At pogi siya! Pero hindi ko type, ok, ok. "Hello", sabay ngiti na rin ako.

Para akong tanga. Hindi ako nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako ng deretsyo. Okay, baka mapagkamalan pa akong bulag nito.
Nakita ko from the corner of my eye, ngumiti lang siya tapos yun na. Hayy salamat. Ayoko pa talagang makipag-usap kahit kanino. Ewan ko na lang kung paano ako makiki-pag make friends. Ang gulo ko nakakainis.

Dumeretso na kaming lahat sa classroom namin. Sa gitna na lang ako umupo. Baka mamaya yung pagpapakilala, magsisimula either sa harap or likod, kaya okay na ako dito.

Medyo maingay klase kahit 1st day. Nakakamiss na yung dati. Dapat kasi hindi na ako lumipat... Okay joke lang, okay na pala ako dito.

Maya-maya na lang may nakatabi akong babae. Nakikilala ko yung mukha nung katabi ko. Parang nakilala ko na siya dating dati pa. Tahimik din siya, so siguro new student rin siya. "Hi", sabi ko sa kanya. Okay, medyo awkward yun. Tumingin siya tapos tinitigan lang ako.

Wow, ano to, bastu- "TRICIA!", sabi niya pero hindi gaanong kalakas.

Nagulat ako, so binabawi ko yung sinabi kong pagiging bastos niya. Sabi ko na nga ba, kilala ko ito eh. Kilala niya rin ako. "Uhm, hello?" sabi ko, "Sorry kung nagulat kita. OMG pero naaalala mo pa ba ako?" Tinitigan ko siya sandali tapos sabi ko sa kanya, "Uhm, oo pero hindi ko lang talaga maalala name mo." "Ako to, si Zhia, I used to be your childhood friend since ... Uhm... PREP!"

AHHH ok ok naalala ko na siya. Siya yung best friend ko nung prep ako. Naalala ko siya yung lagi kong kasama sumayaw dati. DATI pa yun, ngayon... Di ko na alam kung paano sumayaw.

"AHH ZHIA! Hahaha ok naalala ko na. OMG ang ganda mo pa rin." Sinadya kong sabihin yun, tinetest ko lang kung ano sasabihin niya. Pero tbh, maganda talaga siya. "Luh, ikaw rin kaya." Sabi ko na nga ba yun din sasabihin niya. As usual naman eh.

Nagusap-usap kami nung hindi pa pumupunta yung adviser namin. Ang kupad kupad naman nun. So maya-maya na lang, dumating na yung teacher.

Tumahimik na lahat at nagtayuan. Binati namin yung teacher. Karamihan, kilala yung teacher, pero yung iba hindi dahil new student din sila.

"Good morning class, sit down." Sabi ni Ms. Lim. Buti na lang madaling tandaan name nito. Sobrang bihira lang kasi eh (note sarcasm).
Nagpakilala na rin yung si Ms. Lim. Mukha siyang mabait. Palatawa siya. Pero sabi niya, medyo pranka daw siya. Pero umaasa talaga akong magiging best itong klaseng ito.

Marami ng dinaldal yung teacher at inaantok pa rin ako kahit masaya siya. Tahimik lahat pero gusto ko talagang kausapin si Zhia, ang boring na kasi.

Maya-maya nag-ring na yung bell. Siguro naman dismissal na yun. Oops, recess pala. AHHH GUSTO KO NA TALAGA UMUWI. "Sabay tayo ah." Sabi ni Zhia. Um-oo ako. Daldalera rin pala tong si Zhia.

Umalis na kami sa labas. Di pa kami nagsasalita ni Zhia, medyo naninibago pa kami. Bigla siyang nagsalita "Ang tahimik mo na ah. Dati rati ang ingay mo pa eh." Well, "Di ko rin alam eh pero mahiyain talaga ako, sorry." Nag-nod na lang siya. "Saan canteen dito?" Sabi niya. "Aba'y malay ko!" Tumawa na lang siya ng malakas. Wow masaya siya kasama pero at the same time ang awkward kasi nakatingin yung iba sa amin.
So para lang rin kaming tanga dito, hindi namin mahanap-hanap kung saan yung canteen kaya sinundan na lang namin yung mga estudyante. Tapos yun, nakita na namin yung canteen.
Bumili na lang din kami ng pagkain doon. Nang may narinig akong tilian ng mga babae. Tss, mga haliparot. Hindi ko na lang pinansin. Nakabili na kami ni Zhia ng pagkain at naghanap na kami ng mauupuan.
Tapos na kami kumain, pero hindi pa tapos recess kaya nagkuwentuhan na lang kami ni Zhia tungkol sa amin, saan nag-aral before, blablabla. Masaya siya kausap kahit nabobored ako. So masaya akong nagsama kami ulit.
Maya-maya narinig ko na naman yung tilian ng mga babae. Nakakainis, parang nakatakas ng mental hospital. Bwiset.

Sino ba kasi yung pinagtitilian nila?
~~~~~~

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon