Chapter 3

39 3 0
                                    

Tricia's P.O.V.

Sino ba kasi yung pinagtitilian nila? Medyo bwiset na ako sa mga boses nila.

Okay, chill, new student ka pa lang. Be nice.

Maya-maya na lang nakita ko na rin sa wakas yung pinagtitilian nila. Student siya na lalaki.

Malamang.

So siya pala yung pinagiingayan ng mga haliparot dito.

Namumukhaan ko talaga siya eh. Parang nakilala or nakita ko na siya...

Ahh.. Okay, so siya yung lalaking nag-hi sa akin kanina.

So, ano ito? Siya yung heartthrob? Ok.

Sa totoo lang, wala akong hilig sa mga ganyan. Ako kasi yung tipong half girly, half boyish. Pero di naman ako ganung ka-OA noh?

Maya-maya na lang, nagsatahimikan na yung mga hayop. Kasi nag-bell na, meaning tapos na recess. Hayy, tyL.

Pag-taas na namin nina Zhia ng classroom, tahimik kami kasi pinagmamasdan pa namin itsura ng school tsaka ng mga estudyante.

Nasa classroom kami at umupo na na kami. Yung ibang student, nakatayo, nagkwekwentuhan, nagaasaran. Iba talaga minsan kapag first day ng mga high school. Parang hindi first day eh.

"Tricia, matanong ko nga, ano bang talent mo?" Sabi ni Zhia, breaking the silence. "Mag-gitara lang tsaka kumanta." Sabay ngiti. Tinanong ko rin siya kung ano talent niya. Sabi niya wala daw pero sabi niya mag-soccer daw.

Mukha bang talent yun? Sport yun eh. Okay, hayaan mo na.

Nag-kuwentuhan ulit kami at nagtanungan. Paunti-unti na rin naming nakikilala isa't isa.

Syempre, medyo awkward pa kasi ngayon lang kami ulit nagkita.

Dumating na teacher. Kung tutuusin, pwede akong magreklamo sa teacher na yan eh. Sobrang kupad kasi.

"Sorry class, I'm late."

Hindi, ang aga mo nga eh.

"So let's start introducing your selves. Let's start with you." Ako tinuro ni Miss.

Talaga nga naman oh. Ang bilis ng karma.

Kinakabahan ako! Hindi ko alam sa sabihin ko. Ano sasabihin ko? Okay, okay. Kaya ko ito. Ito na.
Tumayo na ako. "Hi, I'm Tricia E. Rosales. You can call me Tricia. I love singing and playing guitar." Yun na yun, okay na ata yung sinabi ko. Umupo na ako agad.

Umiinit mukha ko. Siguro pulang pula ako dun. Huhuhu nakakahiya.

Bwsiet.

Lahat sila nakatingin pero ito namang si Zhia pinagtatawanan ako. "Thank you Tricia. Let's be all nice to her. She's new here." Thank you naman Ms. Lim. Nag-smile lang ako. Pero tawa ng tawa pa rin si Zhia. "Ba't ka ba tumatawa?" Sabi ko kay Zhia ng pabulong. "Halata kasing kinakabahan ka dun eh. HAHAHAHA." Ang lakas ng tawa niya.

Shit. Nakatingin tuloy sila lahat. Nakakahiyaaaa.

"What's the problem? Ikaw sunod magpakilala. Dali, sa harap." Yan tuloy, ingay kasi eh. Pinagtawanan ko lang siya. Hahaha buti nga. Tapos na siya magpakilala. "Oh, ano ka ngayon?" Tinawanan ko siya. Tinarayan niya lang ako.

Marami ng nagpakilalang students. Ang sunod naman, ay yung pinagkakatilian na naman.
Tahimik na nagtitilian pa yung iba. Okay, harot. "Hi, I'm Julian Rivera. You can call me Ian." Sabay smirk tapos nag-wink sa akin. Ay putek, ang landi. Kaya naman pala. Manang mana sa kanya mga fans niya.
Rinig ng onti yung tilian ng iba. Yung tili na pabulong. Luh, porket gwapo lang eh. "Yieee.." Sabi ni Zhia. "Lul." Pinagtawanan lang ako ni Zhia.

"Uhm, okay?" Sabi ni Ms. Lim. Naguguluhan siya. Parehas lang kami naguguluhan dahil kay Ian.

I want to know more about that boy, Ian. Hindi sa dahil gusto ko siya. Kung hindi, sa ugali niya.

I'm getting curious na. Okay. Ayoko maging stalker pero magagawan din ito ng paraan.

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon