PAALALA: ang istorya pong ito ay rated PG, patnubay ng magulang ang kailangan sa mga batang magbabasa (chos) Ang istorya pong ito ay likha ng aking imahinasyon. Pag ang pangalan nyo po ay nasali sa istoryang ito, coincidence lamang po yun.
BABALA (asawa ni?): Hindi po talaga ako magaling na author kaya pagpasensyahan nyo na po ako kung merong mispelled na word o may mali na ewan. Just comment, I don't bite. ^^
Haba naman ng intro ko wahaha. Anyways, enjoy reading guys.
-××××××××××-
Brittany's POV
"Hello beeeeeee! Ang ganda mo naman ngayon!" Ang bati ko kay Lexxy ng makita ko sya sa gate ng school.
"Tapos ko na assignment mo. Tigilan mo na ko." She said coldly then inabot nya sakin yung notebook ko at umalis na.
'Tsungit naman nun.' Sabi ko sa sarili ko habang nagpa-pout (feeling cute ako hehe)
*Bell ring*
Naglalakad na ako sa room ng first subject ko ng nahagip ang mata ko sa isang lalaki sa may room. The KILLING ROOM.
'Haayst, may binu-bully na naman sila.' Iniwan ko ang bag ko sa tabi ng pinto ng The Killing Room at tinaas ko ang sleeves ko sa braso ko.
"Titigil kayo o titigil kayo?!" Sigaw ko sa mga lalaki at lumapit sila sakin at binugbog ako (choss) syempre di ako magpapabugbog.
"Hayst. Nandito ka na naman Brit?" Sabi sakin ni Geo. Si Geo ang isa sa mga nangbu-bully sa school namin. Tropa ko to.
"Tss. Itigil nyo na kaya yang pambu-bully nyo no? Kelan kaya kayo maki-kick out dito?" Sigaw ko then taray sa kanila.
"Ang hard mo naman bessy!" Sabi sakin ni Jordan, ang 'cute' pero badboy sa grupo nila.
"Tss. Ano bang ginawa ng lalaking yan?" Tanong ko sa kanila at tinuro yung lalaking binu-bully nila.
"Hindi nya kasi ginawa yung assignment namin e! Meron tuloy kaming community service bukas!" Galit na sigaw ni David, ang leader 'daw' sa grupo nila.
"Alis nga dyan!" Tinaboy ko sila sa lalaking binu-bully nila at tinignan ko ito ng face to face. Medyo gwapo naman e.
"Pwede ka ng umalis." Naka ngiting sabi ko dito at bigla na lang syang umalis ng hindi man lang nagpapasalamat. Aba matinde!
"Thanks for saving the day Hero Brittany!" Sarcastic na sigaw sakin ni David.
"Yeah, yeah. What ever." Kinuha ko na ang bag ko at umalis na. At naalala ko na may first subject pa pala ako. Humarurot ako ng takbo papuntang room ko at binuksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto, sakto, nakatalikod si Ma'am Galvez at nagsusulat. Nag lakad ako ng mabilis at nung uupo na ako..
"Ms. Alvarez!" Nagulat ako ng nag eye to eye kami ni Ma'am. "You are 20 minutes late." Lumapit sya sakin "Community service tomorrow at my time. Pag tumakas ka, 1 month community service! Kaya don't dare to escape!" Sigaw nya sakin. Take note, nasa harap ko lang sya.
Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sakin. Well, i don't give a poop.
After 9999 years, natapos rin ang pagtuturo ng teacher ko.
Vacant ko ngayon at gusto ko munang magpahangin at kumalma. Pumunta akong rooftop at umupo sa bench doon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at ang earphone ko. Nagpatugtog ako at haaaaaaaaaaayss.
Hindi pa nga pala ako nagpapakilala no? Ako nga pala si Brittany Shane Alvarez. 4th year high school nag aaral sa ****** HS.
Yung The Killing Room na nabanggit ko kanina. Hindi naman talaga literal na Killing Room yun. Dun kasi madalas dinadala ang mga binubully. Ang mga bumu-bully kanina ay mga tropa ko sa ibang section. Tatlo sila. 3 idiots wahaha. Si David, Geo, Jordan. Magkakakilala kami since grade school. Kaya kilala na namin ng lubos ang isa't isa. Naalala ko pa nung niligawan ako ni Jordan nung grade 5 kami tapos nung nakita ni David nabroken heart daw sya wahaha. Good times.
Nahagip ng mata ko ang lalaking pumapasok dito. Teka... sya yun ah!
Nagkatinginan kami ng ilang segundo at nagulat ako nung sinarado nya ang pinto at lumabas. Hinabol ko sya bitbit ko ang bag ko at naabutan ko nga sya sa hagdan.
"Teka!" Hindi sya tumitigil sa pagbaba at ako naman tong habol ng habol. At finally, nahawakan ko yung braso nya.
"Diba ikaw yung lalaki kanina?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang sarili ko. Haggard ko na hayst!
Tumango lang sya sakin.
"Pipe ka ba?" Iritang tanong ko sa kanya. "Bakit ayaw mong magsalita? Natatakot ka ba saken?" Inaalog ko na sya.
"Hindi..." bulong nya. Wow ah. Nakakabingi yung katahimikan nya.
"Hindi ka lang ba magpapasalamat sakin?" Napatingin sya sakin ng sandali at umiwas ng tingin ulit.
Hinawi nya yung braso nya at tumakbo na paalis.
"Wtf? What's with that guy?" Iritang sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na sya hinabol. Ano sya sine swerte? Lakas nya ah.
Hours passed. Natapos na din ang ibang subjects ko. Hindi na ko pumasok sa last subject ko kasi ngayon kami magkikita nila Geo. Time check, 5:30 pm.
Palakad na ko sa may court at nakita ko na sila.
"Contestant number 1 is here!" Sigaw ko sa kanila habang naglalakad ng feeling model.
"Nagpi-feeling na naman sya oh. Wahaha." Paepal na sagot ni Jordan.
"Tara na?" Pag iiba ko ng topic.
"Wait lang. Si David pa." Sabi ni Geo habang nagte text sa cellphone nya. Nasan na naman kaya yung lalaking yun?
"Oh, pre! Tara na!" Sigaw ni jordan at napaharap naman ako kung nasaan si David at ang babae nya. Pang ilan na kaya nya to?
"Pang ilan mo na yan bes?" Mataray na sabi ko kay David pero di nya aki pinansin at tuloy pa rin ang pag akbay sa lalaki.
"Baby? Who is she?" Turo sakin ng babae at inirapan ako. Teka teka.
"Baby? Sanggol!" Inirapan ko din sya
"Wag mo na lang pansinin yan babe." Mahinang sabi ni David at naunang maglakad. Kami namang tatlo sumunod na lang.
Tumakas kami (dating gawi) sa may likod ng building ng school at pumunta na sa Mall na pupuntahan namin.
Nakapunta na kami sa Mall pero hindi pa rin ako pinapansin ni David. Habang nasa bus kami kanina, inaasar asar pa ako nila Jordan pero hindi ko na lang pinapansin.
Habang naglalakad na kami, nakita ko na naman sya...
-××××××××××-
A/N: Sana na enjoy nyo po. Hindi ko po ma ano yung pangalan ng school sa kadahilanang wala akong maisip na pangalan. Suggest naman po kayo sa comment pls. Para po sa Chappy I (2/2), update ko po agad mamaya.
Kung nagustuhan nyo po, pls vote/comment any suggestions or kung may problema kayo. ^^ (Chu~<3)
-PrincessNoname