Brittany's POV
"Ugghhh.." dumilat ako ng konti at parang nasisilaw ako. Pumikit pikit ako. Ang sakit ng pakiramdaman ko.
Nasan ako? Nakakasilaw yung ilaw sa kisame. Sobrang liwanag.
"Shane?" Sino yun? Hindi ko makita. "Huy, shane!" Medyo pasigaw na sabi sakin at hinawakan ang kamay ko.
Si Jordan pala. Nakita ko, kasama nya si Geo.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si mama. Inakap nya ako at tinanong kung ok lang ba ako at hindi ako sumagot.
"Na..nasaan si Dav...David?" Sobrang lamig dito para akong nagyeyelo. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa pakiramdaman ko.
Mga ilang minuto, hindi pa rin nila ako sinasagot. Nagtitinginan at nagsesenyasan lang sila sa isa't isa.
Nakakabingi ang katahimikan, pero nabasag ito ni Geo.
"Umalis na sya, Shane." At pagkasabing pagkasabi nya bigla na lang tumulo yung luha ko.
Pinapatahan nila ako at may kung ano ano sinasabi pero parang di ko naririnig ang mga ito. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko, hanggang sa makatulog ako.
David's POV
"Kuuuuuyaaaaa JohnJohn" Bati sakin ni bunsoy sabay yakap.
Nandito na ako sa America, kasama pamilya ko. Bakit ako nandito? Magmu-move on ako.
Napag isipan kong pumunta dito at makasama ang pamilya ko. Buo kasi sila dito e, ako lang ang kulang. Dito na ako mag aaral at pagka nakagraduate ako, babalik na ako sa Pinas ng wala nang Brittany Shane Alvarez sa puso ko.
Kumain muna ako at pumunta sa kwarto ko.
Naaalala ko pa yung mukha nya nung nasa airport ako. Bakit kaya sya pumunta dun? Mahal nya ba ako? Ano ba talagang nararamdaman nya?
Ano na kaya ang kalagayan nya ngayon? Ok na ba sya? Haayst. Paano kaya ako makaka move on kung sya pa rin ang iniisip ko?
Nag isip ako ng nag isip sa kung anong anong mga bagay hanggang sa nakatulog na ko dahil sa pagod.
Geo's POV
Nakauwi na kami mula sa Hospital. Mukhang ok na naman si Shane.
Nakakalungkot lang dahil iniwan kami ni David. Gusto nya kasing mag move on.
Pero mas nalungkot ako nung nakita ko si Shane na umiiyak dahil sa kanya. Ano ba talaga ang nararamdaman nya para kay David?
Binuksan ko ang Laptop ko at nag-facebook. Matagal tagal na rin pala akong di nakakapag bukas ah.
(A/N: Wala pong fb si Geo, gagawa pa lang po ako.)
Nakita kong nakabukas si mokong este Jordan at nichat ko.
Geo: Hoy, nasaan ka ngayon?
Jordan: Bakit babe, pupuntahan mo ko?
Geo: Wrong send ka ata boy? Si Geo to!
Jordan: Ay sorry babe.
Geo: Bakla amp. Sagutin mo na lang ako ng maayos puto!
Jordan: Joke lang naman pre. Nasa bahay ako ngayon. Mag isa ako. Punta ka?
Geo: Nagtatanong lang ako. Sure ka bang mag isa ka lang dyan?
Jordan: Ha? Oo naman...
Geo: Lumingon ka sa likod mo...John Jordan active 3m ago.
WAHAHAHAHA. Nag log out. Natakot ang mokong!
Mga ilang minuto, may kumatok sa pinto ng bahay ko.
Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko sa Jordan sa harap ko.
Tangna, laughtrip! Wahahaha! Takot!
Inaasar asar ko lang sya buong gabi at wahahaha laughtrip.
Natulog pa sa tabi ko. Pampaganda ng gabi ahahahaha.
-
Nasilaw ako sa konting liwanag na hindi natatakpan ng kortina ko at nagulat ako sa nakita ko.. si Jordan na nakayakap sakin
"AAAAAAHHHHHHHH!"
-××××××××××-
A/N: SORRY po sa slow update. Marami lang po talaga akong gawain. 12 years old pa lamang po ako FYI. hehe. Sorry po talaga. So ayun po, sana po magustuhan nyo tong update na to. At para maging update kayo sa story ko, just add this story to your library. Also kung may problema/suggestions/tanong just comment, I don't bite hehe. Vote na din po kayo. I will appreciate that. ^^ (Chu~<3)
-PrincessNoname